45

112 7 4
                                    

"I'm sorry, Kristina Love," bigla akong inakap ni Teresa.

Hindi ko napigilan pero umiyak na rin ako at mahigpit ko siyang inakap.

Sinabi niya lahat sa akin ang nangyari at para sa akin hindi na dapat ako magtanim ng sama ng loob sa kaniya dahil in the end of the day may matindi kaming pinagsamahan.

"I miss your hug, Teresa," wika ko.

Hikbi lang nang hikbi si Teresa at hindi siya bumibitaw sa pagkakaakap niya sa akin.

Bumitaw siya sa pagkaakap sa akin at tinignan ako. Mugto ang mata sa kakaiyak.

"Don't cry na ano ka ba," sabay pinupunasan ko ang luha niya.

"Nabigla ako sa pagpunta mo pero hindi na ako nag-hesistate na tawagin ka, Kris. Ang bigat-bigat na kasi e. Since the day I never talk to you o makita ka, parang may bigat na ever since sa puso ko. Sobrang miss na miss ko 'yong bestfriend ko."

"Teresa, kahit naman ako. Miss na miss kita. Nagkaroon man tayo ng misunderstanding but now, see? Naging maayos tayo. Kasi alam natin sa sarili natin na kahit ano mangyari, mag-bestfriend tayo diba?"

Tumungo siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"I'm really sorry because wala ako sa tabi mo nang mawala ang mama mo. Mga panahon na may problema ka. Panahon na kailangan mo 'ko. I'm really sorry. You're there for me always, but I never fulfill my promise to you that I'm always be there whenever you need me."

"Nangyari na ang nangyari, ang mahalaga ang ngayon na maayos tayo. At nagkapaliwanagan sa lahat ng nangyari. Ngayon, maliwanag na sa akin ang lahat, Teresa. Hindi na ako magtatanong pa," sabay akap ko sa kaniya.

"Happy to see you two together."

Napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Chandria na nakatayo.

"Kuya would be so happy seeing you two," ngiti nito sa amin.

"Sure na sure akong magiging masaya si Herbert. Wala na dapat kayong ika-worry. I know Herbert loves you. You're worth it to love, Kristina," wika ni Teresa. "Pero kapag sinaktan ka niya ulit, nako talaga," sabay tawa namin.

"Nagkabalikan ba kayo?" tanong ni Teresa.

"Hah? Uhmm. Ayon nga 'yong sasabihin ko sana sa inyo. Especially kay Teresa."

Nakatingin at dalawa sa akin habang naghihintay ng sasabihin ko.

"Herbert and I, got back together."

"Wait lang. Herbert kissed a woman sa bahay niya noong day ng reunion. Do you know about this?" tanong ni Teresa.

"Omayghad, kuya?!" gulat ni Chandria

"Uhm," napakamot agad ako ng ulo. "Teresa, that woman was me."

Nanlaki ang mata ni Teresa at mapahawak sa bibig sa gulat.

"Omayghad! So? That time nagkabalikan na kayo?"

Tumungo ako.

Kinuwento ko sa kaniya lahat na nangyari pati sa nangyari sa amin ni Herbert and all I can see is Chandria is silenty kinikilig sa tabi ko while Teresa napapailing talaga at natatawa.

"Kaya pala gulat ako na nahawakan niya ang phone ko."

"The next day, we decided na itago muna hangga't hindi pa namin naayos lahat. Herbert promised me na kakausapin ka niya para maliwanagan and I told him na kakausapin din kita. But now, he never reply pa sa mga messages ko."

"Baka busy lang si Kuya now sa meeting, Ate," Chandria said.

"Siguro nga. May nangyari kasi after umalis ni Herbert."

"Ano?" Teresa.

"Gov. Robert went to my shooting place and he said terrible things about Herbert. Trinaydor daw sila ni Herbert because he said na huling alas nila si Herbert sa politika but Herbert decided not to run na. Hindi ko alam 'to. Naguguluhan ako and he even said na sabihin ko sa 'yo but I can't because ayokong mag-isip siya abroad."

