29

149 8 0
                                    

"Kanina ka pa tulala r'yan" Pansin ni Herbert.

After 2 months, saka lang kami nakapagkita dahil marami siyang meeting gayundin naman ako sa shows.

"May problema ba? Ano nga pala 'yong gusto mong pag-usapan?" He asked habang nagmamaneho at nakatingin sa daan.

Sinundo niya ko from my work na akala ko hihintayin niya na ako sa bahay.

"Nag-aalala ako sa'yo noong nakaraan, you don't even say I love you too. Binabaan mo agad ako ng call." Herbert said. "Ang cold mo mag-reply. Sa tawag ko hindi ka na nakakasagot. May problema ba tayo?"

"Pwede bang iuwi mo muna ako. Gusto kong magpahinga." I said na malumanay.

Huminga nang malalim si Herbert at hindi na nagtangka pa na kausapin ako buong byahe.

Pagkadating namin sa baba ng condo. Biglang may tumawag sa kaniya.

"Wait, I'll answer lang this. Don't go upstairs. Mag-uusap pa tayo." He said sabay accept na sa call.

"Hello? yeah." Lumayo siya ng lakad mula sa akin.

pero naririnig ko pa rin ang boses niya.

"I was with..." Bigla siyang lumingon sa akin.

"Mr. Chua."

Ano? Mr. Chua? Bigla na lang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Yeah. Uuwi na rin ako after our meeting. Papasalubungan kayo ni papa."

Papa? Bigla na lang bumalik ulit sa ayos ang mukha ko nang ibalik na ni HB ang phone niya sa bulsa at nakita siya papunta na sa akin.

Mga anak niya nga. Pero, bakit kailangan niya magsinungaling? Tinatago niya ba talaga ako?

"Let's go." He said sabay hawak sa kamay ko. pero bumitaw ako.

"Kris, ano bang problema?" He asked.

"Wala. Pwede ka ng umuwi. Huwag mo na isipin 'yong sinabi ko na, may pag-uusapan tayo. I need to rest, I'm tired." I said.

"Kris, ayoko na ganito ka sa akin e."

Ayoko rin na ganito ang pinaparamdam mo na naman sa akin.

"You should go home na. Next time na lang tayo mag-usap." I said.

Inakap niya. "Please don't get mad at me Kristina Love."

"Hindi tayo high school para gumanyan ka at tawagin mo akong ganiyan. Umuwi ka na." Tinanggal ko ang pagkakaakap niya sa akin

"Naguguluhan ako sa'yo." Iritableng sagot niya.

Mas naguguluhan ako sa'yo Herbert Hans! Lagi ka na lang magulo. Simula noon hanggang ngayon, akala ko nagbago ka pero hindi pala.

"Kris!" Tawag nito sa akin.

"ANO?!" Sigaw ko sa kaniya.

Hindi na umimik pa si HB.

"Mag-usap na lang tayo kapag hindi na mainit ang ulo mo." Sabay halik niya sa pisngi ko at umalis.

I can't stop myself na umiyak pagkaalis niya. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa narinig at nakikita ko? Maging masaya dahil ako 'yong minahal niya o maging malungkot dahil hindi siya komportableng ipakita ako sa publiko?

I went up stairs. Para makapagpahinga na. pagpasok ko I saw Boy sitting on my sofa while holding a brown envelope.

"Finally, you're here."

"Hindi ka nagsabi na pupunta ka pala rito." I said sabay lapag ng bag ko sa lamesa sa harap niya at umupo sa sofa.

"Ito na!" Excited na tono ni Boy.

"Ang alin?" Tanong ko.

"You still remember 'yong sinasabi ko sa'yong big endorsement from multinational?"

"Yeah." Tugon ko.

"Hindi mo na need mag-audition! Because they want you!" Tuwang sabi ni Boy sabay kuha ng brown short envelope. "You must have to do na lang is to sign it, then, endorser ka na nila!"

Kinuha ko ang lamang ng brown envelope. I read the paper.

"I'm really excited for you! Sa totoo lang, hindi ko siya binasa. Kasi I want you na una makakabasa niyan. It's a blessi-"

"Boy." Pinutol ko ang kaligayahan ni Boy.

"Hah? What?"

"Look at this one of their condition." Pinakita ko kay Boy ang pangatlong condition nila.

"Omayghad"

"They are not accepting an endorser na may boyfriend or asawang politiko." Pinakita ko ang singsing ko kay Boy. "I'm engaged"

Napakamot ng ulo si Boy. "Uhmm. Edi, wala na. Kaysa naman mag-violate tayo. Mahal niyo isa't isa ni HB." Malumanay na sagot ni Boy.

I looked at the paper once again. Sayang the opportunity. But, when I saw my ring. Hindi ko alam lalo na't nagkakalabuan kami ni HB ngayon dahil sa mga anak niya.

Umuwi na si Boy and I put the brown envelope on my bed side table. Gusto ko na lang muna magpahinga dahil sa nararamdaman ko. Simon and Josh are sleep na and nakisiksik ako sa kanila. I kissed their forehead and hugged them. Gusto kong umiyak while hugging them pero baka magising sila kapag may naramdaman silang umiiyak.

Napatingin ako sa phone ko when I saw HB's message.

From: HB SMART
I don't know kung ano nararamdaman mo ngayon. Bakit ganito ka sa akin? Kris, I just want to know lang naman para hindi ako nag-iisip ng ganito sa'yo ngayon. Hindi ko alam kung ano ikinagagalit mo. Palalamigin ko muna ang nasa isip mo bago ako magpakita sa'yo. Mahal kita.

*seen*

Tumulo na lamang luha ko hanggang sa makatulog na ako.

Nararamadaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko gayundin ang mga tanong na bumabalot sa isipan ko. Gusto ko siya komprontahin pero natatakot ako na baka may mangyari at masabi ako na hindi maganda sa kaniya.

Nagsisimula pa lang kami pero ito na naman. Problema na naman ang kinakaharap naming dalawa. Oo, ako ang nakakaalam pero hindi ko maunawaan bakit hindi niya sinasabi sa akin ang mga bagay na ito lalo na ang engagement ring na binigay niya na may indication na mahal niya ako.

Simula nang makita ko ang anak ni Herbert, hindi na rin mapakali ang isip ko. May nga anak din ako na pinoprotektahan ako. Mahal ako. Alam ko ang pakiramdam ng mga anak ko kapag nasasaktan. Ayokong dumating sa punto na makikita ko ang mga anak ni Herbert na umiiyak. Pagmamakaawa pa nga lang para na akong sinasaksak.

Nahahati ang desisyon ko sa mahal ko si Herbert kaya ipaglalaban ko, at sa anak ni Herbert 'yon at sa tingin ko hindi magugustuhan ni Herbert na malaman na nagmamakaawa ang anak niya sa akin na iwanan na siya.

'yong brown envelope hindi ko alam kung susulatan ko ba 'yon? Para matahimik na lahat. O ipaglalaban ko pa rin itong nararamdaman ko kay Herbert.

Bakit naman Kristina Love? Bumabalik ka na naman dati e! Lagi ka na lang nasasaktan kapag pinaglalaban mo si Herbert. Baka sa bandang dulo ikaw lang din ang maiwan. masaktan. lumuha. at makapag-isip ng hindi tama.

Gusto ko ng confirmation from you Herbert. Hindi lang reassurance na mahal mo ako.

Love Me Till The End (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum