1

311 12 0
                                    

"Love! Ang tagal mo naman." Pagsundo sa akin ni Teresa sa popcorn station.

"Bumibili lang ako popcorn, wait." Inabot ko na ang bayad sa counter at kinuha na rin ang popcorn na binili ko.

"Let's go!" Aya ko kay Teresa.

Manonood kasi kami ng favorite movie namin ni Teresa dahil gusto namin ang romantic movies para iyakan namin kahit wala kaming mga boyfriend haha.

Hi, I'm Kristina Love Aquino, but you can call me Kris, Kristina, or Love. I'm first year high school and I'm with my best friend Teresa Vega. After ng class, nagplano kami na manood ng sine kaya we are here. Kahit nagagalit na siya sa akin kasi ang tagal ko sa pop corn station.

Habang nakapila kami may biglang bumangga sa akin.

"Aray!" Nilingon ko ang bumangga sa akin na nakaitim na T-shirt, pantalon ngunit hindi ko nakita ang mukha dahil nakayuko.

"Sorry, miss. Sorry." Payuko-yuko nito at sabay umalis nito.

"Problema no'n? Makabangga! Manyak ata 'yon e." Binigay ko ang popcorn ko kay Teresa "Hoy! Bwisit ka Manyak ka!" Sigaw ko pero pinigilan ako ni Teresa kasi nakatingin na ang mga tao sa akin.

Bigla ako nahimasmasan, nakakagigil e! Laki-laki ng mall tapos nakakabangga pa. Tsk!

"Sorry po." Sabay tingin ko sa ibang tao.

"Mga lalaki talaga, walang matinong magawa." Pagmamataray ni Teresa.

Tumungo ako sa kaniya bilang agree habang naka crossed arms at galit na galit.

"Kaya-" bigla kong napansin ang isang card sa sahig malapit sa sandals ko. Pinulot ko ito at may nakasulat.

"You are beautiful, I hope to meet you soon."

Hah? Ano 'to? Pero ang ganda ng nakalagay. Siguro sa lalaking nakabangga sa akin ito.

"Ano 'yan?" Sabay tingin ni Teresa. "You are beautiful, I hope to meet you soon." Pagbasa niya.

"Ay kilig! Siguro may pagbibigyan 'yong lalaki na 'yon pero hindi natuloy. Sayang. Dibale, nakaganti ka na." Sabay tawa ni Teresa.

Sabagay, nakaganti na rin ako. Nag-failed siguro panliligaw nila dahil sa kaharutan nila sa mall.

After namin manood ng sine, mugto ang mata namin ni Teresa sa kakaiyak.

"Bakit kasi may mamatay pa." Habang pinupunasan ni Teresa ang luha niya.

"Ewan ko! Nakakainis!" Sabay hampas ko sa kaniya.

"Aray naman! Ayoko ng gano'n. Gusto ko happily ever after." Pagmamarakolyo pa rin ni Teresa.

Namatay kasi 'yong isang bida at nakasal naman ang isa sa iba kahit alam nila sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa. Ang sakit kaya no'n, nagpakasal ka sa hindi mo mahal at 'yong tunay na pinakamamahal mo mamatay na, hindi mo pa nasilayan.

Tumungo kami ni Teresa sa restaurant dahil nagutom kami sa pag-iyak namin.

"What's your order, Love?" Tanong nito sa akin na nakapatong ang kamay sa lamesa habang nakatayo.

"Pizza, Teresa. You already know my favorite!" Kindat ko sa kaniya.

"Okay! Noted, madam." Sabay salute.

Ay madam? Natawa na lang ako at saka naman siya umalis para mag-order. Habang nakatingin ako sa labas, napansin ko 'yung lalaki na nakabunggo sa akin kanina na may kausap na mga lalaki rin. Hindi ko pa rin makita ang mukha ng lalaki kasi nakatalikod.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now