Chapter 36

92.2K 3.5K 1.6K
                                    

Papag






Mula sa pagtitig sa aking mga mata ay sandaling bumaba ang tingin ni Eroz sa aking labi bago bahagyang tumaas ang isang kilay niya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil duon. Umayos siya ng tayo sa aking harapan at nagawa pang humalukipkip. Dahil sa ginawa ay mas lalo kong nawitness ang ganda ng kanyang katawan. Like, every lines indicating his muscles is in their right places.

Eroz is moreno, unlike her cousins. That makes him more attractive and darkens his aura more. Narinig ko ang pagtikhim niya, nakita siguro ang sandali kong pagpasada sa kanyang naked body. Mabilis akong nagiwas ng tingin dahil duon.

"Advices, kagaya ng?" tanong niya sa akin. Ganuon pa din ang ayos. He really thinks na I can answer him properly kung para siyang model ng underware sa billboard sa nlex, the live one and in front of me!

Sandali ko siyang tinapunan ng tingin. Mas lalong humaba ang nguso ko ng makita ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi. He knows! He knows na I can't even look at him because of his nakedness tapos natutuwa pa siya. Dahil duon ay hindi ko naiwasang mapairap sa kanya.

"Tinuro sayo ni Yaya Esme yang pagirap sa akin?" seryosong tanong niya pero ramdam ko talaga ang pangaasar.

Marahan akong umiling. "Can you wear your clothes? It's cold here, baka magkaubo ka. Baka pag nag kiss tayo mahawa ako. I don't want to dance and party bukas with ubo" mahaba at diretsong sabi ko sa kanya.

Bahagya siyang napanguso hanggang sa hindi na niya napigilan ang pag ngiti. "You really think, I'll kiss you again? Ang dami mong sikreto sa akin"

"But, it's a secret and a surprise. Bakit wala akong kiss? Bakit nadamay ang kiss?" tanong ko sa kanya medyo tunog malungkot pa.

He chuckeld sexily kaya naman ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Hinila niya ako patayo at hinapit ang aking bewang palapit sa kanya.

"You have no idea how much I want to kiss you everytime, Gertrude" marahang sabi niya sa akin. Tangka siyang hahalik sa aking labi ng ngumisi siya at imbes na sa lips ay sa noo niya ako hinalikan.

Lumabas kami ng kwarto ni Eroz ng pinatawag kami ni Tita Elaine. Dumating na kasi ang event organizer na magaayos ng garden nila para sa party bukas. Even the caterer ay nanduon na din para mag set up ng tables.

Mahigpit ang hawak ni Eroz sa aking kamay habang palabas kami sa may garden. Abala si Tita Elaine sa pagkausap ng mga bisita, pero ng mapansin nila ang pagdating namin ay napunta ang atensyon nilang lahat sa amin. Matamis na ngiti ang binigay niya. I smiled back din naman sa kanila kahit medyo nahihiya pa ako.

"Magandang umaga, Mr. and Mrs. Herrer" bati sa amin nung organizer. My heart skipped a beat dahil sa narinig. Mas lalo ding naginit ang aking magkabilang pisngi.

"Hi, nice to meet you" I said after the hand shake. I manage to smile and greet them kahit pa ramdam ko yung kilig. Being called Mrs. Herrer and no one protested? I'm I really one?

Mula sa kamay ay lumipat ang kamay ni Eroz sa aking bewang. Ginawa niya iyon kahit busy siya sa pagkausap together with Tita Elaine. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila hanggang sa mapatingin ako kay Yaya Esme, pinandilatan niya ako ng mata bago niya itinaas ang hawak na notebook. Yaya Esme and her advices again.

Panay ang senyas niya sa akin na lumapit sa kanya, marahan akong umiling. I don't want to cause any commotion. Everyone is busy para sa party bukas tapos Yaya wants me to watch a movie? The a bit bastos one, early in this morning!?

Dahil sa ilang ulit kong pagiling at pagsenyas din kay Yaya ay nakukuha ko ang atensyon ng mga naguusap. Nilingon ko si Eroz kaya naman mula sa kausap ay lumipat ang tingin niya sa akin.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon