KABANATA IV.

47 2 0
                                    

Alas - siete ng umaga ng gisingin kami nila mama dahil nga sa may lakad kami.

Agad akong napabangon ng maalalang mamamasyal kami sa Luneta ngayong araw. Excited na kasi ako.

"Excited si Yanie oh hahaha" napakamot batok na lang ako at alanganing ngumiti kanila papa at tita dahil totoo naman.

"O edi mag ayos na kayo para maaga tayo makaalis at wala pang traffic." Sabi ni tita at mama kaya nagsiligo at bihis na kaming lahat.

Black maong jeans, white t-shirt, black cap na may nakalagay na A'tinxSB19 at black rubber shoes ang suot ko ngayon at dala ko din yung black maong na jacket ko in case lang. Nakasabit naman sa leeg ko yung DSLR camera ko kasi aside from writing hilig ko din ang photography and memories to with the family kaya kailangan may documentation.

Nilagay ko yung phone ko with power bank, headset, polbo, panyo,, pamaypay, folding umbrella at wallet ko sa mini back pack ko na black. 

"Girl in black tayo ngayon ah." nginisian ko lang sila ate dahil sa komento niya sa get-up ko today. 

Halos all black kasi dala at suot ko ngayon pero wala akong pakialam dahil paborito ko ang black  tsaka white.

"Ayos na ba kayong lahat? Tara na para hindi tayo abutan ng traffic." agad naman kaming nagsikilos at lumabas sa bahay para sumakay sa van na inarkila nila para sa field trip namin ngayon.

Actually hindi ako sure kung sa Museum lang kami ngayon at sa Luneta pero kahit ganun excited ako.

***

"Sabi nung receptionist hindi pa daw tapos yung ibang rooms and hindi pa fully renovated kaya limited lang tayo ngayon. Hanggang 3rd floor lang ang open." napatango kami kay tita Libay sa sinabi niya. 

Kabila-kabila ang mga paintings, drawings at mga replica ng mga iba't-ibang bulaklak, hayop, at mga bagay na makikita dito sa Pilipinas na tampok sa Museum na to. Meron pa ngang higanteng larawan ng isang tarsier na nakalagay sa isang tarpaulin na nakadikit sa wall ng 2nd floor na makikita mo na agad mula sa unang palapag pa lang dahil sa laki nito.

Meron ding exact replica ng pinakamalaking buwayang  nakita sa Agusan na pinangalanang si "lolong" doon sa unang palapag kanina. Akala nga namin preserve na body talaga eh pero may marker sila na replica lang daw iyon.

Marami-rami din ang mga tao dito ngayon, mga taong may interes sa mga ganitong lugar pero kitang more on mga middle aged or mga batang nasa lima hanggang sampu. Meron din akong nakikitang mga estudyante na nagtou-tour. Not bad.

Akala ko dati hindi na mahilig sa ganitong bagay mga kaedaran ko pero I see now meron pa din pala. You really should not generalize judgments.

Paikot-ikot lang kami, touring of course the place and syempre tinitignan yung mga nakadisplay.

Kinukuhaan ko ng pictures every details dito sa museum including yung mga nakadisplay at yung mga kasama kong mamasyal ngayon. 

Pagkatapos ng paglilibot namin sa museum ay napagpasyahan naming kumain muna sa malapit na fastfood chain dahil inabot kami ng alas dose sa pila papasok sa museum at sa paglilibot sa loob.

Habang kumakain ay tinitignan ko ang mga litrato na kinuhanan ko kanina sa museum. Napapangiti pa nga ako sa lahat ng pictures na kinuha ko. Pero may isang picture ang nakakuha sa atensyon ko. Hindi ko iyon napansin kanina ng kumuha ako ng mga litrato.

Sa unang tingin ay hindi siya kapansin pansin pero kung i-zo-zoom siya ay makikita mo ang isang makalumang kutsilyo o punyal kung tawagin nila na nakasuksok sa isa sa mga painting doon at umaagos pa ang dugo niyon sa dingding.

La PeleaWhere stories live. Discover now