KABANATA VI

39 2 3
                                    

A-anong nangyayari?"

Wala na akong piring sa mata. Wala na din akong busal sa bibig. Hindi na din maong pants at white T-shirt ang suot ko kundi baro't saya. At hindi na din ako nakasakay sa van kundi sa isang kalesa!

"Natunugan nila mahal ang pagtakas natin at hinahabol na tayo ng mga guardia personal ng pamilya niyo."
Natatarantang paliwanag ng isang lalaki na siyang nagpapatakbo sa kalesang sinasakyan namin.

Teka ano raw?

Ang naaalala ko lang ay may mga poncio pilatong kumidnap sa akin pagkatapos sinakay nila ako sa van pero bakit nakasakay na ako ngayon sa isang kalesa?

"Marianna mahal ko, maghanda ka na, tatalon tayo sa ilog at lalangoy patungo sa pampang." Sabi niya habang pilit pa ding pinapatakbo ang kabayo na ngayon ay nagsisimula nang magwala dahil sa pagpapaputok ng mga guardia na nasa likuran namin.

Hindi ko pa din maintindihan, ano to panaginip? Near death hallucinations?

Dapat ba akong matuwa dahil nakatakas ako sa mga kidnappers ko o lalong kabahan dahil tinutugis kami ng mga guardia civil at may posibilidad na mamatay kami kapag nahuli nila kami?

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ng lalaking ito ang kamay ko tsaka hinila pababa na dahilan para magpagulong gulong kami sa lupa habang yakap niya ako.

Unang una sa lahat, nasaan ako? Bakit ako nandito? Pakana ba ito ng mga kidnappers ko? At anong nangyayari?

Teka! Guardia? G-guardia sibil? What?! Don't tell me nag-- nope Yanna! You really need to wake up already! Naghahallucinate ka lang.

"Detener!" (Halt!) Sigaw ng isang nakaunipormeng lalaking nakasakay sa kabayo at nangunguna sa mga guardia civil na tumutugis sa amin ngayon.

Mabilis kaming tumayo ng hindi ko pa din kilalang binata na hawak pa din ang mga kamay ko at bigla niya akong hinatak para tumakbo papunta sa gilid ng tulay kung saan ay ilog na ang ibaba niyon.

"Sabay tayong tatalon mahal maghanda ka."

Hindi pa man nagsisink in sa akin ang mga nagaganap ay hinila niya ulit ako at sabay kaming lumundag sa ilog na malinis. Aahon sana ako para lumanghap ng hangin pero sunod sunod na nila kaming pinaputukan ng baril sa ilalim ng tubig habang sila ay nasa taas ng tulay.

Pilit ko ding hinahanap yung lalaki kanina na kasama ko ngunit hindi ko na siya mahagilap. Hanggang sa ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng hangin sa katawan ko.

Hindi ako marunong lumangoy at mas lalo ang pagsisid ng matagal sa tubig at ang pagpigil ng hininga habang nasa ilalim ng tubig.

Kung panaginip man ito sana magising na akong nasa bahay nila tatang.

***

"Mahabagin! Ano bang nangyari sa batang ire? Diyos ko!"

Unti unti kong minulat ang aking mata tsaka pinagmasdan ang paligid.

Nasa isa akong kwarto na Spanish style ang disenyo, at nakahiga ako sa isang kama na may dalawang posteng may puting kurtina sa gilid.

Maraming babaeng aligaga ngayon at labas pasok sa kwarto kung nasaan ako.

"Oh hija buti at gising ka na. Halika may niluto akong sabaw ng baka, humigop ka upang magkalaman ang iyong tiyan." Napalingon ako sa isang aleng nasa may gilid ng kama ko at may dala siyang bowl na sabi niya ay sabaw ng pinakuluang baka. Nakabaro't saya siya katulad ng ibang babaeng dito.

Napatingin ako sa suot kong damit. Nakaputi akong maluwag, hindi siya baro't saya kundi iyong pantulog na puti at maluwag na hanggang talampakan ko ang haba.

La PeleaWhere stories live. Discover now