KABANATA X

14 1 0
                                    

Kasama ko ngayon sa iisang kwarto si Augusta. Ito ang naging huling desisyon nila Luci at Fabiano pagkatapos ng pagtatalo nila tungkol sa dalawang beses kong pagkawala kahapon.

Determinado si Luciano na bantayan ako para hindi ako mawala ulit na hindi ko alam kung bakit. Hanggang ngayon ay gimbal pa rin ang buong sistema ko sa sinabi niya kahapon.

"Me casaré con ella entonces. I'll marry her then.)"

"Me casaré con ella entonces. I'll marry her then.)"

"Me casaré con ella entonces. I'll marry her then.)"

"Me casaré con ella entonces. I'll marry her then.)"

"Señorita?" Nagulat ako ng magsalita si Augusta na ngayon ay binubuksan ang bintana sa kwarto namin.

"Gising na po pala kayo." Napalingon ako sa kanya dahil dun.

"Akala ko po ako ang naunang nagising sa ating dalawa." Mahinhing tawa niya na siyang nginitian ko lang.

Sa totoo lang kagigising ko lang din naman.

"Kakagising ko lang din Au." Tumango naman siya saka nag-ayos ng sarili. Napalingon siya sa akin na tila nagpapaalam kung pwede na siya bumaba.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Napayuko pa siya at tila nahihiya.

"U-uuwi na sana muna po ako binibini upang makaligo at makapag-ayos." Paalam nito. Papayagan ko na sana siya pero naalala ko ang sinabi kagabi nila Luci at Fabiano.

"Pakitawag ang iyong babaeng anak Manang Rosa. Nais namin siyang makausap." Seryoso nilang utos kay Manang Rosa na ngayon ay pinatawag na ang anak na si Augusta.

Ilang sandali lang ay agad na dumating si Augusta na nakasunod sa kaniyang ina. Nagbigay-galang ito sa harap namin at naghintay sa sasabihin ni Luci.

Tinignan naman ni Fabiano ang ibang mga katulong na parang pinapaalis na muna silang lahat maliban kila Augusta at manang Rosa. Nang makaalis na sila sa sala ay nagsimula ng magsalita si Luci.

"Anong pangalan mo?" Seryosong tanong ni Luci kay Au.

"Augusta po gobernador heneral." Sagot naman ni Au. Tumango lang si Luci at Fabiano bago nagsalita naman si Fabiano.

"Pinag-uutos ng gobernador heneral na pansamantala sanang samahan muna ng inyong anak na si Augusta si Marianna sa kaniyang silid. Kaugnay ito ng pagkakadukot at pagkawala niya kaninang umaga at tanghali." Straight-forward na sabi ni Fabiano kay manang Rosa na ngayon ay tulalang nakatingin sa kanilang dalawa.

Napapakamot na lang ako sa pisngi ko. Ang strikto naman ng dalawang 'to. Baka ganito o malala pa abutin ko kila mama at kuya pagbalik ko sa panahon ko.

"Hindi mo maaaring iwan si Yana sa kahit saan na walang kasama. Ikaw at ang iyong ina lamang ang pinahihintulutan kong makasama ni Yana mula ngayon." Dagdag ni Luci na tila striktong tatay ko kung magmando kung sino lang p'wede kong samahan.

"Mawalang galang na gobernador heneral ngunit bakit kami lang ang maaaring magbantay at samahan ni Señorita Marianna?" Magalang na tanong ni manang Rosa kay Luci na dahilan para matawa ng mahina si Fabiano at bumulong bulong na naman sa hangin.

"Binabakuran kasi." Sinamaan naman siya ni Luci ng tingin. Nginisian lang naman siya ng huli.

"Dahil kayo lang ng inyong pamilya ang aking pinagkakatiwalaan." Sagot ni Luci sa tanong ni manang Rosa na tumango naman agad.

La PeleaWhere stories live. Discover now