Chapter 52

101K 4K 1.5K
                                    

Daughter






Para akong pinutulan ng dila dahil sa takot at kaba. All eyes is on me now, in just a sudden turn para na akong nasa hot seat.

Hindi pa nakuntento si Eroz. Mula sa pagkakaupo ay tumayo pa ito para dahan dahang lumapit sa akin. Kita ko ang pagaalala sa mukha nila Alice at Ate Erika.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo, Gertrude" malamig na utos niya sa akin pero kita ko ang bahagyang pagkislap ng kanyang mga mata.

Hindi pa din ako nakapagsalita, hindi ganito ang inaasahan kong pagamin sa kanya. Hindi pa ako ready, And he's lasing.

Bumaba ang tingin ko sa bawat hakbang niya palapit sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong humakbang din paatras. Nakita iyon ni Eroz kaya naman napahinto siya. Nang ibalik ko sa mukha niya ang tingin ko ay nakita ko ang sakit don.

"Iikot na yung tagay, kanino na?" alanganing pagbasag ni Junie sa katahimikan.

"Kay boss Eroz na" sabi pa ng isa sa mga trabahador.

Mula sa lamesa nila Junie ay bumalik ang tingin ko kay Eroz. Matalim na ang tingin niya sa akin ngayon. Nawala na ang sakit sa kanyang mukha dahil sa aking paglayo kanina.

"Eroz, lasing ka na. Bukas na kayo magusap ni Gertie" suway ni Alice sa kanya.

Marahang umiling si Eroz, hindi pa din pinuputol ang tingin sa akin. "Maguusap kami ngayon" madiing laban niya.

Nakita ko pa kung paano nawala ang itim sa mata ni Alice dahil sa ginawang pagirap.

"Edi wag mong takutin!" madiing suway din ni Alice pabalik.

Muling natahimik ang paligid dahil sa biglaang pagdating ni Bea. Nanigas din ako sa aking kinatatayuan. Her eyes is already on me habang naglalakad palapit sa aming pwesto. Nakangisi siya na para bang may nakakatawa sa itsura ko ngayon.

Mas lalong naging awkward ang paligid. I even saw how Junie's group think of some things para lang bumalik ang lahat sa dati.

"Late na ba ako?" nakangising tanong ni Bea sa lahat.

The way she asked them ay para bang close na talaga silang lahat. I can't make them sisi, masyado silang friendly and approachable when it comes to their co-worker. Halos isang taon na nilang kasama si Bea sa work, hindi na nakapagtataka kung friends na din sila.

"Oo late ka na, kaya umuwi ka na. Kasi kami, pauwi na din kami" si Alice kay Bea.

Pagak na tumawa ito. "Why? Ninang ako ni Baby Jacobus, at invited ako dito" nakangiting laban ni Bea kay Alice. The way she smile akala mo naman talaga nice siya dati. But I don't have the rights to judge her now, baka nagbago na siya. Sana naman.

"Magusap tayo, ihahatid kita" madiing sabi ni Eroz sa akin. Ni hindi niya man lang nagawa pansinin ang mga nangyayari sa paligid.

He was about to move para lapitan ako ng kaagad na humarang si Bea.

"Eroz, uuwi ka na? Kararating ko pa lang. And pinauwi ko na si Dad, ihahatid mo naman ako diba?" si Bea.

Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong nakayakap sa kanyang braso. Sumama kaagad ang tingin ko doon. I don't have the rights to feel selos or uncomfortable with that dapat. Kasi nung umalis ako noon, binigyan ko ng freedom si Eroz.

Mas lalo akong nagiwas ng tingin ng tumingkayad si Bea para humalik sa pisngi nito. Everything with their actions speaks na para bang sanay sila sa isa't isa. Maybe they always do that. Hmp!

Left in the Dark (Savage Beast #5)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora