Chapter 40

45 6 0
                                    

Losing him, and losing my remaining family are the only things I fear. The bullets and the sound of the bombs didn’t even cause me this kind of fear.

Fear that I cannot fathom...

I’m not afraid of China. I’m not afraid of anyone. But I’m afraid of myself. Natatakot ako sa sarili ko. Paano kung magtuloy-tuloy ang padalos-dalos kong desisyon?

What if I will just lead my country to destruction and to failures? What if I’m making my country the worst place ever for my people to live? What if I’m not leading them to peace and innovation? Instead I’m leading them to destruction and war? I don’t know myself anymore!

“Hey what do you mean by you can’t do it anymore?” Styyx inquired while guiding me to sit on a couch near us. He held both of my hands and caress it gently.

“Do I still deserve this position?”  My left brow arched when he let go a sigh of relief.

“I thought you’re breaking up with me,” wika n’ya habang marahang nakangiti. Napailing na lang ako sa sinabi n’ya. Of course that won’t happen.

“Tell me honestly Styyx. Am I still that woman whom you met in Cebu? Am I still worthy for this position? Am I still that woman whom you love?” I synchronously inquired whil I’m looking deeply into his emerald eyes. He clutched my hand and caressed it even more.

“Where are those came from baby? Of course it will always be you. My Eurydice de Lara, the brave Lieutenant and the fearless President. The woman with her unbelievable principles. You will always be the woman whom I love baby. Please don’t ask me with these questions again,” he sincerely answered while his emerald eyes with the mixture of admiration, confusion and sympathy stare at mine intently. And just like how I expected it to be. Hearing those words from him immediately calmed my system and gave me an assurance which my indescribable emotions cannot defeat it anymore. Tumango ako sa kan’ya habang nakangiti ng tunay.

“And hey. We talk about that fear thingy right? What did I tell you about that?” He added. Muli akong tumango sa sinabi n’ya. Tila isa akong bata na paulit-ulit na sinasabihan, and I don’t like it.

“There is no courage without fear,” he smile at me and gently place some of the strand of my hair at the back of my ears.

“But sometimes it is not bad to feel those fears baby. Because even me I have my own fear. But I chose to face it, I chose to stand against it. Baby I am not doubting your capacity in being a leader. Because I know that even though you’re still young for that position, you’re still the one who deserve that,” wika n’ya sabay turo sa lamesa ko na kung saan ay nakatayo sa tabi ang watawat ng Pilipinas. Ang bansang pinamumunuan ko.

“Don’t doubt you’re capacity baby. Because when you start to doubt,  that’s when fears and weaknesses will start to successfully conquer you. You have to trust your self baby, though you will always have me as the one who trusts you fully, but still at the end of the day it’s your trust to your self that will matter,” tumango ako sa sinabi n’ya. I never doubted myself before. If whether could I enter the world of military and hold my gun with full of courage as I aim it for peace? Nor if could I extend my hand willingly to those who needs some to hold with?

Ngayon lang ito nangyari sa ‘kin. Ngayon ko lang pinagdudahan ang sarili kong kakayahan. Marahil ay dahil sa alam kong isang maling kilos ko lang at desisyon ay libo-libo o milyon-milyong buhay na ang nakataya.

Hindi biro ang posisyong hinahawakan ko. Hindi madali ang mga tungkulin na kailangan kong gampanan. But I can do nothing about it. I ought and sworn for this, thus I need to stand for it. I need to stand my ground no matter what.

“Oh thank you baby,” I answered with my words laced with genuine gratitude for him. He smiled at me and once again rewarded me a kiss on my forehead.

“Uhuh? So let’s talk about your progress baby. The last time is, you initiated our kiss, then earlier you said that you miss me and the third is you immediately welcomed me with a tight embrace. Tell me baby what made you do that?” Napailing na lang ako sa sinabi n’ya. Seryusong-seryuso ang mukha n’ya pero alam kong niloloko n’ya na naman ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kan’ya?

