KABANATA III

48 2 0
                                    

"Pag ibig ko'y di mapigil.

Kahit na may pighati,

Dinggin ang sigaw ng damdamin...

Na ako na lang sana ang yong minahal...

Ako na lang sana ang yong...

ligaya.

Ako na lang sana hanggang pagtanda.

Ako na lang...

sinta..."

"Yana, hindi ka pa gutom? Kakain na daw ng tanghalian." Napalingon ako kay ate Shiela na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok niya.

Kinakabahan ako pero hindi ko mapaliwanag kung bakit.

Napabangon ako ng marinig ang kalam ng sikmura ko. Gutom na nga ako.

"Hahaha tara na kakain na." Natatawang pag-aaya sa akin ni ate dahil narinig din niya yung kalam ng tiyan ko. Napasimangot na lang ako at tumango saka bumaba sa higaan namin at nagtungo sa cr para maghilamos bago lumabas para kumain.

Iisa lang ang kama namin ni ate pero queen size bed kaya kasyang-kasya kaming dalawa na pareho payat. Mas matangkad ako kay ate na 4'7 lang ang height. Anong connect? Wala lang share ko lang.

Pagbaba ko ng hagdan sakto namang nasa hapag kainan na silang lahat at nakakahiya dahil ako ang last.

"Hello po. Happy lunch!" Ngiti ko sa kanila sabay upo sa upuan malamang. Hehe

"Same to you. Hahaha" sabay nilang bati sa akin saka kami nagtawanan. Ang babaw noh? Hahaha

"Kamusta pahinga niyo pati biyahe?" Tanong ni tita Libay habang kumakain. Sa ganitong tagpo sila mama at papa lang ang karaniwang sumasagot at may kaniya-kaniya lang kaming mundo nila ate.

"Ayos naman ate, ayon medyo pagod as usual pero sanay na. Hahaha" sagot ni papa at nagtawanan sila. Nagbiruan pa sila at nagkwentuhan about sa kalagayan namin sa probinsya habang nasa harap pa rin ng hapag-kainan.

******

Pagkatapos naming kumain ay nagtulungan kami nila mama at tita na maghugas ng plato at pinagkainan. Ako ang itinuro ni ate na tumulong pero dahil sa alam ni tita na umiiwas lang si ate na magtrabaho kaya may mas mahirap na trabaho siyang pinagawa kay ate. Nakangisi ako ngayon kay ate habang inaayos niya yung mga lalabhan niya ngayon. Tawang-tawa ako sa utak ko para kay ate. Akala niya makakaiwas siya sa trabaho ah.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan Yanie?" Nakasimangot niyang tanong sa akin na kinindatan ko muna bago nagsalita.

"Alam mo ate maglaba ka na muna bago mo ako gerahin." Nakangisi kong sagot kay ate na lalong tumalim ang titig sa akin. Tatakbo na sana ako dahil alam kong masasabunutan niya ako pero buti at dumating si tita at nasita pa siya. Bwahahahaha

"O Elena? Bakit nakatambay ka pa dito sa kusina? Labhan mo na yang mga damit niyo habang may araw pa para matuyo pa iyan." Sita ni tita kay ate na napakamot batok na lang.

"O-opo tita. Hehe" sagot niya saka naglakad papunta sa labas. Hindi siya pinagamit ni mama ng washing machine dahil sira daw yun sabi ni tita kaya mano-mano niyang lalabhan lahat ng dala niyang labahan ngayon. Bwahahaha

La PeleaWhere stories live. Discover now