KABANATA XV

11 1 0
                                    

"I'm not gonna detain you here any longer. Get up and follow me."

Naalimpungatan ako sa isang tinig na malapit sa akin at sa tunog ng hinihilang dalawang kadenang nakatali sa aking kamay at paa.

"Don't try to do stupid things or else you're dead." Dagdag niya.

Like as if makakatakas ako sa mga kadenang nakatali sa akin? Hindi rin nag-iisip itong matandang huklubang ito e.

Magsasalita na sana ako para bulyawan sila ng mapagtanto kong nakabusal ako ng tape sa bibig. Teka, nasa modern time pa rin ako? Akala ko after ng tulog ko magigising ako sa panahon nila Luci? Anong nangyayari? Dati hindi naman ganito.

O baka talagang guni-guni ko lang na nagtime-travel ako?

"Bilisan mo!" Bulyaw ng isang lalaking panot na isa sa mga umaalalay sa akin na maglakad.

Sinamaan ko siya ng tingin pero hinampas ako ng latigo sa likod ng kasama niya na nasa likod namin kaya napahiyaw ako at nilingon siya pero wala lang siyang reaksyon. Wow may panto-torture na nagaganap.

Sinubukan kong magsalita kahit nakabusal pero ingay lang ang nagagawa ko kaya sumuko na lang ako at nanahimik. Saan ba nila ako dadalhin?

Ilang segundong lakaran ang nangyari bago kami tumigil sa isang black painted na pinto. Nagpaiwan ang tatlong lalaking nakabuntot sa likod namin at hinila naman ako papasok ng dalawang umaalalay sa akin at saka nila ako walang habas na itinulak sa sahig.

May isang lalaki namang kumuha ng kadena ko at hinila ako kaya napasunod ako ng wala sa oras sa kaniya habang nakasalampak pa din sa sahig. Ang ha-harsh nila sa akin a.

Tinulungan naman siya ng isa pang lalaki at pinaghiwalay ang dalawang kamay kong naka-kadena. Ngayon ay nakakadena pa din ang mga kamay ko pero ang kinaibahan sa kanina ay magkahiwalay na ang mga kamay ko ngayon.

Hinila nila pataas ang dalawang kadena at itinali sa dalawang posteng nasa gilid ko. Naka hang na ngayon ang mga kamay ko. Ang paa ko naman ang sinunod nilang tinali magkabilaan din sa parehong poste.

Anong gagawin nila sa akin? Ito-torture ba nila ako?

"Nandyan na si boss." Ani ng isang kararating lang na lalaking nakaitim na parang miyembro ng kulto sa pa hood niya.

Ilang sandali pa ay nagbukas ulit ang pinto at niluwa niyon ang isang pamilyar na lalaki. Siya yung lalaking kumausap sa akin at nagbigay ng salita in Spanish na hindi ko maintindihan kung ano iyon. Siya yung leader nila.

"Gising ka na pala." Ngisi niya. Ayy malamang. Ikaw kaya hilain ko ang kadena palabas ng kwarto kung hindi ka magigising.

Tinignan ko lang siya ng blanko na pahiwatig na hindi ako natatakot sa kaniya at sa maaari niyang gawin sa akin ngayon. Kagigising ko lang tapos ganito ang bungad nila. Napaka galing naman.

"Ikaw ay hindi nakakaramdam ng takot." Manghang-mangha niyang aniya na tinaasan ko lang kilay. Hindi naman siya nakakatakot e.

"Sabihin mo, bakit kaya?" Tangang tanong niya. Inirapan ko siya dahil may patanong tanong pa siya nakabusal naman ako. Paano ako makakasagot?

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa napa '0' siya ng mapagtantong nakabusal nga pala ako ng tape sa bibig kaya ang tahimik ko.

"Pasensya na, nakalimutan ko." Tawa niya saka walang ingat na tinanggal ang tape na busal sa bibig ko kaya napahiyaw ako. Kung hindi lang siya matanda baka namura ko na to e.

"Hindi ka naman po nakakatakot e. Nakakasuklam pwede pa. Ang pangit mo e, masama pa." Walang filter kong sagot sa kaniya pagkatanggal niya sa tape sa bibig ko.

La PeleaWhere stories live. Discover now