EPILOGUE

8.9K 225 24
                                    

EPILOGUE

“Sige po, misis, iri lang po,” utos ng doctor sa kanya.

“AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!”

“M… Mar.. lo.. Maaaaaaaaaarloooooo!”

“Yes heart? Bakit? Kaya mo pa ba? Alam kong kaya mo yan. You’re a strong woman right?” natatarantang sabi naman ni Marlo habang hawak ang kamay nya.

Noong una talaga, hindi pinayagan si Marlo na pumasok sa delivery room. Pero masyado itong mapilit kaya wala ng nagawa pa ang mga doctor kundi ang papasukin ito. Bakas sa mukha nito ang nerbyos at kaba bagamat may excitement din doon.

“H-hindi ikaw ang p-pinapa iri ng doctor kaya manahimik k-ka!” singhal nya rito saka muling umiri. Nararamdaman na nya na palabas na ang bata.

Napakamot naman ng ulo si Marlo. “S-sorry na, heart. Kinakabahan kasi ako eh. Hindi ko mapigilan.”

Napangiti nalang ang mga doctor at nurse na nandoon sa inasal ng asawa nya.

Months ago ay kinasal sila ni Marlo. Disyembre kinasal sina Bernard at Ehrie samantalang Pebrero sila kinasal ni Marlo kaya naman hindi maituturing na sukob ang kasal nila.

Marlo had been a good husband to her kahit pa madalas ay nababato nya ito ng kung anu-ano. Ito kasi ang pinaglilihian nya. She’s glad na napagtyagaan nito ang tantrums nya. Nagawa pa nga sya nitong kantahan almost every night.

Nagkaayos na din sila ng ate Danica nya. Ipinaliwanag ni Marlo ang mga napag usapan nito at ni ate Danica. Naliwanagan sya dahil dun and then she realized na she missed her sister. Agad nya itong tinawagan at humingi ng tawad. Ganun din ito sa kanya kaya naman nagkaayos na sila. Nagkaroon na rin sila ng ‘sister bonding’ ng minsang umuwi muli ito sa Pilipinas. Excited na nga daw itong makita ang unang pamangkin nito. Nakatakdang bumalik uli sa Pilipinas si Danica next next month para sa binyag ng anak nila.

Si Kuya Bernard at ate Ehrie naman nya ay masaya din sa buhay mag-asawa. In fact, may hinala na silang magkakaroon na ng pinsan ang anak nila ni Marlo.

Natigil si Angelica sa pag iisip nang maramdaman ang lalong maramdaman ang sakit. Muli syang umiri ng mas malakas. Gusto din nya matawa 'nung oras na iyon dahil sumasabay sa iri nya ang pagsigaw ni Marlo dala ng niyerbos nito. Hindi lang nya magawa dahil nga may nararamdaman syang masakit.

Hindi nagtagal ay matagumpay nyang napanganak ang panganay nila ni Marlo. Agad naman syang nakatulog pagkatapos nun dahil sa pagod. Pero bago tuluyang pumikit ay narinig nya ang pag iyak ng baby nya at nakita nya ang mukha ni Marlo na animoy nanalo sa lotto dahil sa sobrang kasiyahan.

NAGMULAT si Angelica ng mata. Nakita nya si Marlo sa tabi nya. Nakangiting nakatitig ito sa sanggol na karga nito kaya hindi agad nito napansin na gising na sya. Natutuwa sya sa kasiyahan na nakikita nya sa mata nito. It feels so good na makita ang mag ama nyang ganoon.

“Marlo…” tawag pansin nya dito.

Bumaling ito sa kanya. “Heart, gising ka na pala. Are you okay? Tignan mo ang baby natin, oh. Magkamukha kami, diba? Pareho kaming gwapo.”

Napangiti sya ng makita ang baby boy nila. Gusto nyang maiyak ng makita ito. Sobrang saya ang nararamdaman nya. Ang gaan ng pakiramdam nya habang tinititigan ang baby nilang tulog.

At tama si Marlo. Magkamukha nga sila ng baby boy nila na napagkasunduan nilang pangalanang Adrian Angelo. Obviously, ipinangalan nila ito sa taong naging mahalagang bahagi ng relasyon nila at ang Angelo naman ay mula sa pinagsama nilang pangalan.

She was so blessed. Mayroon na syang mapagmahal, gwapo, at mabait na asawa saka isang cute na cute na anak. What else could she ask for? She had more than enough.

“Hindi kaya. Mas gwapo si Adrian Angelo sayo,” sagot nya kay Marlo.

Nagpout naman ang huli kaya natawa sya. “Sige na nga, pareho na kayong gwapo.”

“That’s more like it,” anito saka mabilis syang ginawaran ng mabini at mabilis na halik sa labi. Pagkatapos ay pareho nilang tinitigan ang anak at kinausap ito kahit pa alam nilang hindi pa sila naiintindihan nito.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga kamag anak at kaibigan nila. Agad na pinagkaguluhan ng mga ito ang anak nila. Natawa pa sila nang magtalo pa sina Annalyn at Madilyn kung sino ang unang bubuhat kay Adrian Angelo.

Ah! She was really blessed. She couldn’t ask for more.

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now