“My love for you baby,” I sweetly said with a menacing smile on my lips. Natawa na lang ako nang nanlaki ang mga mata n’ya at agad s’yang napalunok.

“Damn you woman! You’re unbelievable,” humahanga n’yang wika.

“Ako itong nang-aasar pero bakit ako itong natatalo?” Nagkibit-balikat na lang ako sa tanong n’ya. Well we’re even. Dahil kung minsan ako itong nang-aasar sa kan’ya ngunit ako itong talo.

“I need to get back to work Styyx,” wika ko saka naglakad papunta sa lamesa ko. I sat on my chair as I wait for him to come near me.

“So you found their hide out?” Tanong ko sa kan’ya nang umupo s’ya sa silyang na sa harapan ko.

“Hey,” I snapped my fingers on his face when I noticed that he’s not paying attention on my words. Tila lunod s’ya sa sariling isipin, habang bumu-bulong-bulong ng mga salitang hindi ko malinaw na naririnig. Parang timang.

“Did you just said it baby?” Naguguluhan at hindi makapaniwalang usal n’ya. Umawang na lang ang mga labi ko sa sinabi n’ya.  Seriously? He’s still thinking about what I just said earlier? At paulit-ulit n’ya pa itong itinatanong sa sarili n’ya, na para bang sinisiguro n’yang sinabi ko nga ‘yon.

What a weirdo..

“Oo at babawiin ko ‘yon kapag hindi mo ako sinagot,” matabang kong wika sa kan’ya. He’s a General yet he acted like some kind of weirdo sometimes, but somehow I still find it cute and lovely.

“No of course you won’t. So yeah we found it and we almost got them, but— so yeah we already found it,” wika n’ya habang iniiwasang banggitin ang biglaang pagpapauwi ko sa kan’ya.

“In where?”

“They’re on Cavite baby,” tumango ako sa sinabi n’ya.

“Thank you Styyx. Thank you for helping me,” Wika ko habang nakangiti sa kan’ya.

“Anything for you baby. Now, I have to leave I got some work, I want to stay but I can’t. I’ll fetch you later baby okay?” He uttered as he stand and gave me a kiss on my forehead. I never expected that his kisses on my forehead would be that sweet. I can still remember the first time he kissed my forehead. It was like we are surrounded with the beautiful stars. It was like someone poured some glimmering confetti on us. And it was like my heart came from a race.

“Alright thank you,” He smiled at me.

“I love you,” he uttered before closing the door. Napangiti na lang ako.

Sa sandaling na sa tabi ko ang presensya n’ya ay nakaramdam ako ng kapayapaan, kaya’t natatakot ako na habang papalayo s’ya ay unti-unting babalik ang pagdududa ko sa sarili ko. Ngunit hindi ko na iyon hahayaan pa. I don’t want to doubt myself anymore.

Four months passed by like it’s just a swift movement of a bullet.  Everything changed into good like it was just a raindrop in a dewy morning.

We filed a case against China for invading our territory. My project went well, and the numbers of crimes and drug addicts in the country now were lessen.

Bicol region were still gradually standing back again, and somehow my program helped them to get back on their lives. Mnemosyne and Greg finally have their exact date for their marriage. The every moment that passes by leaves me with new lessons and knowledge about being a good leader.

Unti-unti ay na-iaangat ko na ang sarili kong bansa. Unti-unti ay natutulungan ko na ang mga nasasakupan ko. Lalong-lalo na ang mga taong nakatira sa mga ghetto areas. Mga taong walang pamilya at palaboy sa kalsada.

Unti-unti ay nagawa ko na ring linisin ang mga dumi sa pamahalaan. Unti-unti ay napapatalsik o bumababa na sa pwesto ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Ang mga politiko na walang ibang ginawa kung hindi gawing mas mahirap pa ang sariling bansa para lang maabot ang mga sarili nilang mithiin. Mga mithiin na inaabot nila sa pamamagitan ng karahasan at panloloko. I made a lot of progress in the every fleeting time.

