Chapter 34

88.9K 3.4K 1.3K
                                    

Time




Buong lambing niya ulit akong hinalikan sa noo matapos niyang angkinin ang aking mga labi. My tears keeps on rolling down my cheeks. Hindi lang ako masaya ngayon, it was a mixed emotion. Mga emosyong hindi ko kayang pangalanan isa isa. Basta ang alam ko lang, Eroz is right. This is my pangarap. Isa sa mga pangarap ko nung bata ako na hindi ko inakalang matutupad ngayon.

"You're sure about me na. You want me to be your wife?" paniniguradong tanong ko sa kanya. Sandali ko lang siyang sinulyapan dahil hindi maalis ang tingin ko sa nakasuot na sing sing sa aking ring finger. This isn't a ordinary ring. Galing ito kay Tita Elaine.

Mas lalo siyang humilig palapit sa akin para muling ilebel ang aming mga mukha. Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Punong puno iyon ng emosyon, kung kagaya lang ng dati ay baka nagiwas pa muna ako ng tingin. Pero iba ngayon, kinaya ko na.

Marahan siyang tumango. "Yes, baby"

Bahagya akong napanguso dahil sa ginawa niyang pagsagot. Halos mamanhid naman ang buong mukha ko ng maramdaman ko ang hinlalaki niya sa aking pisngi, marahang pinupunasan ang luha duon.

"Tahan na..." malambing na suway niya.

"I'm just...masaya" mahinang sagot ko. Still don't know what to say or what to react. Basta ay naiyak na lang ako sa tuwa.

Tiningnan ko siya. Patuloy pa din ang pagpahid ng luha sa aking pisngi. "Ikaw? Are you happy?" tanong ko sabay iwas ng tingin.

"More than happy"

Napabuntong hininga ako. "Can I ask?" alanganing tanong ko sa kanya.

I just want to clear everything between us. Giving me Tita Elaine's ring as a sign na we'll be married soon ay hindi na biro. Ngayon, mas ramdam ko na kung ano ang lahat ng ito. Hindi na lamang ito, trial and error na pag hindi kami nag click na dalawa ay pwedeng mag back out.

"Ask me anything, Gertrude" seryosong sabi niya sa akin na para bang handa siyang sagutin ang kahit anong tanong na ibabato ko sa kanya.

"When did you realized na you loved me na? Na you already moved on na from...uhm, Tathi" naiilang man ay nagawa ko pa ding itanong iyon. It takes a lot of courage to ask that kind of question. Kasi part of me, takot sa kung ano ang pwede niyang isagot sa akin.

Hindi siya kaagad nakasagot. Nang sulyapan ko siya ay naabutan kong nakatitig lang siya sa akin, mapupungay pa din ang mga mata.

"Why are you asking me this?" marahang tanong niya sa akin.

Mariin akong napakagat sa aking pangibabang labi. Muli kong naramdaman ang pagbigat ng aking dibdib. The truth is, I'm scared. I'm still scared about the rebound thingy.

Napabuntong hininga si Eroz. "Takot ka, Gertie? Saan ka natatakot?" nagaalalang tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling, pero iba naman ang lumabas sa aking bibig.

"I'm just nabigla. I'm scared na baka rebound ako. Na baka si Tathi pa din. I'm sorry for thinking this way Eroz. I don't want to offend you..." tuloy tuloy na sabi ko. Medyo magulo iyon dahil halo halo na.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking magkabilang braso. "Naiintindihan ko, kasalanan ko naman kung bakit ganyan ang naiisip mo"

Hindi ako umimik. Kaya naman inilagay niya ang hintuturo niya sa baba ko para paharapin ako sa kanya. "Hindi ko alam kung kailan ko na realize, bigla ko na lang naramdaman. Na ayoko ng maulit yung dati, ayoko ng mawala ka ulit sa akin" paguumpisa niya.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Onde histórias criam vida. Descubra agora