KABANATA XII

13 2 0
                                    

"Malay mo naman amiga maging maayos naman ang magiging pagsasama niyo hindi ba?"

Gabi na at kaninang hapon pa kami magkausap dito ni Lorena habang si Augusta naman ay nilalaro yung tutang mabuti na lang ay maayos na ang kalagayan ngayon at masigla na maliban lang sa hindi pa nito maigalaw ang kanang binti.

Kanina pa din ako kinukumbinsi ni Lorena na pumayag na lang daw akong magpakasal kay Luci.

Napapakamot batok na lang ako sa kakulitan niya. Maski si Au nakumbinsi niya na. Ako na lang ang hindi pa. Isang pilit at propaganda niya pa talaga baka pumayag na ako. Pero gusto ko ding malaman ang side ni Luci kung bakit gusto niya akong pakasalan.

Ewan ko ba, kanina pa din ako may kakaibang nararamdaman sa isiping gusto akong pakasalan ni Luci.

Aaminin ko medyo crush ko siya. Pero dapat hanggang doon lang iyon lalo't hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa panahon nila.

"Amiga."

Kailan nga kaya ako makakabalik sa totoong panahon ko.

"Stella Esperanza!"

Napabalikwas ako ng upo ng malakas na tinawag ni Lorena ang pangalan ko.

Stella Esperanza din tinawag niya sa akin? Bagay sila ni Luci. Ganyan din ang tawag nun sa akin e.

Pero syempre mas bagay sa akin si crush. Joke lang.

Ano ba tong pinag-iisip ko? Nahihibang na yata ako. Natulad na ako kila Fabiano.

"Stella Esperanza naman, kanina pa ako nagsasalita rito pero mukhang naglalayag sa kawalan ang iyong isipan. Ano bang iniisip mo riyan? Maaari mo namang ibahagi sa akin. Kaibigan mo ako." Mahabang litanya niya na tila nagtatampo na dahil hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya kanina pa.

Napakamot ako sa pisngi ko at alanganing ngumiti sa kaniya. Napailing na lang siya at nakasimangot na nakatingin sa akin.

Nilingon ko si Augusta na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin. Pasensya naman lutang lang. Si Luci kasi--- wait what?! No erase. Yung ano kasi----. Fine that wedding is the real culprit kaya ako nagkakaganito ngayon.

Hindi pa rin ma digest ng utak ko na gusto akong pakasalan ni Luci.

Bago pa lalong magtampo sa akin si Lorena ay nilapitan ko na siya tsaka nagpaliwanag.

Isa pa, gusto ko ring may mapagsabihan ng mga nasa utak ko kahit siyempre ifi-filter ko dahil hindi ko dapat lahat sabihin. Privacy ko na yung iba.

"Paumanhin Lorena amiga. Hindi na nga naging maganda ang simula ng bakasyon mo rito sa mansyon tapos hindi pa ako nakapakinig sa iyong tinuturan kanina. Sadyang nalilito at nabibilisan lang ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung maniniwala ba ako sa mga nangyayari." Pag-amin ko.

Mula sa nakasimangot niyang mukha ay ngumiti siya sa akin ng malumanay.

"Naiintindihan kita Stella--"

"Can-- Maaari bang Yana or Marianna na lang ang itawag mo sa akin? Ako ang napapagod para sa iyo." Pagpuputol ko sa kaniya ng tangkain niyang buoing tawagin ang aking pangalan.

Napatawa siya ng mahina dahil doon. Itinago pa niya sa abanikong hawak niya ang kaniyang natatawang mukha at ngiti. Ms. Mahinhin talaga siya hindi tulad ko na wala lang. Sabagay mahihinhin talaga ang mga kadalagahan sa panahong ito dahil iyon ang itinuturo sa kanila mula pagkabata.

"Ang totoo niyan, hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi o kung anong gagawin at iisipin ko ngayon lalo pa sa pagkawala ng mga magulang ko at ngayon naman bigla-bigla magdedesisyon si Luciano na magpakasal. Ni hindi naman kami magnobyo." Paliwanag ko sa kanya.

La PeleaWhere stories live. Discover now