Dedicated kay Ate redheart_11. Pansin ko kasing ang sipag nyang magvote sa mga story ko :) Touch ako. Salamat ate! Muaaaaaaaaah! :*
_________________
Chapter Five
“What?!” di makapaniwalang bulalas nya. “C’mon, Mr. Paliza. You can’t be seious. Please naman, wag mo akong pagtripan. Be serious, will you?”
“Calm down, ms. Del Carmona,” anito saka bumalik at umupo muli sa sofang inookupahan nito kanina. “I’m serious and I mean what I had said.”
“A hundred days with you? What do you mean?” Pilit na pinapakalma ang sarili na tanong niya rito. Bagamat alam nya ang ibig nitong sabihin, nais pa din nyang makasiguro.
“Simply, we just have to be couple for one hundred days. Yun lang,” cool na sabi nito na tila kung ano lang ang hinihiling nito.
Narinig nyang tumikhim si Madilyn. Nilingon nya ito. Pati si Marlo ay napatingin dito. “Ahm, Marlo, kung gusto mo ako nalang ang magiging girlfriend mo for more than one hundred days,” malapad ang ngiting sabi nito.
“Madilyn…” saway nya sa himig na may pagbabanta. “Umayos ka nga.”
Bumaling sya kay Marlo, “Mr. Paliza, hindi ko alam kung ano ang trip mo sa buhay and I don’t have time para patulan pa ang trip mo.”
Ngumisi muli ito, “Akala ko ba you’ll do anything para sa ikabubuti ng business mo?”
“I do,” agad niyang sagot. “Pero tulad ng sinabi ko sayo, wala akong oras para patulan ang mga trip mo. I don’t want to waste my time with your nonsense. So if you don’t mind, aalis na ako. Thank you for your time and hospitality. Goodbye, Mr. Paliza.”
Agad niyang dinampot ang shoulder bag nya sa sofa. Pumihit sya patalikod at nagsimula na syang magmartsa palabas ng cottage nang marinig nyang tinawag sya ni Madilyn.
“Sandali lang, Angel. Paano na ang pagbili mo sa farm?” tanong nito.
“Marami pang ibang coffee farm dyan. Hahanap nalang ako ng pwedeng bilhin,” sagot nya ng hindi lumilingon dito. Patuloy lang sya sa pag martsa hanggang sa tuluyan na syang makalabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/2409269-288-k443714.jpg)
YOU ARE READING
Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )
Teen FictionLove and Revenge. Ano nga ba ang mahalaga? Posible nga bang mainlove ka sa taong pinaniniwalaan mong may malaking kasalanan? Hmmmm... Pwede nga ba? Ü Highest Rank: #335 in Teen Fiction Salamat po! :) (03-06-16)