Chapter 5

78.9K 3.2K 1.2K
                                    

Crush






Pagkatapos ng araw na iyon ay sobrang bigat ng aking dibdib. Masyadong malungkot sa bahay namin. Malaki nga, pero sobrang lungkot naman.

Nanatili akong nakahiga sa aking kama, nakayakap sa isa pang unan at nakatulala sa kisame. Nung ibang araw, pag ganitong oras ay naka ligo na ako at nakabihis. Kung minsan nga ay hindi ko na nahihintay si Yaya Esme, nagugulat na lang siya at nakaligo na ako, pero pinapagalitan ako dahil may shampoo pa daw ang hair ko.

"Oh, hindi ka pupunta kila Tita Elaine mo?" gulat na tanong niya sa akin pagkapasok niya sa aking kwarto.

Napanguso ako at umayos ng upo habang marahang umiiling. Kumunot ang noo ni Yaya Esme, sinundan ko siya ng tingin ng dumiretso siya sa bintana para hawiin ang kurtina.

"May sakit ka ba?" tanong pa niya. Kagaya kanina ay umiling lang ako.

I look at Yaya Esme the whole time. Kanina pa din kumukunot ang kanyang noo, nagtataka siguro kung bakit ko siya pinapanuod.

"Bumaba ka na diyan, I'll fix your bed na" malambing na sabi niya sa akin kaua naman kaagad akong gumapang pababa sa aking kama.

"Bakit ka malungkot? Nitong mga nakaraang araw naman ay hindi ka ganyan" tanong pa din niya sa akin habang busy na siyang mag fix ng aking bed.

Imbes na magsagot kay Yaya ay dumiretso ako sa aking table. Binuksan ko ang music box na bigay ni Mama sa akin. Miss ko na siya, sana nandito siya. Ang lungkot lungkot tuloy ni Papa. Sana happy family pa din kami.

I got teary eyed, napasinghot ako ng lumapit si Yaya Esme sa akin at hinaplos ang likod ko.

"May umaway ba sa Senyorita Gertie namin?" malambing ba tanong niya habang pinupunasan ang mga luha sa aking mata.

Napatitig ulit ako kay Yaya ng lumuhod pa siya para lang pantayan ako. "Yaya, Am I bad?" tanong ko.

Marahan siyang umiling. "Hindi po" marahang sagot niya, patuloy sa pagpunas ng aking mga luha.

"But I'm not nice. Bakit wala akong friends?" tanong ko sa kanya.

"May friend ka naman ah, ako...friend mo ako" sabi niya sa akin, bahagya akong natawa dahil sa ipinakitang facial expression ni Yaya.

"But, you're old na po" giit ko.

"Ikaw talaga! Ang bata bata pa ni Yaya" pangaasar niya sa akin at tinusok pa ang aking tagiliran dahil para makiliti ako.

Hindi na ako tinigilan sa pagkiliti hanggang sa hindi mapalitan ng tawa ang kanina kong pagiyak. Nang kumalma kaming pareho ay kaagad kong niyakap si Yaya.

"Thank you for being here, Yaya. Thank you for loving me...even I'm makulit and  not nice" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Kaagad na humiwalay si Yaya sa akin para harapin ako. Duon ko nakitang umiiyak na din siya. "Ikaw na bata ka, ang aga aga pinapaiyak mo ako..." suway niya sa akin.

Hindi ko na napigilang mapahikbi. "I miss Mama and Papa..." sumbong ko sa kanya.

Hinila niya ako para halikan sa ulo. "Andito pa ang Papa Keizer mo" pagaalo niya sa akin.

Mas lalo akong naiyak. "No one likes me, kasi I'm arte daw and not smiling. I can't smile cause I'm so sad, Yaya" sumbong ko sa kanya kaya naman muli niya akong hinila at niyakap.

"Shh...magiging ayos lang ang lahat, Gertie" pagaalo niya sa akin.

Yaya Esme help me take my bath, hinayaan niya akong pumili ng dress na gusto ko. She even fix my hair and put a white ribbon.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now