KABANATA VII

28 2 0
                                    

"Tayo'y magdasal na. Ako'y nagugutom na." Nabalik na lang ako sa wisyo ng magsalita siya.

Saktong dumating na din ang inutusan niya para tawagin si mang Geronimo at ang anak nito na dito din sa Palacio nagtratrabaho bilang hardinero.

Nasa dalawampung taong gulang na din daw ito katulad ko, moreno at Pilipinong Pilipino ang dating at kisig.

"Stella Esperanza, nakakahiya sa harap ng pagkain ang iyong pagtulala riyan. Umayos ka." Napalingon ako sa pagtawag pansin niya sa akin. Wow binigyan niya din ako ng nickname? Ayos lang sana kung Stella pero bakit dinamay pa niya iyong Esperanza?

Nahiya ako kunti dahil tulala nga ako sa harap nila kaya umayos ako ng upo tsaka naghanda na para sa pagdarasal hanggang sa nagulat ako ng hawakan ako ni manang sa kaliwa kong kamay at ni Luci naman sa kanan. Nilingon ko sila isa-isa pero nakapikit lang sila hanggang sa matapos na ang pagdarasal namin-- nila. Namimiss ko sila mama at papa. Ganito din kami noon.

Pagkatapos namin kumain ay nagkaniya-kaniya na kami ng gawain except kila manang na siyang naghugas ng pinagkainan. Gusto ko nga sanang tumulong pero pinigilan nila ako. Kung sila mama o ate iyon for sure tuwang-tuwa na nagpresinta akong maghugas at iiwanan na ako para ipasolo ang mga hugasan.

Nandito ako ngayon sa may terrace at nagmumuni-muni tutal hindi pa naman ako inaantok. Si Luci naman ay dumiretso na sa kwarto niya dahil may gagawin pa daw siya na dapat tapusin.

Nagtataka pa din ako sa sinabi niya sa akin kanina. May alam ba siya na hindi ako sa panahong ito galing? Pinipilit ko siyang tanungin tungkol doon pero kung hindi sa iniiba niya ang usapan ay tatahimik lang siya. May alam ba siya o may kinalaman kung bakit andito ako sa panahong ito?

"Hindi ka pa matutulog?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko.

Paglingon ko sa likod ko ay nakatayo siya ilang dipa ang layo sa akin. Nakatingala siya sa kalangitang walang buwan pero maliwanag pa din dahil sa mga bituin.

"Hindi pa naman ako inaantok." Tanging sagot ko tsaka binalik ang atensyon sa pagtanaw sa kalawakan. Tumango lang naman siya na parang sinasabing naiintindihan niyang sanay akong matulog ng gabi na.

"Akala ko ba may gagawin ka pa? Ang bilis naman yata matapos." Wala pa naman kasi akong isang oras na nakatambay dito sa terrace eh tapos bigla andito na siya agad. Ano kayang ginawa niya?

Tumawa siya kunti bago ako nilingon at sumagot.

"May binasa lamang akong liham mula sa hari ng Espanya na kanina lamang dumating pagkaalis natin papuntang sementeryo ng Paco." Nangunot ang noo ko dahil iba ang sagot niya sa tanong ko.

Ilang sandali pa napalingon ako sa kanya ng mapagtantong sinagot niya ang tanong sa isip ko kanina.

"Halata namang gusto mong ibahagi ko sa iyo kung ano ang aking ginawa kanina." Ganoon ba ako kahalata?

"Pero hindi naman ako tsismosa, curious-- este nagtataka lang naman." Depensa ko sa sarili na tinawanan niya lang naman.

Akala ko masungit itong lalaking ito. Pero hindi na ako magrereklamo dahil baka bigla niya akong sungitan.

"Paano niyo nga pala ako nakita kanina?" Naalala kong nagising na lang akong nasa kwarto ng mansion na ito. Hindi ko din natanong kanina kila manang kung anong nangyari.

"Natagpuan kang palutang lutang malapit sa pampang ng ilog Pasig at dinala sa pagamutan malapit sa kwartel ng mga guardia kahapon." K-kahapon? Isang araw akong tulog?

"Isara mo ang iyong bibig." Hindi ko namalayang nakanganga na pala ako sa harapan niya. Nagsusungit na naman siya.

"Pero paanong nagising na lang ako na nandito na ako?" Kung sa pagamutan ako dinala ng mga guardia na nakakita sa akin paanong dito ako nagising? Dinala niya ba ako dito? Bakit?

La PeleaWhere stories live. Discover now