Chapter 1

184K 4K 1.2K
                                    

Gertrude Kate Montero





Ilang minuto akong nagpakain sa dilim. Hindi ko alam kung bakit marami ang takot dito. Maybe because it represents sorrow, downfall and Death. But in the Dark, I found peace. Wala na akong hihilingin pa sa mundong ito kundi ang kapayapaan. Everyone loves colors, but for me it was too much. Ang matingkad na kulay ay nakakasilaw. Ang malabnaw na kulay ay hindi sapat. That’s why, dark is better. No what if’s, no in between. Just full of it’s peace.

White is also peace but I think that was too transparent. Kung tunay ngang gusto mo ng kapayapaan hindi ka magpapakita sa iba, hindi mo hahayaang makita ka ng iba. Hindi ka nila magagalaw dahil wala naman silang alam tungkol sayo. Peace in darkness, equals hiddeous.

Muli akong napadilat ng makaramdam ng init dahil sa pagtabi sa akin ng ilan pang mga tao. Ilang beses akong napakurap dahil sa pagdilat. Tila ba hindi nasanay ang aking mga mata sa liwanag.

Keizer…”

Tiningala ko ang magandang babaeng tumawag kay Papa. Kilala ko siya bilang isa sa mga kaibigan niya dito sa Sta. Maria, isang bayan sa probinsya ng Bulacan.

Condolence” malungot na sabi niya kay Papa, bago bumaba ang tingin niya sa aking.

Ang kanyang maamong mga mata ay mas lalong pumungay ng tumagal ang tingin niya sa akin.

Gertrude, Hija” tawag niya sa akin at lumuhod pa para mayakap ako. Binitawan ni Papa ang kamay ko tanda na gusto niyang tanggapin ko ang yakap ni Tita Elaine sa akin. Iyon ang pangalan niya sa aking pagkakatanda.

Marahan akong napapikit ng halikan pa niya ako sa pisngi. Matapos iyon ay muli niya akong pinagmasdan na para bang umaasa siyang may makikita siyang luha sa aking mga mata, pero wala.

Nawala ang tingin ko sa kanya ng muli nanamang magiyakan ang mga taon. Napaangat ang tingin ko kay Papa ng marinig ko ang singhap ng pighati mula sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa puting kabaong ni Mama. Namatay siya dahil sa Cancer. Nagtungo kami sa America para ipagamot siya. Ngunit, ng maramdaman niyang wala ng pagasa ay siya na mismo ang nagyaya kay Papa na umuwi sa Pilipinas. Anya, kung mamamatay man siya, gusto niyang nandito kami sa Pilipinas. Kung saan sila nagkakilala ni Papa, kung saan sila ikinasal at kung saan ako ipinanganak.

Paulit ulit na ipinapaalala ni Mama sa akin na ang araw ng kapanganakan ko ang pinakapaborito niyang araw. Hindi ko alam kung ganuon pa din ang tingin niyang gayong ganuong araw din niya kami iniwan.

September 24 sa aking ika pitong kaarawan ay binawian din ng buhay si Mama. Ang araw na dapat sana ay masaya kami ay napahiran ng kalungkutan.

Pinalibutan ng mas maraming tao si Papa, kasabay ng paglakas ng mga iyak. Dahil na din sa kanyang panghihina ay nabitawan niya ang aking kamay. Imbes na humawak ulit ay hinayaan ko na lamang. He needs to mourn for my Mom. I’m mourning too, pero hindi ako makaiyak.

Dahil lahat ay gustong magkaroon ng huling tingin sa puting kabaong ay bahagya akong naitulak. Sa takot na dumiretso ako at mahulog sa hukay ay humanap kaagad ako ng suporta.

Tumikhim ang lalaking nahawakan ko. Nanatili ang pagkakahawak ko sa matigas niyang kamay ng tingalain ko siya. He’s a pure meaning of Darkness. His aura, his bloodshot eyes, dark eyebrow at ang kanyang perpektong panga na mukhang palaging umiigting. Akala mo ay laging galit dahil sa pagkakalapat ng kanyang mga labi.

Eroz…hawakan mo ng mabuti si Gertrude” utos ni Tita Elaine sa kanya kaya naman muling bumalik ang tingin ko sa lalaking tinawag niyang Eroz.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant