Chapter Nine

6.5K 142 4
                                    

Chapter Nine

  Nag aalinlangan na napatingin si Angelica kay Marlon g yayain sya nitong sumakay sa kabayo. Hindi nya alam kung paano nya tatanggihan ang alok nito sa kanya.

  “What now?” tila nauubusang pasensya na tanong nito sa kanya. “Hey! Don’t tell me na hindi ka marunong sumakay ng kabayo. C’mon, isa ka pa namang Haciendera.”

  Nagpanting ang tenga nya sa sinabi nito. Kasabay niyon ay ang pag init ng kanyang ulo. “Bakit, mamamatay ba ako kapag hindi ako natutong mangabayo? At ano naman kung haciendera akong hindi marunong mangabayo?”

   Totoong hindi sya marunong mangabayo. Noong bata naman sya ay tinuruan sya ng kanyang ama na mangabayo. Kaso lang, habang nag aaral sya, bigla nalang nagwala ang kabayong sinasakyan nya ng biglang kumulog ng malakas. Nahulog sya. Muntikan pa syang matapak tapakan ng nagwawalang kabayo noon. Mabuti na lamang at nakuha agad sya ng kanyang ama. Ilang araw din syang namalagi noon sa hospital dahil napilayan sya sa pagkakalaglag. Bukod pa roon ay hindi rin biro ang pinagdaanan nyang depresyon.

    At mula noon, hindi na sya nagtangka pang sumakay ng kabayo.

    Inirapan nalang nya ang binata at akmang tatalikuran ito pero naging maagap ito sa pagpigil sa kanya. Hinawakan sya nito sa braso para pigilan sya.

    “Angelica, wag ka nang magalit. Nagbibiro lang naman ako eh,” nagsusumamong sabi nito sa kanya. Hindi man nya gusto pero nawala agad ang inis nya rito ng makita ang nagsusumamong mata nito. “I’m sorry.”

    “Marlo, I’m scared,” nakayukong bulong nya dito.

    “Ha?”

    “I said, I’m scared,” pag uulit nya sa sinabi pero sa pagkakataon na iyon ay diretso nya itong tinignan sa mata. Inilahad din nya dito ang mga naging karanasan nya noon kaya natakot na sya sa pagsakay sa kabayo.

    Bigla sya nitong kinabig paloob sa yakap nito pagkatapos nyang magkwento. “Shh… Don’t worry, heart. Nandito ako, hindi kita pababayaan masaktan. Tatanggalin ko ang takot mo sa pagsakay sa kabayo.”

    “But… but…” tangkang protesta nya pero hindi nya maituloy. Kahit kasi natatakot sya, a part of her wants to obey him.

    Bahagya syang inilayo nito saka hinawakan ang magkabilang balikat nya. Pagkatapos ay mataman syang tinignan sa mata. “Trust me, Angelica. Hindi ko hahayaang masaktan ka, I promise.”

    Para syang nahihipnotismo habang nakatingin sa mata nito. She can see determination and sincerity in his eyes. Natagpuan nalang nya ang sariling pumayag sa sinabi nito.

    Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito, “great! Then, let’s go.”

    Kinuha nito ang isang puting kabayo na pag aari nila. Pinauna syang sumakay nito doon. Inalalayan sya nito sumakay bago mabilis na sumunod sa kanya. Noong una ay natatakot sya pero nabawasan din iyon ng maramdaman ang paglapad ng malapad na dibdib ni Marlo sa likod nya.

    Inaamin nyang gusto nya ang pagkakalapat ng dibdib nito sa likod nya. Gusto nya ang sensasyong dulot 'nun at ang pakiramdam ng seguridad na tila ligtas sya sa kahit anong kapamahakan.

   Nang patakbuhin ni Marlo ang kabayo, nanumbalik ang takot nya pero napalis din iyon dahil sa paulit ulit na pagbuglong ni Marlo sa kanya na hindi nito hahayaang masaktan sya. Naniniwala sya sa sinabi nito.

   Nilibot nila ang buong Hacienda sakay ng kabayo. Nang alas sinko na ng hapon ay naisipan nilang sa burol pumunta. Itinali lang ni Marlo ang kabayo sa isa sa mga puno dun bago sila umakyat ng magkahawak ang kamay sa tuktok ng burol at naupo dun. Magkasama nilang pinanood ang paglubog ng araw.

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon