KABANATA II

53 4 4
                                    

And I'd choose you;
In a hundred lifetimes,
In a hundred worlds,
In any version of reality,
I'd find you and
I'd choose you.

-The Chaos of Stars

Sa kalagitnaan ng pag idlip or tulog ko ay nagising ako pero nanatili lang akong nakasandal kay ate dahil inaantok pa ako.

Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon. I feel so emotional ng hindi ko alam kung bakit. Parang ang sad bigla ng scenery. May mga scenariong lumitaw sa isip ko.

Nakasakay daw kami sa isang kalesa at papatakas kami dahil may mga guwardia sibil na gustong manghuli sa amin dahil sa isang ginoo na tagaktak na ang pawis na palingon lingon sa likod namin kung saan may humahabol sa aming isang batalyong guardia civil.

Ang weird! Ano yun? Napa iling na lang ako dahil gumagana na naman pagiging writer ko. Pero puwede iyong gawing maging sunod kong akda. Napangiti na lang ako at pumikit na ulit.


Naalimpungatan ako ng tapikin ni ate yung pisngi ko. Umalis na ako sa pagkakasandal sa kaniya at lumingon sa kanila.

"Andito na tayo sa pier Yana, tara na bababa na daw para kumuha ng ticket natin sa barko." Tumango ako kay Kuya Shone ng sabihin niya yun. Alam ko naman na ang tungkol sa pagkuha ng ticket para sa barko dahil hindi naman ito ang una naming pagbiyahe at pagluwas sa Maynila.

Pagbaba namin awtomatiko akong lumingon ulit sa bus namin at tinignan ang body number nito para hindi ko makalimutan bukas pagbaba namin ng barko at hindi kami maligaw ng bus na sasakyan lalo't nasa bus namin ang mga gamit namin.

Victoria 1803

Odd. It felt odd to see the body number and the bus name. I just shrugged at the thought.

Ilang sandali'y sumunod na ako kila mama at ate dahil nasa pila kami ng bilihan ng ticket. Mahaba ang pila kaya inikot ikot ko ang aking mata sa paligid panlibang lang habang hindi pa kami ang sunod sa pila.

Napadako ang tingin ko sa matandang nasa may bench sa waiting area dahil nakatitig ito sa akin. Napakunot ang noo ko at nakipagtitigan din sa kaniya. Tila nag-uusap ang aming mga isip gamit ang aming mga mata. Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil tinapik na ako ni ate na nasa likod ko. Ako na pala.

Pagkatapos naming bumili ng ticket ay lumabas na kami ng pier office para hintayin yung bus naming makasakay sa barkong sasakyan namin papuntang Matnog.

Habang nasa may tapat kami ng barko nila mama, papa at nila kuya at ate ay napansin ko yung matanda kanina sa bench nakatingin siya ngayon sa akin mula doon sa taas ng barko. Seryoso lang itong nakatitig sa akin hanggang sa panibagong mga imahe ang lumitaw sa utak ko.

Ngayon naman ay papasakay na kami sa barko papuntang Timog. Maraming tao sa daungan dahil araw din ng uwian dahil magpipista na sa kanilang bayan. Mabilis kaming humalo sa mga taong naroroon, nakasuot ako ng baro't saya at ang ginoo ko namang kasama ay nakasuot nang kamiso tsino na brown at white at sumbrerong buri.

La PeleaWhere stories live. Discover now