Chapter Eleven

7K 165 3
                                    

Chapter Eleven

   Nanghihinang napaupo si Angelica sa gilid ng lababo matapos nyang maiduwal ang mapait na likido mula sa kanyang tiyan. Nahihilo din sya at hirap syang tumayo ng tumuwid. Ganito pala ang pagbu-buntis. Mahirap pala talaga.

   Yes, she was three weeks pregnant. Isa sana ito sa mga surpresa nya kay Marlo nung pinuntahan nya ito. But it turned to another way around. Sya pala ang sosorpresahin nito. Bigla nanamang bumigat ang pakiramdam nya sa dibdib dahil sa naalala.

   Naradaman nyang may marahang humagod sa likod nya. Napangiti sya nang makita kung sino iyon. “Auntie Hanna…”

   Ngumiti ito sa kanya. “Are you alright?”

   Pinilit nyang ngumiti dito saka tumago.

   Auntie ni Madilyn si Auntie Hanna. Bunsong kapatid ito ng mama ni Madilyn. Menopause baby ito at apat na taon lang ang tanda nito sa kanila kaya naman kasundo nila ito ni Madilyn. Sa isang ampunan na pag aari nito sa Maynila ito naninirahan ngayon. Ibig sabihin, nasa Maynila sya ngayon.

   Sinunod nya kasi si Madilyn nang i-suggest nito sa kanya na magpakalayo muna para magkaroon sya ng panahong magpahinga at makapag isip. Ito na rin ang nagprisintang sa auntie sya nito manuluyan. Ito na rin ang naghatid sa kanya doon. Dalawang araw syang sinamahan nito doon pero pagkatapos nun ay bumalik din ito sa Iloilo dahil may kailangan itong asikasuhin. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil mababait naman ang mga tao doon.

   Iniwan naman nya kay Mang Cancio ang pagpapalakad sa Hacienda. Mapagkakatiwalaan naman ito. Saka wala namang masyadong gagawin ngayon doon dahil tinapos na nya ang lahat bago sya umalis. Nakausap na din nya ang mga tauhan nila sa mga kompanya nila. Binilinan na nya ang mga ito ng mga dapat gawin habang wala sya. Madalas nalang nyang tinatawagan ang sekretarya nya upang kamustahin ang kompanya.

   Medyo nahirapan lang sya sa pagpapaalam sa kuya Bernard nya. Kinailangan pa kasi nyang magsabi ng totoo dito. Nagalit ito at muntik ng sugurin si Marlo. Mabuti nalang ay napigilan nya ito at napapayag na 'wag nalang makialam. Hindi nya nga lang sinabi dito kung saan sya tutuloy.

   “Come,” narinig nyang sabi ni auntie Hanna. Marahan syang tinayo nito at dinala sa kwartong ipinahiram nito sa kanya. Inalalayan sya nito hanggang sa paghiga nya sa kama. “You should take a rest. Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka.”

   “Opo. Salamat, Auntie Hanna,” nakangiting aniya rito.

   Gumanti ito ng ngiti saka tumabgo bago lumabas.

   Nang tuluyan na itong makaalis, tumagilid sya ng higa saka pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Naalala nanaman nya si Marlo. Marahan nyang hinaplos ang wala pang umbok nyang tiyan.

   “Ano sa tingin mo, baby? Tama ba ang sinabi ng daddy mo na masama akong babae? Sorry kung ganito si Mommy, baby. Pero kahit ganun, wag kang mag alala. Mamahalin kita at proprotektahan para di mo maranasan ang mga naranasan ko.”

   MARAHANG INILAPAG ni Marlo ang isang tasa ng kape sa mesa sa bandang katapat ni Danica. Sunod naman nyang inilapag ang isa pang tasa sa mesa sa bandang tapat ng upuan inokupa nya.

   “Salamat,” ani ni Danica. Dinampot nito ang tasa at uminom.

  “Ano nga pala ang ipinunta mo dito?” tanong nya saka humigop din ng kape.

  Tumikhim ito saka sumeryoso ang anyo. “Actually, I’m here for my sister.”

  Maang syang napatingin dito. Hindi lingid sa kaalaman nya na may hindi pagkakaintindi ang dalawa. Nabanggit iyon minsan sa kanya ni Angelica pero hindi na nito sinabi ang dahilan. Ano naman kaya ang pakay ni Danica ngayon?

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now