The police who committed a double murder fully paid his debt through electrocution—and of course it was done secretly. At first I regret my decision when I saw his struggles while being electrocuted in an electric chair.

Kagaya nang inaasahan ko noon ay maraming opisyal ang hindi sumang-ayon sa naging desisyon ko. Ngunit mas marami pa rin ang umayon at natuwa. Kaya’t hindi ko na sinisi pa ang sarili ko, lalo na nang narinig ko ang labis na tuwa sa nagpapasalamat na boses ni Mang Emilio at mula sa pamilya n’ya.

Masaya akong naibigay ko ang hustisya na hinihingi nila. Habang ang hustisyang hinahangad ko para sa pamilya ko, kay Mr. Guanzon at Detective Chlonan ay patuloy pa ring umuusad.

When I conducted an investigation for Mr. Perez the vice-president, I found out that he has nothing to do about his brother’s wickedness. I was mistaken on thinking that he was his brother’s accomplice because they are brothers. But I found out that he also hate his brother, that there is also personal feud between them.

For the past two months I already conducted a mission in hunting Mr. Perez. But it didn’t went that easy, because he is good at hiding, plus the fact that the PPA were protecting him.

Hindi ko na rin isinapubliko pa ang tungkol sa katiwalian n’ya. I even don’t let any government officials to know about my business towards him. I made sure that my every movement will be silent and invisible, which literally hinders me more on catching him. Hunting him is about seeking justice for my family, and for the two other man. And it is something confidential which needs to be kept away from everyone’s eyes and ears.

“Bukas daw po ilalabas ng UN ang resulta sa kaso ma’am,” Zalysha informed me. I simply nodded at her. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panghihimasok ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea kahit pa ilang ulit na silang pinagsabihan at itinaboy ng Philippine Coast Guard.

Nang sumapit ang gabi ay sinundo na ako ni Styyx, sandali s’yang tumigil sa bahay upang saglit kaming magka-usap.

“See baby? The country is now gradually developing. The numbers of crimes were not that as many as before, and the government became an evanescing nest of corrupt officials. I told you so, you just need to trust yourself,” nakangiting wika niya habang nakatingin sa ‘kin mula sa pagkakahilig ng ulo niya sa balikat ko. He’s hugging me from behind while leaning his head on my shoulder as we both stare at the lustrous sky glistening in billions of twinkling stars together with the beautiful moon above us.

“Yeah, thank you for being there for me,” I answered emotionally while my eyes are locked at the shining stars.

“And that also means that we can have our wedding’s exact date na?” Masuyo n’yang wika habang nakangiti sa ‘kin. Sandali akong natigilan sa tanong n’ya. Ibinaling ko ang paningin ko sa kulay berde niyang mga mata na bagaman gabi ay malinaw ko pa ring nakikita ang kagandahan nito.

Nag-aalangan akong sagutin ang tanong n’ya. Sa sistema ko ay naroon ang konsensya. Higit limang buwan na rin ang nakalipas mula nang alukin n’ya ‘ko ng kasal at hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi sa kan’yang handa na nga akong maglakad sa harap ng altar.

Bagama’t alam kong naiintindihan n’ya ang sitwasyon at tungkulin ko ay hindi ko pa rin mapigilang makonsensya. Ang dami na n’yang nagawa para sa ‘kin. Halos s’ya mismo ang naghanap ng hustisya para sa pamilya ko dahil sunod-sunod na naging mahigpit ang iskedyul ko nitong nagdaang mga buwan.

Sa aming dalawa ay s’ya iyong palaging nagsasakripisyo para sa relasyon namin. S’ya itong matyagang naghihintay na bagama’t limang buwan lang ay alam kong para sa kan’ya mahaba na iyon.

