KABANATA XIV

15 1 0
                                    

"Maayos na ba ang paa mo?" Tanong ni Luci.

Nandito pa rin kami sa bahay na pinagawa niya. Hindi ko pa nalilibot ang buong lugar pero ang ganda ng mga disenyo mula pa lang sa labas ng bahay na ito. Halatang ginastusan at nilaanan ng panahon at atensyon.

Ginalaw-galaw ko ang paa kong hindi ko magalaw kanina dahil sa sakit sa pagkakapadapa kanina. Medyo nagagalaw ko na ito ngayon at hindi na rin masakit. Nilagyan na ito kanina ng halamang-gamot ni Luci pero hindi ko alam kung anong klaseng halaman iyon dahil hindi ko na rin naitanong pa kanina.

"Hindi naman na siya masakit at nagagalaw ko na rin ang paa ko. Salamat sa paggamot kanina." Sagot ko.

"Paunang lunas lamang ang ginawa ko kanina. Atin ulit ipapatingin iyan sa isang doktor para masigurado nating maayos na nga iyan. Sa ngayon ay aalalayan na muna kita upang makita mo ang iba't-ibang parte ng tahanang ito." Aniya, tumango na lang ako tsaka tinanggap ang palad niyang nilahad. Akala ko ay aalalayan niya lamang akong maglakad pero pinasan niya ako ulit sa likod niya.

"Akala ko ba aalalayan mo lang ako? Mabigat ako Luci, hanggang mamaya ay paniguradong ikaw na ang magkakapilay at hindi ako. Ibaba mo ako. Kaya ko namang maglakad." Sita ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag.

Wala siyang imik na pinasan pa rin ako sa likod niya bago siya magsimulang maglakad palibot sa bahay.

Mula sa loob, nalibot na namin ang kusina, hapag-kainan, salas, mga cuarto, terasa, lugar para sa mga bisita, yung parang hall para sa mga parties hanggang sa labas na katulad ng azotea, hardin, at may maluwag na espasyo sa likod ng bahay at sa harapan na rin na ika niya'y para daw may mapagtakbuhan o laruan ang mga magiging anak namin-- niya.

"Hindi ka naman masyadong ready sa pagpapakasal no? Ay este-- hindi ka naman masyadong handa sa pagpapakasal at pagpapamilya niyan no? Halos lahat na yata ng sulok ng bahay na ito ay pinagplanuhan mo na e." Tawa at tukso ko sa kaniya. May isang pangdalawahang bangkito dito sa likod ng bahay at nilapag niya ako roon at umupo siya sa tabi ko.

"Sinanay kaming magkakapatid na maging handa lagi lalo na sa pagpapamilya upang hindi na raw kami mahirapan sa hinaharap." Tugon niya. Napalingon ako sa kanya.

Naalala ko ang kwinento sa akin ni Augusta noong nakaraang buwan.

Itinakda siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang sa anak ng hari ng Espanya pero pinili niyang lumayo sa sariling bayan upang manerbisyo rito sa Pilipinas imbes magpakasal sa taong hindi niya gusto.

Pero heto kami, ikakasal na sa susunod na linggo kahit wala rin kaming nararamdamang kakaiba para sa isa't-isa. Wala nga ba? Baka sa kaniya wala pero sa akin ay aaminin kong unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero natatakot akong ipagpatuloy pa itong nararamdaman ko dahil baka bigla na lang bawiin sa akin ng tadhana ang lahat at ibalik ako nito sa realidad na magkaiba kami ng panahon at mundo.

Hindi ako ang Marianna na anak ng isang yumaong Don at Donya na namatay mula ng mabalitaang nakipagtanan ang kanilang unica hija sa anak at miyembro ng rebeldeng samahang gusto na ng kalayaan mula sa mga mananakop.

Pansamantala lamang akong nilagay sa panahong ito. Kung bakit? Hindi ko pa rin alam. Siguro'y may gustong ipa-realize sa akin ang tadhana o di kaya'y may isang bagay akong dapat gawin at mapagtagumpayan bago makauwi sa totoo kong panahon.

"Siguro'y naiisip mo ngayon ang balitang pagkakasundo sa akin ng aking mga magulang sa Prinsesa." Nabalik ako sa wisyo ng magsalita siya. Nakatingin na rin ito ngayon sa akin.

"Totoo ang balitang iyon. Ibig niya akong ipagkasundo sa Prinsesa kahit hindi ko naman ito gusto." Pag-aamin niya.

Napayuko siya bago ituloy ang sasabihin.

La PeleaWhere stories live. Discover now