33

206 7 0
                                    

"Nagpapayat naman ako pero ba't hirap ako sa damit ko." Reklamo sa salamin habang sinusuot ko ang damit ko. Tinulungan na ako ni Jesisica na maayos 'to.

Today is the wedding of Albert at hinihintay na ako nila K at Marietta. Gusto kasi sumama ni Simon kaso hindi pwede at maiinip lang siya do'n. Buti dumalaw si Ate Elena at Kuya Noy kaya dinala nila si Simon at Joshua sa bahay ni ate Aurora.

"Ayan ma'am okay na po." Jessica said pagkatapos maikambit ang zipper sa likod ko.

"Omayghad. Ang sexy ko pa naman tapos ayaw magkasya." Biro ko.

Kinuha ko na agad ang bag ko saka ako umalis sa condo.

Pagkatadating ko sa simbahan, naka abang na sila Marietta at K sa akin.

"Darling! Akala ko hindi ka pupunta." Bungad ni Marietta sa akin.

"Sumikip lang bigla ang damit ko." Bulong ko sa kanila kaya nag-giggle na lang sila.

Pumasok na kami sa loob at nag simula na ang kasal. Nasa likod ko sila Marietta at K nakaupo samantalang ako naman ay nasa harap nila nakapwesto.

Tinitignan ko ang groom at hindi ko maiwasan na sumagi sa isipan ko si Herbert. Nakararamdam tuloy ako ng lungkot at sakit every time na naalala ko ang mga sinabi ng wedding planner na 'yon.

Tumugtog na ang kanta na hudyat para tumingin kami sa pintuan ng simbahan. Makikita na namin ang bride.

-I Kept On Loving You-
By: The Carpenters.

Nagsimula ng maglakad ang bride. Kaliwa't kanan ang mga mukhang namamangha sa ganda ng bride gayundin sa kaniyang suot. Ang iba'y nakangiti, at ang iba katulad ko, naluluha.

Siguro sa iba, tears of Joy. Pero sa akin...

"Mas naiyak ka pa kaysa sa groom."

Bigla akong nagulat sa familiar na boses na narinig ko mula sa likod ko.

Bigla akong lumingon.

"Alvin?" I saw him again smiling at me.

"Sabi ko, mas naiyak ka pa kaysa sa groom." Bigla niyang kinuha ang panyo niya at pinunas sa mukha ko.

Tinanggal ko naman agad ito. "Ano bang ginagawa mo?" Inis kong sabi.

"Pinupunasan luha mo." Tugon niya.

Bakit bigla naman ako nagsungit.

"Parang noon lang..."

Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Relax, I didn't expect na pupunta ka rito." He said.

Ngumiti lang ako sa kaniya at patuloy pa rin ako sa pagtingin sa bride.

Nang maupo na kami. Pinapakinggan na namin ang mga I do ng Bride at Groom. Nakangiti lang ako kahit sumasagi sa isip ko si Herbert.

"Mayor?" Bigla naman akong lumingon sa pagtawag ni Marietta.

So bakit ba ako ganito? Hindi naman siya.

Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil nahiya rin ako sa ginagawa ko. Ang dami pa namang tao, although walang media pero chismis. You know.

"Sino bang mayor ang hinahanap mo?" Bigla naman nagtanong si Alvin.

"Wala." Tugon ko.

"I watched your statement about him na hiwalay na kayo. But I think, you still love him."

Hindi ko alam kung binibiro niya ba ako o hindi pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Could you please stop saying that." Pataray kong sabi.

Love Me Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon