43

348 15 2
                                    

"Herbert, don't buy pasalubong for me. Sa mga anak mo na lang, okay," wika ko habang nag-aayos na ng gamit para sa shooting today.

Pang 5th day na ni Herbert sa Amerika and he keeps insisting na bumili ng pasalubong for me.

"Perfume? Bag? Make up?"

"Herbert, I told you. Don't be makulit. Your safety and love is enough for me," I said sabay sarado ng bag ko. "I need to go na. I'll call you once na matapos ang shooting namin, okay?"

"Sige na. Hindi na kita mapipilit," sabay ngiti nito sa akin.

"Hi Tito Herbert," kaway ni Simon.

"Hi Simon! I miss you!"

"We miss you too, Tito. Have a wonderful and fruitful meeting po sa inyo, Tito," ngiti nito sabay pasok sa room niya.

"Thank you, Simon."

I love how my children treat Herbert like their father. Kahit may pagkakataon na nalulungkot ako because hindi sila nagkaroon ng full role ng isang ama.

"I know what you're thinking," sabay lingon ko kay Herbert. "About Simon and Joshua, right?"

"Yes. I'm just thinking na sobrang nalulungkot lang ako to see my children na walang kinalakihan na father figure," sabay hinga ko nang malalim at umupo sa table ko kung saan kinakausap ko sa Ipad ko si Herbert. Sinandal ko ang braso ko on the table and look at Herbert.

"Don't say na wala silang kinalakihan na Father figure because you are their Father and Mother figure and that's what I amazed about you."

"Noong lumalaki si Joshua na wala ang ama niya, sobrang hirap na sa akin 'yong bawat tanong na kung babalik pa ba ang papa niya. Tapos, si Simon nakita niya kung gaano kalupit ang ama niya sa akin hanggang sa siya rin ay napagbuhatan ng kamay," nagsimula na mag-crack ang boses ko dahil pinipigilan kong umiyak. "Noong pinipilit ako ng Tatay ni Simon na magbuntis ulit natatakot na ako, Herbert. Kasi 'yong doctor sinabi sa akin na nag-50/50 kami ni Simon nang ipanganak ko siya. Kung nabuntis ako sa pangalawang pagkakataon, baka patay na ako ngayon or kami. Gano'n na lang ako galit na galit sa Tatay ni Simon na para bang gusto niya akong patayin na," galit na galit na tono ko.

"Shhh, mahal. Kumalma ka. Hindi maganda sa katawan ang galit pati na rin sa puso mo. Ang importante ngayon, wala na sila sa buhay mo. Nandito na ako para alalayan ka at mahalin at sina Simon at Joshua. Diba sabi nga natin, aayusin natin lahat at kapag maayos na, hindi ka na mangangamba kung sino ang tatayong isa pang guardian kina Simon and Joshua pero sa totoo lang, gusto kong maging guardian sa kanila with limit. Ayokong isipin nila na pinapalitan ko ang tatay nila."

Tumungo ako bilang pagsang-ayon at ngumiti kay Herbert as a sign na napagaan niya muli ang loob ko. "Thank you for always being there for me," wika ko.

"I'll always be here for you, Mahal ko," wika ni Herbert.

Bigla namang tumingin si Herbert sa isa niyang phone at huminga nang malalim.

"Is there any problem?" tanong ko.

Lumingon naman agad siya sa akin, "Politika pero don't worry about it. Alam mo naman diba na magulo ang politika," tugon niya pero may lungkot pa rin sa tono niya na hindi ko maipaliwanag.

"Kung ano man 'yan, you can share it to me naman, malay mo matulungan kita," wika ko.

"Mahal, ayoko kitang madamay sa mga ganitong problema. Gusto ko pokus ka lang sa mga gusto mong gawin, okay?" sabay thumbs up niya. "Saka, sa tagal ko sa politika, alam ko naman na gagawin sa mga ganito. Kaya huwag kang mag-alala."

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now