KABANATA VIII

29 2 0
                                    

"Buti at gising ka na hija." Narinig kong tawa ng kung sino.

Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay nagawa ko ng imulat ang mata ko. Nasa isang kwarto ako. Hindi katulad sa kwarto ko sa mansion ni Luci, makabago ang lahat ng gamit sa paligid at nakakadena ang kanang paa ko sa paanan ng kama.

Nasa modernong panahon na ba ulit ako?!

Nagising ang buong diwa ko dahil sa isang malutong na sampal na halos ikatabingi ng ulo ko.

Tiningala ko ang walanghiyang nanampal sa akin at sinamaan iyon ng tingin ngunit isang malademonyong ngisi lang ang iginawad niya sa akin.

"Gising na ba ang iyong diwa? Hindi masayang kalaro ang tiyuhin mo kung kaya ikaw na lang ang magiging kalaro ko." Saka siya tumawa ng pagkalakas-lakas na akala mo wala ng bukas. Masamid ka sana.

Ako naman ang napangisi ng malademonyo ng masamid nga siya. Buti nga sa'yo.

"Kinausap na namin ng matino ang tiyuhin mo pero ayaw nilang makinig sa amo namin kung kaya wala rin kaming magagawa sa kung ano ang gustong gawin sa'yo ni boss." Sabi niya na nakaupo paharap sa akin. Tinitigan ko lang siya ng masama. Pahiwatig na hindi ako natatakot sa kaniya o kung sino man ang amo nila.

"Ang masasabi ko lang magpakabait ka kung ayaw mong may mangyaring masama hindi lang sa'yo kundi pati sa mga taong nasa bahay niyo." Blackmail ba iyon? Bakit hindi manlang ako natakot?

Sila ba ang mga kumidnap sa akin? Alam na kaya nila mama na nawawala ako o kung nasaan ako ngayon?

"Andiyan na si boss." Tarantang utas ng isa sa mga lalaking nagbabantay sa labas ng kwarto na ngayon ay pumasok para ipagbigay alam na andito na raw yung amo nila.

Gusto kong sumigaw para kung may kapitbahay man dito malalaman nilang may kinidnap sila. Yumuko ako at huminga ng malalim at naghanda na sana sa pagsigaw ng may marinig kaming tunog ng sapatos.

"I'm impressed by how you manage to get her without anyone noticing." Tiningala ko kung sino ang nagsalita ng makilala kung nasaan at sino ang nagsalita.

Magkahalong gulat, pagtataka, at galit kong sinalubong ang pamilyar niyang mukha.

"I-ikaw?"

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko.

"Hija, huwag mo naman masyadong ipahalatang nagulat kang makita ako. Pinapasaya mo kasi ako masyado sa reaksyon mo." Nakangisi niyang sabi sabay tanggal niya sa sigarilyong hinihithit niya kanina at pinatay ang sindi niyon.

"Alam kong maaga pa para malaman mong ako ang may dahilan nitong pagkawala mo pero meron akong gustong sabihin sa'yong importante..."

Lumuhod siya sa harapan ko para pantayan ako na nakasalampak sa sahig at nakakadena ang paa sa paa ng kama malapit sa akin.

"No seas demasiado engañado por sus palabras. Aprende la historia primero y decide en consecuencia. Teme a lo heroico, no más que el villano..."

(Don't be too deceived by his words. Learn the story first and decide accordingly. Fear the heroic not but the villainous.)

La PeleaWhere stories live. Discover now