KABANATA XI

15 1 0
                                    

"Yana! Anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Nasugatan ka ba? Tinangka ka ba nila ulit na kunin kanina?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Luci na pinagtaka ko.

Anong pinagsasabi nitong lakaking to?

Don't tell me akala niya ako yung ginagamot nila manang Rosa at manang Milagros?

Concern ba siya?

"Luciano, huminahon ka. Mukhang hindi ang iyong esposa ang ginagamot nila manang kundi ang tutang nakahiga sa papag." Puna ni Fabiano na may naglalarong ngisi sa labing nakatingin sa amin ni Luciano.

Tulala naman si Lorena sa dalawang kadarating lang.

"Ayos lang ako gobernador heneral---"

"Sinabihan na kita hindi ba na huwag mo na akong tawagin sa aking titulo. Isa pa, ano'ng nangyari kanina ng wala ako--kami?" Puna at tanong sa akin ni Luciano na ngayon ay nahimasmasan na yata kung kaya't balik na naman siya sa seryoso niyang awra.

"Sige Luci na lang. Masyadong mahaba ang Luciano. May nakita kaming kawawang tuta sa may kakahuyan malapit sa hardin kung kaya't nagpasya kaming dalhin ito kila manang Rosa at manang Milagros. Walang may lumusob o kung anuman ang nasa isip niyo ang nangyari dito. Bantay sarado ako dito nakakalimutan mo na ba?" Irap ko sa kaniya.

"Ayun naman pala Luciano e. Ika'y masyadong nababahala riyan. Huwag kang mag-alala hindi ka iiwan ni Binibining Marianna. Hindi ba biníbini?" Kindat sa amin ni Fabiano na sinamaan naman ng tingin ni Luciano. Nahiya ako sa mga sinabi ni Fabiano kung kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila.

"Manahimik ka Fabiano!" Banta ni Luci sa kaniya at katulad ng karaniwang ginagawa ni Fabiano, tinawanan niya lang si Luci.

"Kalmahan natin Luciano, amigo. Mapapakasalan mo pa ang iyong irog---" Hindi na natapos ni Fabiano ang sasabihin dahil sobrang sama at talim na ng tingin sa kanya ni Luci kaya natawa na lang siya ng malakas na halos ikataranta ng ibang mga kasama namin dito sa bahay.

Halos mangiyak-ngiyak pa siya sa kakatawa. Si Luci naman ay namumula ang tenga pero matalim pa rin ang titig kay ginoong Fabiano hanggang ngayon.

Nakatingin lang naman kami sa kanila hanggang sa mahimasmasan na kahit kaunti si Fabiano mula sa pagtawa. Pinipilit niyang hindi na tumawa pero halata pa din siya.

"Mga Señor, si Lorena nga pala ang matalik na kaibigan ko." Pagpapakilala ko kay Lorena sa kanila.

"Magandang araw Binibining Lorena. Mi nombre es Fabiáno Espinoza.Un placer conocerte. (My name is Fabiano Espinoza. Nice to meet you.)" Pakilala ni Fabiano sa sarili pagkatapos ay kinuha nito ang kamay ni Lorena at hinalikan habang nakatingin sa kaibigan ko.

Nangangamoy pulot-pukyutan.

"Encantado de conocerlo también señor. (Nice to meet you too sir.)"

Tumingin naman na sila sa amin pagkatapos ng kanilang pagpapakilala.

"Mi nombre es Luciano. Un placer conocerte. Que tengas una buena estadía aquí en Las Islas Filipinas. (My name is Luciano.  Nice to meet you.  Have a good stay here in the Philippine Islands.)" pakilala naman ng katabi kong si Luciano na seryoso at diretso lang ang ekspresyon.

"Acabo de verte. ¿Cuál es tu relación con mi amigo? (I just saw you. What is your relationship with my friend?)" Naniningkit matang tanong ni Lorena kay Luci na seryoso pa rin ang mukha na tila wala lang sa kaniya ang kung anumang tinatanong o sinasabi ni Lorena.

"Él es el futuro esposo de tu amigo. (He is your friend's future husband.)" Kindat naman ni Fabiano sa kaniya na ikina-gulat ni Lorena.

Napatakip pa ito ng dalang abaniko sa bibig upang hindi itago ang pagnganga dahil sa gulat.

La PeleaWhere stories live. Discover now