Chapter 10

81.6K 3.1K 1.6K
                                    

Remember






After ng sagutan nilang iyon ay bumalik din naman ang lahat sa pagiging serious. Hindi ko na magawa pang lingonin ang pwesto nina Eroz at Piero. Nung huling tingin ko sa kanilang dalawa ay parehong biglang naging dark ang kanilang aura. Bestfriend nga talaga sila.

I was amazed when I noticed hoe serious they are pag dating sa bussiness. Even Hobbes, biglang nawala ang pagiging playful niya. Nang sandali ko siyang balingan ng tingin ay nakapalumbaba siya, diretso ang tingin sa nagprepresent sa harapan.

Napanguso na lamang ako. I carefully sipped on my ice coffee na ipinabili ni Hobbes for me, with a cupcake. Ako lang ang may ganuon sa harapan ng table kaya naman halatang halata na mas bata ako sa kanilang lahat.

"I don't agree with the timeline, masyadong matagal iyon para sa project  na ito..." si Cairo.

Seryoso ang lahat. Sa oras na magsalita ka ay paniguradong sayo mapupunta ang atensyon ng nanduon. Kahit ang paggalaw ay nakakailang din. Everytime I sipped my coffee nga ay napapansin ko ang pagtingin ni Piero sa akin. Bahagyang kukunot ang noo at magiiwas din kaagad ng tingin.

"Still sleepy?" biglang bulong ni Hobbes sa akin.

Bahagya pa akong napaiwas dahil sa biglaan niyang paghilig sa akin. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa aking naging reaksyon.

Marahan akong napakagat sa aking pangibabang labi. Tipid akong umiling bilang sagot. Ngumiti siya sa akin at tumango bago bumalik sa pagkakaupo ng maayos. Nang ibalik ko ang tingin ko sa harapan ay naabutan ko naman ang matalim na tingin ni Cairo sa akin. Matapos iyon ay kay Hobbes naman, bago niya kami inirapan pareho.

Being with Eroz inside that conference room is a bit difficult for me. Lalo na at pigil na pigil ko ang aking sarili na tumingin sa kanya. I want to watch his every move. I really want to see him everyday. Kahit masungit ang itsura niya, kahit palagi siyang nakasimangot...I just, love everything about him.

"See you around. Coffee ulit tayo soon...I'll make you libre" pangaasar ulit ni Hobbes sa akin bago kami lumabas ni Cairo sa conference room after ng meeting.

Pinanliitan ko siya ng mata. He's so gaya gaya. Tuwang tuwa pa siya habang sinasabi iyon na para bang may nakakatawa duon. Wala naman, there's no funny duon.

"There's no soon, Hobbes. Tigilan mo si Gertrude" masungit na suway ni Cairo sa kanya.

"What? Bawal yayain mag coffee si Miss Gertrude? Coffee date lang pinagkakait niyo pa sa akin?" nakangising puna niya sa mga ito.

Napaawang ang labi ko ng marinig ko ang salitang date. Yes, we drink coffee but it's not date. Hobbes is so feeling!

"We just drink coffee, hindi yun date" I say on a nice way na hindi nakakaoffend. I don't want to make him feel pahiya.

Napaawang ang kanyang labi at napahawak sa kanyang dibdib na para bang he's hurt. Mas lalong sumama ang tingin ni Cairo sa kanya.

"Ouch...itinanggi ako" nakangising sabi niya na sinegundahan naman ni Piero mula sa kabilang part ng lamesa.

"Tigilan mo na yan, bago pa may sumuntok sayo" pagpaparinig ni Eroz.

Napatingin din ako dito, abala si Eroz sa pagaayos ng kanyang mga gamit. Ni hindi man lang siya nagtapon ng tingin sa amin. Wala talaga siyang pakialam.

"Sinong susuntok? Wala akong ginagawang masama..." laban ni Hobbes.

"Gertrude, Tara na" seryosong yaya ni Cairo sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay ko para hilahin ako ng tuluyan palabas duon.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now