Chapter Eight

6.4K 144 2
                                    

Chapter Eight

  “So, how was your day?” bungad na tanong ni Marlo sa kanya ng makapasok silang dalawa sa kotse nito. It was their tenth day as a couple and everything was fine between the two of them. Sa loob ng mahigit dalawang linggo nilang pagsasama bilang magkasintahan ay hindi na sila nagkakailangan. Araw araw silang lumalabas and he always never fail to make her smile during those days.

  Noong nakaraang araw ay nakilala na rin ito ng kuya Bernard nya dahil na rin sa madalas nitong pagpunta sa Hacienda. Tulad ng inaasahan nya ay pinaulanan sya nito ng pang aasar pero ayon naman dito ay masaya ito para sa kanya. Kung alam lang sana nito ang tunay na pinag ugatan ng relasyon nila ni Marlo…

   Ang hindi nalang nya mawari hanggang ngayon ay ang pagbilis ng tibok ng puso nya kapag kasama ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya mapigilan ang pamumula kapag naaalala niya ang ginawang paghalik nito sa kanya. Why the heck she’s feeling this way? It’s been a while since she felt this feeling. Ang huling beses nyang makaramdam ng ganito ay noong buhay pa si Adrian. Is it possible that…

   Ipinilig nya ang ulo dahil sa ideyang pumasok sa isip. It isn’t possible. Pagkatapos ng isang daang araw ay tapos na ang relasyon nila. Kung itutuloy nya ang damdamin na iyon, paniguradong masasaktan lamang sya. Ayaw nyang mangyari iyon.

   “Fine, although nakakapagod sya,” sagot nya rito.

   Alas siete na ng gabi pero ngayon palang sila nagkita ng araw na iyon. Naging abala kasi sya sa pakikipag negosasyon sa mga buyers ng baka nila at sa pakikipag pulong sa mga tauhan ng Hacienda nila.

   “Ah, I see,” anito saka ini-start ang makina ng sasakyan. Pagkakuwan ay pinaandar na nito 'yun. “If that’s the case, let’s go somewhere you can relax.”

   Napangiti sya sa suhestyon nito. Iyon ang isa sa katangian ni Marlo na nagutsuhan nya. He was thoughtful. Palagi nitong iniisip ang kapakanan at makakabuti sa kanya. Sa katunayan, habang tumatagal ay nadidiskubri nyang malayo ito sa impresyon nyang abnormal. Okay naman ito kahit paminsan minsan ay lumalabas ang kayabangan nito.

   “Good idea,” komento nya. “So, where do you plan to bring me?"

   His lips curve into a smile saka saglit syang nilingon, “secret.”

   “Fine,” kunwa’y nagtatampo nyang sabi. “Just make sure na marerelax ako dyan, ah.”

   “Of course, I promise,” anito.

   PINUNO NI Angelica ng malamig na hangin habang nakapikit ang dibdib bago dahan dahang bumuga ng hangin. Dahan dahan nyang iminulat ang mata. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nya ng makita ang tanawin sa harap. Nakakarelax nga ang lugar na pinagdalhan ni Marlo sa kanya.

   Napatingin sya sa binatang nakahiga sa tabi nya ng magsalita ito. “You like it?” tanong nito sa kanya.

   “Yeah, I really like it a lot,” nakangiting sagot nya rito saka muling ibinalik ang tingin sa magandang tanawin. Sobra syang narerelax. Pakiramdam nya ay natanggal ang lahat ng pagod nya.

   Sa mataas na bahagi ng lugar nila sya dinala ni Marlo. Kitang kita mula doon ang iba’t ibang kulay at magagandang mga ilaw sa baba. Kita rin doon ang dagat kung saan sila unang nagdate ni Marlo. Bukod pa doon ay napakaganda ng replekyson ng bilog at maliwanag na buwan sa dagat na kitang kita ngayon dahil hindi maulap. Nakakatuwa din tignan ang mga maliliit at kumikislap na maraming bituin na animo’y mga glitters na nagkalat sa langit.

   “That’s good to hear,” anito sa kanya. “Come, humiga ka rito sa tabi ko. Let’s watch the stars together.”

   Hindi na nito hinintay pa ang sagot nya. Hinawakan nito ang pulsuhan nya saka hinila sya nito pahiga. Dahil sa ginagawa nito ay napasubsob sya sa dibdib nito. She could smell his masculine scent mixed with perfume he used.

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now