We’re no longer teenagers. We are both at the age where everyone should settle down and build its own family. Ngunit anong magagawa ko? May sinumpaan akong tungkulin at laging mauuna ang bansa ko sa lahat ng bagay.

Ngunit paano na lamang s’ya? Sa lahat ng panahon na magkasama kaming dalawa ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako, ngunit nagawa ko rin ba iyon sa kan’ya? Gusto ko s’yang tanungin ukol sa bagay na iyon pero wala akong lakas ng loob. Dahil natatakot ako na baka sabihin n’yang oo pero iba ang sasabihin ng mga mata n’ya.

“Don’t worry, I won’t pressure you I’m sorry,” wika n’ya saka ginawaran ako ng halik sa aking pisngi matapos lumipas ang ilang minuto na nanatili lang akong nakatitig sa kan’ya at walang sagot. Nakangiti s’ya ngayon sa ‘kin habang yakap-yakap n’ya ako, pero nababakas sa berde n’yang mga mata ang lungkot at dismaya nang hindi s’ya nakatanggap ng sagot mula sa ‘kin.

“Huwag ka sanang magsawang maghintay sa ‘kin Styyx...” Hindi ko namalayang na-isatinig ko na pala ang iniisip ko.

Limang buwan. Limang buwan pa lang naman mula noong inalok n’ya ako ng kasal. Pero natatakot na ako na baka ganoon na lang ito kahaba para sa kan’ya. Dahil alam kong kahit gaano pa man kaikli ang panahong iyon ay pakiramdam mo mahaba na rin iyon sa tuwing naghihintay ka sa bagay na gustong-gusto mo.

I’ve been there too and still there. It’s been one year and five months since my family was massacred, and my range of time in seeking justice for it feels like it’s already a decade.

“Oh c’mon baby, don’t say that. Bakit pa ako magsasawang hintayin ka? When you’re more than worth the wait? Naiintindihan ko ang sitwasyon mo Eury, at kailanman ay hindi magsasawang maghintay ang isang gwapong katulad ko para sa isang napakagandang babae, na hindi lang isang magandang babae kung hindi ay isa ring magaling na Presidente,” nakangisi n’yang wika dahilan para mapailing na lamang ako.

“Bolero,” naiiling kong wika habang umaalis mula sa pagkakayakap n’ya. Ganoon n’ya na lang kadaling nabago ang timpla ng hangin sa paligid namin. Kung kanina ay seryuso pa kaming nag-uusap at kung kanina ay nalulungkot pa ako, ngunit ngayon ay nagawa n’ya na akong patawanin. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kan’ya?

“Hey of course not! Hindi kita binobola Eury,” he reasoned out but I just shook my head while smiling at him.

“It’s eight in the evening Styyx, don’t you have plans of going home?” I said to him after glancing at my wristwatch. I opened the terrace’s door, as I went straight to my closet and take some of my sweater.

“Can I stay here?” Tanong n’ya habang ang mga mata ay nakatingin sa ‘kin na puno nang pagsusumamo.

“We already found the Wolf’s cave Styyx, there’s no more reason for you to sleep at my house.”

“You’re so cruel baby,” wika n’ya sa paraan na para bang ganoon na nga lang ang pang-aapi ko sa kan’ya. Napabuntong-hininga na lang ako sabay iling.

“Change your shirt, it stinks,” nagbibiro’ng wika ko sa kan’ya sabay hagis ng oversized black shirt ko. Nanlalaki ang mga mata n’yang tiningnan ako.

“Aw you’re harsh baby,” wika n’ya gamit pa rin ang parehong pamamaraan ng pagsalita.

“You jerk! Go to the bathroom!” Singhal ko sa kan’ya nang walang pasubali s’yang naghubad ng pang-itaas na damit sa harapan ko. Natatawa n’yang sinalo ang mga unang hinahagis ko sa kan’ya.

