37

199 12 0
                                    

Bagong bahay.

Lumipat na kami sa QC kung saan napagawa namin ito last year.

"Ang ganda ng bahay mo, Love. Grabe! puting-puti at sobrang aliwalas sa mata," wika ni Melanie.

Nagpa-third meeting na sila dahil sa budget na rin na kailangan pag-usapan.

"Maupo na kayo sa dining, papahain ko lang 'yong mga pagkain natin," wika ko bago ako tumungo sa kusina para tignan ang mga pagkain na nailuto ni ate Mel.

"Madam, okay na po ang lahat," wika ni Ate Mel bago niya inilapag ang Kare-kare sa counter.

"Thank you, Ate Mel. I'll call you na lang kung ise-serve na 'yang mga pagkain," wika ko.

"Sige po, Madam," tugon naman ni Ate Mel bago umalis at tumungo sa taas.

"Mama!" Biglang baba ni Simon at umakap sa akin. "Mama, can I join Kuya Joshua? He is going with Tito Noy sa Tarlac."

"Mom," Pagtawag ni Joshua.

"Sasama raw itong kapatid mo. Hindi ako nakapag-ayos ng gamit niya," wika ko habang nakaakap pa rin at nakatingala si Simon sa akin.

"He wants Mama e. He saw Tito Noy kasi na nasa kotse na," wika ni Joshua na may bitbit na backpack.

"Mama," pagtawag ni Simon.

"Sige na nga. Malakas kayo sa akin e. Don't be so matagal there ha. Malulungkot si Mama," wika ko sabay akap kay Simon. "Magpakabait kayong dalawa sa Tito Noy niyo ha," Paalala ko sa kanila. "Tell ate Jessica to prepare Simon clothes and needs bago kayo umalis," utos ko kay Joshua kaya agad naman itong pumanik.

"Mama, I love you," Sabay halik sa pisngi ko ni Simon na napakarami.

"I love you," wika ko sabay halik sa pisngi niya at akap nang mahigpit.

Binuhat ko si Simon at dinala sa dining para tignan ang mga kaklase ko.

"Aww, Hi baby Simon," kaway ni Melanie.

Ngumiti naman si Simon at nag-wave back din.

"Teka, nasaan ba si Teresa? Akala ko ba sasama siya sa atin?" wika ni Gibby.

"Huli ka na sa chika, sizt! Nasa abroad si Teresa, Herbert and the family," tugon ni Melanie.

"Nag-suggest ba ng anything si Teresa?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, nag-suggest siya na magkaroon tayo ng mga giveaways kapag nagpalaro or raffle gano'n," tugon ni Melanie.

"Okay naman 'yon."

"Sorry, Kris for what happened last time sa meeting. Pero, hindi lang nagtapos do'n ang lahat e," panimula ni Melanie na tila may ikukwento. "Noong umalis ka, bumalik ulit sila Teresa at Herbert. Nag-away sila sa harap namin. Kita 'yong galit ni Herbert pero in a proper way at may respeto pa rin naman bilang lalaki. Sabi nga ni Herbert hindi raw dapat umasta si Teresa ng gano'n kasi naging magkaibigan kayo."

"Wala naman problema sa akin na. Wala naman na dapat," wika ko.

"Pero Kris, mahal mo pa ba si Herbert?" tanong sa akin ni Melanie.

"Basta ako, ramdam ko na mahal ka pa rin ni Herbert," singit naman ni Gibby. "Kung nakita mo lang na sobrang galit ni Herbert. Namumula siya talaga. Pagkauwi nga namin, ang tahimik ni Herbert."

"Totoo, Kris. I think may pagtingin pa siya sa 'yo."

Hindi ako kumikibo sa mga sinasabi nila.

"Tito Herbert said to Kuya, sorry."

Bigla akong napatingin kay Simon.

"What do you mean?" I asked.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now