Chapter 51

98.9K 3.9K 1.9K
                                    

Mirrors





Sandali pang nagtagal ang titigan namin, hanggang ako na ang pumutol non dahil halos hindi ko na kinakaya ang bigat ng tingin niya sa akin. May laman iyon, I don't know exactly but there is something. His aura is a bit dark, but I'm not scared.

"I'll go na talaga" sabi ko at tsaka siya kaagad tinalikuran. Dahil sa pagkataranta ay medyo nahirapan pa akong buksan ang pinto kahit pipihitin lang naman iyon.

"Relax, Ms. Montero" malamig na sabi niya. Hindi ko siya nilingon. I don't want to. Halos lumipad ang pinto ng buksan at isara ko dahil sa kaba.

Halos mapabalikwas ako ng maabutan ko sina Junie, Ate Erika, Alice, at ilang trabahador sa labas ng office ni Eroz. Laglag ang panga nila dahil sa gulat.

"I'm not nagdadabog!" laban ko.

Sandali pa silang hindi nakaimik hanggang sa sumigaw na si Junie. Hindi na ako nakagalaw pa ng lumapit si Ate Erika sa akin para yakapin ako.

"Welcome back, Ma'm Gertrude!" si Ate.

Ginantihan ko ang yakap niya. I miss them too! They are my friends and it's a bit sad na hindi ako nakapagpaalam sa kanila ng maayos noon.

"Ate, we're friends. You don't have to call me Ma'm. And workmates na din tayo so we're pantay" sabi ko pa na ikinangisi niya.

Humiwalay siya sa akin ng pareho kaming napatingin kay Alice na naghihintay sa may gilid. Kanina ay kita ko ang saya sa kanyang mukha pero ngayon ay sinungitan nanaman niya ako.

"Na miss kita, Alice" sabi ko.

Inirapan niya ako. I thought yayakap na siya pero hinampas niya muna ako sa braso.

"Scammer! Umaalis ng hindi nagbabayad ng utang!" sabi niya bago niya ako niyakap din.

Natawa na lamang kami ni Ate Erika hanggang sa nakisabat na din sina Junie. Si Junie na ever maingay.

"Babalik na si Boss Eroz sa dati, andito na si Ma'm Gertie" anunsyo niya sa mga ito na ikinakunot ng noo ko.

"Why? What happened?"

Tahimik sila at nagkatinginan. Looks like no one wants to drop it. Mas naging nakakabingi ang katahimikan ng marinig namin ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng office ni Eroz. Nagiwas kaagad sila lahat ng tingin.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi pa lunch break ah" seryosong tanong niya sa mga tauhan.

Kumunot ang noo ko at kaagad siyang nilingon. Ni wala man lang bahid ng biro sa kanyang mukha. Ganito na ba siya mag treat ng workers ngayon?

"Workers need to rest too. Even hindi lunch break" giit ko.

Nanatili ang cold na tingin niya sa akin. "You have a say in the plantation, Ms. Montero. Not in my rice mill factory"

Mas lalong nalaglag ang panga ko dahil doon. He is so masungit!

Humalukipkip ako sa harapan niya dahilan kung bakit nakita ko kung paano bahagyang tumaas ang kanyang kilay.

"Wala kayong suggestion box? Kasi as a concered citizen, I wanna suggest the fair treatment for your employees"

I don't really take this seriously because I know naman na hindi ganito si Eroz sa kanila. He treated them as a family. At mabait siya sa mga workers and they love Eroz too!

Dalawang kilay na niya ngayon ang tumaas bago nakakalokong ngumisi. "You want us to talk about fairness, Ms. Montero?" hamon niya sa akin.

Lumuwag ang pagkakahalukipkip ng kamay ko hanggang sa bumagsak iyon. Bago pa man ako makasagot ay bumaba na si Ate Iya mula sa office nila sa itaas.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now