“What’s wrong in that baby? We’re engaged,” natatawa pa ring wika n’ya. Tumigil na lang ako sa kakabato ng unan sa kan’ya saka umupo sa kama at tumalikod sa gawi n’ya.

“Engaged lang Styyx hindi kasal. My eyes are virgin Styyx!” Naiilang kong singhal sa kan’ya dahilan para lalo pa s’yang matawa.

Yes I do love him and I love seeing him laughing this way because of me, but his laughter are just damn pissing me off!

“Pwede ka nang tumingin baby, I’m done,” nagpipigil ng tawa n’yang wika. Matabang ko na lang siyang tiningnan, ngunit gusto kong pagsisihan ang ginawa kong iyon nang makita ko kung gaano s’ya kagandang lalake ngayon.

Sa buong buhay ko ay hindi ako kailanman humanga sa panlabas na anyo ng isang lalake at tanging sa kan’ya lang. At tila hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang humanga sa kan’ya. He’s so hot and gorgeous with my black shirt and with his military pants.

“Matutunaw ako n’yan Eury,” nagpipigil pa rin ng tawa na wika n’ya.

“You’re just damn hot!” Hindi ko napigilan ang sarili ko at kusa na nga itong kumawala mula sa bibig ko. Minsan lang ako magbigay ng papuri sa kan’ya kaya’t ganoon na lang ang mabilis na panlalaki ng kan’yang mga mata. Ang kan’yang natatawang ekspresyon ay napalitan ng nagugulat at humahanga.

“I heard it right baby, did I?” Hindi makapaniwala’ng wika n’ya. Napangiwi na lang ako sa eksaherada n’yang reaksyon. Sa huli ay tumango ako bilang sagot sa tanong n’ya.

“Bakit nga ba hindi na lang ako masanay sa ‘yo?” Nakangiti na n’yang wika habang naglalakad patungo sa direksyon ko.

“The unromantic woman who will just abruptly suprise me with her sudden sweet words.” Pinagtaasan ko lang s’ya ng dalawang kilay ko saka ako muling naglakad pabalik sa terasa ng kwarto ko. As what as I expected he followed me and do his favorite position again.

As I leaned in the terrace’s barricade he gently embraceed me from behind and placed his chin on my right shoulder. I close my eyes for a while, feeling the warmth his embrace giving me.

He was the first man who hugged me from behind and who claimed my lips. And I never thought that he is also that man who will love me and accept my principles in life, and I never thought that he will be the one whom I love and I will still love.

Nang tumama ang mga mata ko sa nagliliwanag na buwan ay kusa na lang kumawala ang mga ngiti sa labi ko maging ang maliliit na likido mula sa mga mata ko. Unti-unti ay nai-aangat ko na ang bansa ko. At unti-unti ay natuto na ako kung paano nga ba pamunuan ang bansa ko. At masaya akong sa bawat pag-unlad ko ay kasama ko s’ya.

I feel like I am drowned in the depth of the ocean painted not with blue but with happiness, while he is embracing me from behind adding waves in the rhythm of the water. Tila nahigitan pa nga nito ang sayang naramdaman ko noong mga panahong unang nagtagpo ang mga labi namin.

Sa ilalim ng makislap na kalangitan, sa nagagandahang mga bituin at sa gitna nang malamig na simoy ng hangin, ay gusto kong sabihin sa lalaking kasalukuyang nakayakap sa likuran ko, kung gaano ako nagpapasalamat sa kan’ya at kung gaano ko s’ya kamahal.

I heave a sigh before telling him how much I love him. Ngunit nang sasabihin ko na sana ang mga katagang gusto kong sabihin, ay dala ng labis na saya at kaba ay iba ang nasabi ko. Mga salita na tila kusa na lang kumawala sa aking bibig, mga salitang s’yang tiyak na gustong sabihin ng puso ko.

“God is amazing isn’t He?”

|End of chapter 40|
•Please don't forget to vote and comment <3•

Pearl Of The East | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon