KABANATA XIII

15 2 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas at marami na rin ang nangyari.

Nakikipaglaro ako ngayon kay Shanshan, yung tuta na sinagip namin noong nakaraang buwan. Malaki na siya. Sobrang takaw, napaka likot at mahilig siya sa laro. Katulad na lang ngayon. Naglalaro siya sa ilalim ng mesa dito sa kusina. Pilit niyang inaabot ang kaniyang buntot kaya paikot-ikot lang siya doon.

Abala rin si Luciano sa maraming bagay lalo na tungkol sa pagpapatakbo sa buong Las Islas Filipinas-- Pilipinas na nga lang.

Sa susunod na linggo na rin pala ang kasal. Kung paano ako nakumbinsi nila Luciano para pumayag? Muntik ng mamatay si Augusta dahil sa isang nangyaring kaguluhan sa pamilihan.

Sila Lorena at Fabiano naman ay muntik na ring mamatay ng pasukin ng hindi nakikilalang mga lalaki ang silid ni Lorena sa mansyon noong isang buwan matapos lang ng ilang araw mula ng magpunta ang ama ni Luciano sa mansyon.

Sa takot kong tuluyang mawala sila ay napapayag na akong magpakasal kay Luci (Luciano). Pero hindi pa rin kami tinatantanan ng mga taong gustong pumatay sa akin.

Pinupuntirya nila ang mga malalapit sa akin upang mapalabas na ako sa lungga ko raw ayon sa liham na natagpuan namin sa bulsa ng damit ni Augusta nang magkagulo sa pamilihan at iyon rin ang huling sinabi ng nanloob sa silid ni Lorena dito sa mansyon.

Pinili ko na nga ring pabalikin muna si Lorena sa kanilang lalawigan upang hindi na siya madamay sa pagtatangka sa aking buhay. Si Fabiano naman ay babalik na rito sa Pilipinas ayon kay Luci. Napakiusapan na nila ang Hari na bigyan siya ng permanenteng trabaho rito sa Pilipinas upang dito na siya mamalagi.

Umalis siya dahil kinailangang dalhin siya sa Europa upang doon magpagamot sa tindi ng nangyari sa kaniya ng subukan niyang manlaban para protektahan si Lorena. Pinauwi siya ng kaniyang mga magulang pero heto at babalik ulit siya rito sa Pilipinas.

Kalat na rin at inaabangan na ng mga tao ang nalalapit na kasal namin ni Luci. Alam na rin ng lahat na sa mansyon ng gobernador heneral ako namalagi ng ilang araw matapos mamatay ng aking mga magulang dahil delikado na nga ang buhay ko noon pero ngayon ay dito raw muna ako sa bahay ng tiyahin ko (tiyahin ni Marianna ng 1600s).

Mabait naman si Tiya Anita. Kalog at madaldal siya katulad ni Lorena pero napaka supportive niya sa akin katulad nila Luci at Augusta.

Marami na rin ang nangyari matapos ng isang buwan. Naitakas rin ng mga rebelde sila Ka Nilo at ang iba pa gamit ang planong inilatag ko sa kanila noong huling pagpupulong namin.

Hindi na rin nasundan pa ang pagkikita namin ng ibang kasapi ng samahan matapos umere ang balitang ikakasal na ako sa gobernador heneral na si Luciano Vallejo.

Sinasanay na rin ako ni Tiya Anita sa mga gawain ng isang maybahay. Katulad ng pagluluto ng iba't-ibang putahe at pagkain, pagtatahi, pagbuburda, paglilinis, pangangalaga sa bahay at lalo na ang pagsisilbi at pangangalaga sa asawa.

Napapakamot batok na nga lang ako kapag hindi ko talaga nagagawa ng tama ang ilan sa mga pinapagawa niya sa akin. Pero makaraan ng ilang subok ay napagtatagumpayan ko namang matapos ng matiwasay ang lahat.

"Ate Esperanza, nagpaabot ng mensahe si Señor Luciano na pupunta raw po siya rito mamaya ayon kay Mang Geronimo." Balita sa akin ni Au.

Pabago-bago ang tinatawag nila sa akin. Minsan Marianna o Yana minsan naman ay Esperanza. Si Luci ang pasimuno ng mga tawagang iyan. Pasalamat na lang at pare-parehong pangalan ko ang lahat ng iyon kaya hindi na rin ako nalilito.

Nandito ako ngayon sa kusina ng bahay ni Tiya Anita at abala ako sa pagluluto para sa agahan namin. Kasama ko pa rin dito si Augusta dahil iyon ang bilin ni Luci bago niya ako payagang lumisan muna pansamantala sa mansyon.

La PeleaWhere stories live. Discover now