"Ate Kris," pagtawag ni Chandria kaya lumingon ako. "May nabanggit si Kuya dati noong hiwalay kayo. He said that he wants to fix his private life. He wants to have time for the kids. Hindi ko siya maitindihan that time. I felt, baka gawa lang ng break up niyo. I asked him if what's the problem but ang sagot niya ay tanong "babalikan pa ba ako ni Kris?" then that time, wala akong masagot. 'yong tipong nagtanong ako kasi naguguluhan ako tapos nagtanong pa siya ng gano'n, so, naguluhan lalo ako hahaha." sabay iling ni Chandria

"Herbert never tells anything unless sinolve niya na ang problema. You have to ask him Kris," Teresa said.

Bigla tuloy ako nag-aalala kay Herbert.

"Politika ay politika. Marami ng nakaaway si Herbert in the past. At alam naman natin ang mga posibilidad na mangyari," Teresa said.

Huminga ako nang malalim at tinignan si Teresa.

"Wala naman sanang may mangyari sa kaniya," ngiti ko.

Pagkatapos namin mag-usap at kumain ay umuwi na kami nila Joshua and Simon.

"Are you okay, Mom?" tanong ni Joshua.

"Yeah, I'm okay. You two need to sleep na."

"Good Night, Mom!" sabay halik ng dalawa sa akin at pumunta sa kaniya-kaniya nilang kwarto.

I sat on the right side of my bed. I get my phone from my bedside table. Chineck ko 'yong messages but still wala akong reply from Herbert.

To: Herbert
Can we talk?

Nilapag ko ang phone ko at naglinis muna ako.

Bigla ako nakararamdam ng kaba at sumasabay pa sa hilo ko. Hindi ko alam ba't ako nahihilo lately. O baka dahil sa pagod sa shooting.

Bumalik agad ako sa kama nang biglang tumunog ang phone ko.

I checked and I saw Herbert's name popped on my phone. Dali-dali kong sinagot.

"Herbert, bakit hindi ka sumasagot sa mga text messages ko? Nag-aalala ako sa-"

"Mahal, relax. Uy. I'm okay. I'm sorry if hindi ako nakapag-reply, need lang namin matapos ang meeting kanina. I'm sorry."

Nakalma ang pag-aalala ko nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

"I'm sorry, I'm just, worried," wika ko. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari between me and Teresa.

"I'm glad na nakapag-usap na kayo ni Teresa. Nasabi mo na ba sa kaniya na nagkabalikan tayo?"

"Yeah. Anyway, Herbert, I need to know what's the problem? May problema ka ba ngayon?"

"What did Robert do to you? Sinaktan ka ba niya?"

"so what's the problem between you and Gov. Robert? Bakit siya gano'n magsalita?"

"Tomorrow, uuwi na ako. Diyan na lang natin siguro pag-usapan lahat."

Iba ang boses ni Herbert sa nakasanayan ko. 'yong tono niya na may problema, 'yon ang nararamdaman ko.

"What? Hindi pa tapos ang meeting niyo diba? may 3 days pa kayo?"

"Bukas na lang natin pag-usapan lahat once na makauwi na ako."

"Can you sleep here?" I asked.

"Yes po, mahal ko. Don't worry about me ha. Pag-uusapan natin lahat."

"Make sure nothing's gonna to happen to you."

"Nothing, mahal. I need to sleep na. Maaga byahe bukas. I'm excited to see you again. Mahal kita."

"I love you too and have a safe flight tomorrow."

Sabay patay ko ng call.

Nahiga na ako ngunit bumalik 'yong kaba sa akin. Natakot ako bigla sa kapakanan ni Herbert.

Biglang nag-text si Herbert.

From: Herbert
Ano man ang mangyari, tandaan mo mahal na mahal kita.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now