KABANATA V.

53 3 0
                                    

Kasalukuyan akong nagsusulat para sa update sa kwentong sinusulat ko. Ilang araw na kasi mula ng huli akong nagsulat at ngayon ay naghihintay na sa update ko ang aking mga mambabasa.

Hindi din maalis sa isip ko yung notebook na napulot namin doon sa dungeon. May mga sulat naman siya pero naka Kastila ang sulat kaya hindi ko din mababasa. Hindi naman kasi ako marunong mag Kastila.

May ibang parte ng notebook na nakasulat sa ibang lenggwahe na sa tingin ko ay baybayin. Sa tingin ko ay nasa isang daang taon na ang tanda nito.

Hindi ko pa din maisip bakit sa akin ibinigay ni kuya guide itong notebook. Sa luma nito imposibleng maging akin ito.

Naisipan kong isearch sa google ang ilang parteng nakasulat sa Kastila.

Estoy feliz de tenerte conmigo aunque sea por un momento de mi vida.

definiste mi compleja personalidad.

Puede que no sea tu primer amor, pero me basta con sentir que me amas tanto como yo a ti.

Que te permitan volver a ser feliz como debes sentirte incluso cuando ya no esté a tu lado. Adiós.

Cuando nos volvamos a encontrar, mi amor.

(Masaya akong nakasama ka kahit saglit sa aking buhay.

Binigyang kahulugan mo ang masalimuot kong pagkatao.

Hindi man ako ang una mong pag-ibig ngunit sapat na sa aking maramdamang minamahal mo ako tulad ng pagtangi ko sa iyo.

Nawa'y pagbigyan ka nilang sumaya muli tulad ng nararapat mong maramdaman kahit wala na ako sa iyong tabi.

Paalam na. Sa ating muling pagkikita, mi amor.)

Hindi ko napigilan ang aking luhang bigla na lang pumatak ng tuloy-tuloy ng mabasa ko ang huling parte ng pahina. Isang liham pamamaalam pala ang parteng iyon. Ang salimuot naman ng wakas ng pag-ibig ng kung sino man ang nagmamay-ari nitong lumang notebook na ito.

Tagos hanggang buto ang nararamdaman kong sakit sa nabasa kong pamamaalam. Parang iyong namamaalam ka hindi dahil nais niya iyong gawin, ngunit dahil kailangan.

Kailangan ko bang hanapin ang may-ari nito? Pero baka patay na iyon ngayon lalo at sa dungeon ng Fort Santiago namin natagpuan itong notebook kagabi.

Napag-isipan kong itabi na lamang muna yung notebook at bumalik na lang sa pagsusulat dahil kailangan ko na talagang mag-update ngayon pero hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa ginagawa ko ay may kumatok na sa kwartong tinutuluyan namin ni ate.

"Yanie, meryenda ka muna. May dalang peanut butter sila mama iyon palaman niyan. Anong gusto mong inumin? Juice o milk?" Napalingon ako kay kuya Stephen na may dalang dalawang peanut butter sandwich na paborito ko.

La PeleaWhere stories live. Discover now