3

165 12 0
                                    



"Gigil na gigil, gusto manakit." Asar ni Teresa sa akin.

Nasa canteen kami at 3 buwan na rin ang nakalipas nang mangyari 'yong pangbi-bwisit sa akin ni Hans. Hindi man lang siya humingi ng sorry sa akin, at patuloy pa rin siya sa pagpupumilit na tanggapin ko ang tula niya.

"Tula boy is coming." Sabay taas-baba ng kilay ni Teresa.

Lumingon ako at nakita ko nga na may hawak na tray si Hans na may mga pagkain at papalapit na siya sa amin.

"Hey! Hindi mo pa tinatanggap 'yung poem ko." Sabay upo sa tabi ko.

"Do'n ka nga! Huwag kang mag-feeling close." Habang tinutulak ko siya.

"Aray! Aray! Saglit, masama matapon ang pagkain." Pinipilit niyang ilapag 'yong tray niya sa lamesa habang tinutulak ko siya. "Love 'yong pagkain."

Huminto ako sa pagtulak at sumimangot sa kaniya.

"Thank you." Sabay ngiti at lapag ng tray niya sa lamesa.

"Ano na naman?! Bwisit ka talaga." Sabay kain ko sa pagkain ko.

His smell is familiar, I don't know kung saan ko naamoy 'yung amoy niya. Dibale, ayoko ng alamin.

Hindi pa ako okay hangga't hindi ako nakakaganti sa kaniya.

"You want?" Pag-aalok ng yogurt niya.

"No." Tugon ko habang nakasimangot pa rin na kumakain.

"You know. Your name is very matunog to my previous school. That's why I know you at the very start."

Hah? He already knows me? Paano?

"Hala? Seryoso? How? Omg! Talaga? Weh?" Sunod-sunod na tanong ni Teresa.

"You want to know?" Baling niya sa akin.

"No." Maikling tugon ko ulit.

Huwag na lang. Baka mamaya niloloko niya lang kami.

"Therefore, hindi ko sasabihin. Ayaw mo e." Sabay kibit balikat niya.

Maldito!

"Sige na, Hans! Tell us na. Paano mo/niyo nakilala si Love?" Pangungulit ni Teresa na tila hinahatak na ang kamay ni Hans para magsalita habang ako kumakain lang at siya naman nakatingin lang sa akin.

"Sundutin ko kaya mata mo ng straw! Huwag ka ngang tumingin sa akin." Pagtataray ko.

Napatigil sa pangungulit si Teresa kasi nagmamaldita na ako kay Hans.

"Kung alam lang nila na ganito ka, baka mas lalo silang mapamahal sa'yo." He chuckled.

"Bwisit!" Sabay tawa ko.

Natawa ako kasi... bakit nga ba ako natawa?
Ay! Kasi naman mapamahal sa'yo ang line niya!  Natawa lang ako. Okay back to eat.

"Tawa ka?" Tingin nito sa akin.

Sabay niliitan ko siya ng tingin at tinaas ang kanang kilay ko. magsasalita na dapat ako pero pinigilan niya ako ng kamay niyang nakaharap sa mukha ko.

"Don't talk when your mouth is full." Sabay chef's kiss.

Nakakainis. Akala mo naman gwapo e.

Habang kumakain kami, biglang may lalaking pumasok sa canteen na may dala-dalang bouquet. Wow! Sana all.

"Ganda." Sambit ko nang makita ko ang mga bulaklak.

"Ikaw." Tugon ni Hans then our eyes met.

"Baliw." Sabay hampas ko sa kaniya ng kamay ko, pero tumawa lang siya.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now