4

177 10 0
                                    

"Sinabi ko naman sa'yo na huwag na huwag mong ibibigay ang number ko sa kahit na sino." Sabay lakas nang pagsarado ko ng locker ko.

Kanina pa ako nagra-rant kay Teresa dahil sa pagbibigay niya ng number ko. Una kay Hans, ngayon kay Jerome, nagbabalak pa mamayang ibigay kay Alvin.

"Sorry na, Teh. Ang hirap nilang tanggihan." Pagsusumamo ni Teresa

"Hey hey hey!" Pagkaway ni Hans habang tumatakbo patungo sa amin. "Why you're so sungit, Ms. Aquino?" Pagtatanong ni Hans nang makalapit siya sa amin.

"Basta, Teresa. Huwag kay Alvin." Sabay kuha ko ng bag ko sa sahig at umalis.

I don't want that Alvin know na may crush ako sa kaniya since elementary. Nakakahiya kaya.

"LOVE!"

Biglang tumama ang bola sa mukha ko na dahilan para bumagsak ako.

"Oh sh*t, Kristina!"

Tama ba narinig ko? Sino tumawag sa akin ng first name ko. Wala na akong makita, lumalabo na paningin ko. Shocks, ang sakit. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa pagtama ng bola at balakanh ko naman dahil sa pagbagsak ko.

Nagising na lamang ako na nasa clinic na, umupo ako mula sa kinahihigaan ko at nakita ko si Hans na nakaupo sa labas samantalang si Teresa nasa pintuan naman at may kausap.

"Love!" Tumayo bigla si Hans at lumapit sa akin. "Kumusta na na? Okay ka lang ba? May masakit pa ba?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Okay ako." Sabay pisil ng pisngi niya.

Nagfe-feeling close lang.

"Ikaw naman kasi-" pinutol ko ang sasabihin ni Hans.

"Pagagalitan mo pa ako! Ako na nga itong natamaan ng bola!" Sigaw ko.

"Sabi ko nga. Sorry." Sabay ngiti nito sa akin at peace sign.

"Teka nga! Noong nawalan ako malay, narinig mo ba 'yong tumawag ng real name ko? Wala naman tumatawag sa akin na gano'n" I asked.

"Hah? Real name mo may tumawag. Ewan. Bakit masama na bang tawagin real name mo?"

Tinarayan ko lang siya sa sinabi niya.

"Buti naman okay ka na." Parang nakahinga nang malalim si Teresa nang makita ako.

"Hug me." Bigla naman akong niyakap ni Teresa. "Sorry kanina."

"Pwedeng sumali?" Tanong ni Hans.

"No! Tsupe!" Habang nakaakap pa rin ako kay Teresa.

"Okay lang 'yon. Importante, okay ka na." Bumitaw ako sa pagkakaakap.

"Salamat guys. Sino ba kasi ang namukol ng bola sa mukha ko!" Aakma na sana akong baba sa hinigan ko nang makita ko si Alvin.

"OMG!" 'Yun lang naging reaksyon ko. Kita ko kay Hans na natatawa sa reaksyon ko.

"I'm sorry, Love. I never expect na ikaw pala ang matatamaan ng bola." Lumapit si Alvin sa akin. "Are you okay?"

Ako? Okay. Oo naman. Sino bang hindi okay? Okay na okay ako.

"Hah? Ano? Okay lang." sabay hampas ko sa kaniya.

Feeling close teh?

"Are you sure? Kung may masakit man. Just call me. Teresa, already have my number. I want to take care of you." Ngiti niya sa akin.

"Hah? Ah sige, salamat sa concern ha." Ngiti ko sa kaniya. Bigla kong napansin na nawala si Teresa at Hans. Nasaan pumunta 'yong dalawa at iniwan kami rito ni Alvin.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now