Chapter 27

84.4K 3.1K 1.4K
                                    

Date



Nanatili ang titig ko kay Eroz after he say those words. Somehow, sinisi ko din talaga siya nuon while I make sisi din myself. Sa aming dalawa kasi he is more capable of doing a lot of things. Umalis ako nuon ng Pilipinas na may galit at tampo sa kanya. Isa pang factor na tiningnan ko nuon kaya niya hindi naasikaso si Princess ay dahil iniiwasan niya ako ng umamin akong crush ko siya dahil gusto ko siyang makita everyday.

But then, I realize. Whom am I to judged him that time. Binata nuon si Eroz, he should be exploring with his friends. Then dumating ako sa picture and bigla siyang naging baby sitter ko. He adjusted din naman para sa akin, hindi lang ako. Dapat tingna mo din yung effort ng ibang tao when it comes to circumstances. Kaya naman ng tumagal ay natanggap ko na baka kaya namatay si Princess ay dahil hanggang duon na lang talaga siya.

"Tahan na. Dadalhin natin si Chin chin sa vet" pagaalo niya sa akin. Halos mapapikit ako dahil sa marahan niyang paghaplos sa aking pisngi para punasan ang aking luha.

Wala na kaming sinayang na oras ni Eroz. Ang clinic ay hanggang five lang. Karga ko si Chin chin habang nasa byahe kami. Tahimik kaming dalawa kaya naman mas lalo kong naramdaman ang lungkot at takot. Hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing bumaba ang tingin ko sa kawawa naming puppy. She is so weak, akala ko lazy lang siya. May sakit na pala.

Ibinabalik ko sa kalsada ang tingin sa tuwing hindi ko kinakayang tingnan ang panghihina ng tuta.

"Tahan na Gertrude. Tahan na..." marahang sabi niya sa akin.

Ramdam ko kasi ang ilang beses niyang pagsulyap sa akin. Kita siguro niyang wala pa ding tigil ang pagtulo ng aking luha. Gusto ko din naman iyong pigilan pero kusa siyang tumutulo.

"I don't want to cry na, pero kusa siyang tumutulo" marahang laban ko kay Eroz kaya naman napatikhim siya.

Napanguso ako habang marahang hinahaplos ang malambot na balahibo ng aming tuta. Magsasalita na lang ako to divert my emotion.

"Tsaka sabi ni Yaya Esme, pag hindi mo iniyak yung tears mo. Magiging eyebags..." kwento ko pa.

"Si Yaya Esme talaga..." problemadong sabi niya habang ang kanyang atensyon ay nasa kalsada.

Hindi ko muling napigilang humanga kay Eroz on the way he drives. Alam kong natataranta din siya because may hinahabol kaming oras but he still manage to drive smoothly. The way he handles na manibela, para bang he really owns it na. Though he own this car naman talaga.

He drives like he was born to love cars. Tito Axus is a car racer in his kabataan. Hindi naman na talaga nakakapagtaka kung maging si Eroz ay ganuon din. Ilang beses ko din g narinig si Piero na pinaguusapan ang mga race cars and sports car na ipinamana sa kanya ni Tito Axus. He really want to have a simple life despite of being belong to Herrer - Jimenez clan.

Mabilis na bumaba si Eroz pagkahinto namin sa clinic. Malapit lang ito sa simbahan. Hindi nga ako nakagalaw kaagad ng makita ko kung paano niya takbuhin ang pwesto ko para lang pagbuksan ako ng pintuan.

"Hanggang five lang ang clinic. Pauwi na din si Doc" sabi sa amin ng kanyang secretary.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Muli ko nanamang naramdaman ang paginit ng gilid ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang pagluha.

"Magbabayad namin kami...kahit magkano" pakiusap ko. Ilang beses ko na din iyong narinig sa mga dramang pinapanuod ni Yaya Esme and squad tuwing hapon. Aasahan mo na kaagad ang linyang iyon pag may hospital scene.

Naramdaman ko ang hawak ni Eroz sa aking kamay na para bang gusto niyang tumigil ako. Why? Hindi ba effective ang line na yon. Effective iyon a tv. Mas lalo ngang umiiyak si Yaya pag may ganuon.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now