KABANATA XVII

28 1 3
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Luciano.

Kinakabahan ako sa totoo lang at kanina pa din ako pinapatawa nila Lorena at Augusta para pakalmahin ako. Dumalaw na rin kanina rito si Gisella para i-cheer up ako kasama ng kapatid niyang lalaki na ang pangalan ay Carlos. Nagpapasalamat ako dahil nandito sila ngayon at may katulad nila na nagpapakalma sa akin sa mga ganitong pagkakataon.

Ilang sandali pa kaming nagkakatuwaan sa loob ng aking silid ng may kumatok na sa pinto at niluwa niyon ang isang guardia civil.

"Magandang umaga Señorito, Señorita. Nasa baba na po ang kalesa na sasakyan ng Señorita Marianna." Aniya nito saka isa isang lumabas na ang mga kasama ko sa silid na ito. Tumayo na rin ako mula sa harap ng aking vanity mirror.

Dumating na rin si Tiyang Anita na siyang maghahatid sa akin sa altar mamaya. Masuyo niyang hinawakan ang aking nanlalamig na mga kamay saka ako nginitian na tila sinasabing magiging maayos din ang lahat. Napangiti na rin ako kahit kinakabahan pa rin.

Nang makasakay na kami sa kaniya-kaniyang kalesang maghahatid sa amin sa simbahan ay siyang pagsisimula ng pagpapatakbo ng mga kutsero sa mga kalesa. Humihinga ako ng malalim para pawalain ang kabang aking nararamdaman. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa hindi ko namalayang nasa simbahan na kami ng San Agustin.

Sa simbahan ng San Agustin ginusto ni Luci na gawin ang kasal dahil nandoon ang kaibigan niyang pari at doon niya ako unang dinala pagkatapos ng pagdalaw namin sa puntod ng mga magulang ko. Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas mula ng mangyari ang lahat ng iyon. Hindi ko namalayan.

Binuksan ng kutsero ang pinto ng kalesang sinasakyan ko. Hindi pa ako nito pinapababa dahil nagmamartsa pa ang mga groom's men, best man, sponsors, ang groom, mga flower girls, bride's maid at ang maid of honor ko na si Lorena. Pagkatapos niyon ay kami na ni Tiyang na abot langit ang kilig. Mas kinilig pa kaysa sa amin ni Luci na siyang ikakasal.

"Tara na aking pamangkin." Aya niya sa akin saka nila ako inalalayan. Napangiti ako ng makita ang unang naging kaibigan ko sa simbahang ito at ang may lihim na pagtingin kay Augusta na si Alonzo. Kumaway ito at binabati ako sa aking kasal. Tumango lang ako rito saka ngumiti.

Huling nagmartsa si tiyang Anita na pumwesto sa kalagitnaan ng isle para abangan ako para ihatid sa aking mapapangasawang si Luciano.

Pagkabukas ng pinto ng simbahan ay nasa akin ang lahat ng atensyon nila. Ang lahat ay nakangiti at halatang excited sa mangyayaring kasal. At ang iba naman ay seryoso lang o di kaya'y hindi natutuwa dahil gusto nilang sila ang ikasal sa gobernador heneral Luciano pero pasensyahan na lang kasi ako ang napili ni Luci at hindi sila. Di hamak naman kasing mas maganda ako sa kanila e. Ang hangin ko ngayon pansin ko.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang altar. Palapit sa lalaking hindi ko akalaing pakakasalan ko. Palapit sa lalaking hindi ko inaasahang makikita at makikilala ko.

Naalala ko sa panahon namin, hanggang pangarap o libro na lang ang tingin namin sa mga lalaking handang ibuwis ang buhay nila para sa taong mahal nila. Kumbaga pangarap na lang ang makakita ng lalaking mala fictional character. Pero ngayon, ang masasabi ko ay hindi lang siya sa fiction nangyayari.

Ang pag-ibig ay makapangyarihan. Kaya niyang manipulahin ang lahat ng matatamaan niya. Ang pag-ibig ng lalaking tauhan sa kwento ang naging batayan namin noon sa kung paano mag alaga ang isang totoong mapagmahal na lalaki. Hindi ko alam na pag-ibig din ang magbubukas ng mata ko sa reyalidad na meron pa rin talagang ganu'ng klaseng lalaki sa mundo. Isang patunay si Luciano doon. Ang masaklap nga lang ay nasa maling panahon kami-- ako lang pala.

Hindi ito ang panahon ko. Nasa hinaharap ang panahon ko at ako ngayon ay nasa nakalipas na. Nandito ako ngayon sa isang sitwasyong inaamin kong ginugusto ko dahil may pagtingin na ako sa kaniya pero alam kong mali dahil masasaktan ko lang sya pag nawala na ako rito at bumalik na ako sa totoong panahon ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

La PeleaWhere stories live. Discover now