Chapter 4

112 14 2
                                    

Marami ng mga lalake ang sumubok na lumapit sa 'kin noon. Pero ni isa sa kanila ay wala akong pinansin.

Lumaki ako sa prinsipyo na utak muna bago emosyon. At kailangan ay sa lahat ng pagkakataon maging lohikal ka at praktikal.

Kaya ang tanging trabaho ko lang ang pinagtuunan ko ng pansin noon. As a soldier, my gun is my man. Country first before anything. Iyon ang paulit-ulit na pinapaalala ko sa sarili ko.

Wala akong pakialam sa mga lalake at tanging bansa ko lang ang tinitingala at hinahangaan ko.

Mailap ako sa lahat at kung may nagtatangka mang lumapit sa 'kin ay agad ko na itong binabalaan.

General Mortel once said. "A strong woman needs no man," kaya bakit ko pa aabalahin ang sarili kong pumansin ng lalake? Kung alam ko sa sarili kong hindi ko naman sila kailangan.

I built walls just to keep myself protected from men's moves. Pero ang heneral na iyon. Paano nangyaring hinayaan ko s'yang makalapit sa 'kin? Paano nangyaring nagawa kong sabihin sa kan'ya ang tungkol sa pamilya ko?

Napabalikwas na lang ako nang bangon sa kama ko nang biglang nag-ring ang telepono ko. Napangiti na lang ako matapos makita ang pangalan ng caller. Si Mnemosyne.

"Yes?"

"Eury!" napatakip agad ako sa tenga ko at bahagya ko pang nailayo ang cellphone ko dahil sa malakas at mahaba n’yang pagsigaw.

"Ba't hindi ka nagsabing nakauwi ka na pala?" Tanong n'ya sa nagtatampong tono.

"Hindi ka naman nagtanong," pilit na walang gana kong sagot.

"Pilosopa. Pero ano, dating gawi?" She asked unhamperedly. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi n’ya, here we go again.

I gave an eye on my wristwatch. It's 7:03 in the morning already. At mamayang alas otso na ang byahe namin patungong Lapu-Lapu city.

"M, maybe after our campaign na lang," nag-aalangan kong sagot sa kan’ya. Knowing M, siguradong magtatampo na naman s’ya. Katulad nang inaasahan ko ay rinig ko agad ang pagbuntong-hininga n’ya sa kabilang linya.

"Okay, saan ba kayo mangangampanya?" Nagtatampo pa rin n’yang tanong.

"You don't have anything to do right?" I asked instead of answering her question. In my mind I'm silently praying that hopefully her schedule is free.

"Yeah, naka-leave ako sa ospital. Netflix lang ako," I smiled after hearing her answer.

"You can come with us," anyaya ko. Rinig ko agad ang pagsigaw n’ya nang kasabikan sa kabilang linya.

"Oh my God! Yep I will, and there's no damn way I'll say no," she exclaimed like a kid.

"M, you're 30."

"And you're 29," sarkastikong sagot n’ya sa 'kin.

"No that's not what I mean, what I'm trying to say is you're 30 and you still act like a kid," rinig ko ang eksaheradang pagsinghap n’ya sa kabilang linya.

"Eurydice won't be Eurydice without her bloated maturity," she answered in chant.

"Come in," I uttered after hearing three consecutive knocks on my wooden door.

"Mayora, tumawag na po si Mr. Guanzon pinapapunta na tayo," I nodded in her words. Lumabas na naman s’ya matapos n’yang sabihin iyon.

"Sino yun Eury? " Nagtatampo'ng usal ni M. Mnemosyne won't be Mnemosyne without her deflated maturity.

Pearl Of The East | ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum