50

69 5 16
                                    

"Thank you for your trust, Ms. Aquino."

"Thank you rin. I'm excited to see everything especially my gown."

everything is now set. The only thing na lang na gagawin at makita namin ni Herbert lahat ng nagawa. My gown, his outfit, the places, decorations, and foods.

"Hon, ayos ka na ba?" I asked.

Nasa banyo pa si Herbert habang ako naman hinihintay na lang siya.

Lately, tumatagal si Herbert sa banyo or 'di kaya sa labas ng garden na tila may kinakausap.

Siguro dahil baba na siya as mayor kaya maraming dapat asikasuhin.

"Okay na ako, Hon. Sorry natagalan," he said sabay lagay ng salamin niya sa mata.

"Let's go," I said sabay labas namin sa kwarto at tumungo na sa kotse.

Nagpahatid na kami dahil ayokong mapagod si Herbert sa pag-drive.

Nalaman na ng publiko ang pagbubuntis ko at pagpapakasal namin ni Herbert. Maraming nagulat and as usual marami ring nag-bash. But, dedma is the key for that especially that Herbert is strict na sa paggamit ko ng social media hangga't buntis ako to protect my health and our baby.

When we arrived at the church, inalalayan ako ni Herbert.

"Tabi ka lang palagi sa akin ha," he said while looking for something around.

"Mahal? bakit ka ba panay tingin pa sa paligid? May problema ba?"

He looked so tense.

"Hah? Wala naman. Just want lang to be with you and our baby," he said sabay hawak sa kamay ko. "Tara na, excited na ako," he smiled.

Sabay panik namin patungong simbahan.

Habang naglalakad kami ni Herbert at pinagmamasdan ang simbahan, I smiled.

Parang noon lang nagtatanong si Simon if gusto ko pa ba magpakasal. Ngayon, kasama ko 'yong taong minahal ko noon na hindi ko aakalain na kami pa rin hanggang dulo.

Sabi nga, sa hinahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

"Maiyak ka niyan kakatingin sa simbahan, mahal," he chuckled.

Hinampas ko naman siya sa braso, "baliw! Parang noon lang kasi ang dami natin problema tapos ngayon nandito na tayo sa simbahan."

"Everything will fall into a good place talaga, Kristina Love. Tagal kong hinintay na makasama ka. Ngayon, tinupad na ng maykapal na maiharap kita sa kaniya," he said.

"I agree," bigla na lang tumulo ang luha ko.

"Don't cry hon, makakasama kay baby. Sabi niya, don't make mommy cry."

I laughed while Herbert wipes my tears.

"Look at me mahal kong Kristina. Palagi mong tatandaan kung gaano ako kaswerte nang makilala kita. Hindi man naging madali ang pinagdaanan natin noon pero ang mahalaga naririto tayo ngayon at tumibay at pinakita sa mundo kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Ngayon, may little Bautista na tayo who will surely be like you na napaka tapang. Kristina, you know that I admired you since the day we met and until now, araw-araw akong nafa-fall sa 'yo. Kaya palagi mong tatandaan kung gaano kita kamahal."

"Sabi mo huwag ako paiyakin, bakit ka ganiyan," I said sabay akap ko sa kaniya.

"Herbert, I love you. Please don't leave me ha."

"I'll never leave you, mahal ko. Palagi lang ako nandito para sa 'yo."

"Tara na? Tignan pa natin 'yong iba pang gagawin sa kasal natin," he said sabay hawak sa kamay ko at umalis sa simbahan.

Love Me Till The End (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora