38

199 11 0
                                    

"Next week na ang reunion niyo diba?" Tanong ni Boy habang nasa dressing room kami.

"Oo," tugon ko.

"Hindi ka talaga pupunta dahil kay Teresa?"

"I have to do this, Boy. Ayokong masira ang reunion."

"Nagkausap na ba kayo ni Herbert?"

"Hindi. At hindi ko alam kung kakausapin niya pa ako," tugon ko kay Boy habang inaayos ang mga gamit ko sa bag bago umalis.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ni Herbert, mula noon hanggang ngayon maraming hadlang."

"Ang sabihin mo, we're not meant to be talaga."

"You can't say that hindi kayo meant to be kasi mahal niyo ang isa't isa nang maghiwalay kayo. At ang hiwalay niyo ay dahil lang sa mga tao nakapaligid sa inyo, at hindi dahil sa inyong dalawa. Kung sa inyo lang din naman, hindi kayo maghihiwalay."

"I don't know, Boy. Mas maganda na sigurong ganito na kami."

"I hope na maging maayos na rin kayong dalawa," tumayo si Boy mula sa sofa sa dressing room.

Nang biglang may kumatok.

"Yes?" Bungad ni Boy nang buksan niya ang pinto.

"Sir Boy at Ma'am Kris, si Sir Leo po nariyan sa labas hinahanap po kayo," wika ng staff sa A and A.

"Oh, lika na't huwag nating paghintayin si Sir Leo," aya ni Boy.

Dali-dali akong nag-ayos saka sumunod sa kaniya.

Hindi ko alam kung paank sasabihin na hindi kami okay ni Herbert at hindi ko pa nasasabi ang offer niya na movie para sa aming dalawa.

"Hi, Kris and Boy," bungad na bati sa amin ni Sir Leo na nakaupo sa upuan ng hallway.

"Sorry for waiting you, sir," wika ni Boy sabay shake hands niya rito.

"No, it's okay. Kakarating ko lang din saka hindi ko kayo nasabihan agad. I just want to inform you lang Kris about Herbert," wika ni Mr. Leo nang tumingin siya sa akin.

Kinabahan na agad ako sa pwede niyang sabihin.

"Mayor Herbert declined my offer," panimula nito.

Tumingin si Boy sa akin. Wala akong reaksyon kundi nakatingin lang ako kay Mr. Leo.

"I told him na ikaw ang kasama niya sa movie but he said that ayaw niyang gawin 'yong movie because of personal issue. I don't want na makielam ako sa private life niya, that's why, I went here to tell you kung ano sinabi ni Mayor Herbert and as well gusto kong itanong kung gusto mo bang ituloy pa rin 'to kahit wala si Herbert?"

"Kris?" pagtawag ni Boy.

Huminga ako nang malalim. Hindi pa kasi nagsi-sink in sa akin ang lahat sa sinabi ni Herbert. Hindi pa rin okay ang lahat.

" I don't know the reason of Mayor Herbert but his decision will not affect my decision. So I will accept your offer po," tugon ko.

"Okay, well! I'm glad na pumayag ka. I will message you na lang the details and all, even your leading man," ngiti ni Mr. Leo sa akin.

"Thank you for this opportunity, Sir," wika ko sabay shake hands namin bago siya umalis.

"Hindi ko naman siya masisisi kung hindi niya tinanggap 'yong offer, dahil na rin sa pangyayari," panimula ko kay Boy habang naglalakad kami pabalik ng dressing room.

"Pero it's just a movie lang naman, kung affected siya it means may love pa siyang nararamdaman. Obvious naman," tugon ni Boy.

"Boy, iba naman 'yon. Atleast now, mapayapa akong magsh-shoot."

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now