KABANATA IX

26 1 0
                                    

"Saan ka galing?" Malamig at puno ng galit na tanong ni Luci sa akin pagka-uwi namin sa mansyon niya.

Nasa isang silyang isahan at pinapanood kami ni Señor Fabiano habang ako ay nakaupo sa mahabang silya habang pinapagalitan ni Luci.

"S-sa pamilihan." Sagot ko. Narinig kong natawa ng mahina si Señor Fabiano sa sinagot ko.

Totoo namang sa pamilihan ako galing. Sa katunayan ay kasama ko kanina sila Augusta at si manang Rosa. Naiwan nga lang nila ako.

Napapikit siya at pinipilit na hindi ako singhalan sa pagiging pilosopo ko ngayon sa kaniya.

"Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay saan ka nanggaling maliban sa pamilihan kung saan ka naiwan nila manang Rosa? Hinanap ka na ng lahat kung saan-saan --" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Nag-ikot ako para hanapin sila dahil iniwan na pala nila ako kanina. Iyon nga lang... n-naligaw ako." Nahihiya kong sagot sa kaniya. Umiwas ako ng tingin ng taasan niya ako ng kilay dahil sa huling parte ng sinabi ko.

"Mula ngayon hindi ka na lalabas ng mansyon maliban kung kasama mo ako. Pumanhik ka na muna sa iyong silid, ipapatawag na lamang kita kapag tanghalian na." Mahinahon ngunit seryoso pa rin na sambit niya saka pumanhik sa opisina niya. Sinundan naman siya ni Señor Fabiano na may kakaibang ngisi sa labi.

Napalabi ako. Wala namang kaso sa akin kung hindi ako maglalalabas dito sa mansyon niya pero bigla kong naalala na pinatitipon ko nga pala ang samahan upang pulungin sa makalawa para pag-usapan kung anong gagawin namin para maitakas sila Ka Nilo.

Alam ko na! Tatakas na lang ako sa araw na iyon.

Pero napatampal na lang ako sa noo ko ng maalalang hindi ko pala alam ang bahay nung lalaki kanina kaya paano ako makakapunta doon?

Katulad ng bilin niya ay pumunta muna ako sa kwarto ko at hihintayin ko na lang na tawagin nila ako para sa pananghalian.

Fabiano

"Luciano." Tawag ko sa kaniya pagkarating namin dito sa opisina niya dito sa mansyon.

"¡Ella es realmente un dolor en el culo!"

(She is really a pain in the ass!)

Asik niya na nginisian ko. Malamang naman kasi sanay ang binibining iyon na nagagawa niya ang mga bagay na alam niya namang kaya niya.

"Hindi mo pwedeng pigilan ang mga mangyayari Luciano. Hayaan mo na lamang." Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. Delikado ka na.

"Ang ibig mo bang sabihin ay hayaan ko na lamang siyang mapahamak ng ganun-ganun na lang? Nahihibang ka na ba?" Singhal niya sa akin na inilingan ko. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Edi ano? Ano Fabiano? Sabihin mo nga sa akin? Bakit ko ba kailangan kupkupin ang sakit sa ulong babaeng iyon? " Dahil tadhana mo na ang magtagpo ang inyong landas.

"Dahil kailangan ka niya." Tinaasan niya ako ng kilay na nginiwian ko. Nagmumukha siyang bakla... Biro lang.

"Kailangan?" Natatawa niyang ulit sa sinabi ko.

"Sa paanong paraan?" Seryoso niyang tanong habang nakapikit na ngayon. Pinipilit iniintindi ang lahat.

"Upang gabayan siya sa pamumuhay niya rito lalo't namatay na ang mga magulang niya." Hinampas niya ang lamesa niya pagkatapos kong magsalita.

"¡Eso es una mierda!"
(That's bullshit!)

Asik niyang muli. Ito ang tadhana mo aking kaibigan.

La PeleaWhere stories live. Discover now