Chapter Twelve

7.6K 163 5
                                    

Chapter Twelve

Nanghihinang napaupo si Marlo sa kalsada habang nakatitig sa nakasarang gate nina Madilyn. Hindi nya alintana ang malakas na buhos ng ulan at malamig na ihip ng hangin. Tatlong araw na syang nagpapabalik balik kina Madilyn.

Dito nya kasi tinatanong kung nasaan si Angelica. Ito nalang ang pag-asa nya para mahanap ang huli. Tatlong araw nan yang tinatanong ito at tatlong araw na din nitong pinagkakait ang sagot. Naiintindihan naman nya ito. Natural lang na magalit ito sa kanya dahil sinaktan nya ang bestfriend nito.

Pero hindi sya sumusuko. Sa loob ng tatlong araw, sa tapat ng bahay nito nya inilalagi ng matagal ang sarili. Umaga syang aalis ng cottage nya at gabi na kung umuwi. Wala syang pakialam kahit malipasan sya ng gutom. Nagbabakasakali sya na magbago ang isip ni Madilyn at sabihin na sa kanya ang whereabouts ni Angelica.

Kulang na lang ay sa tapat ng bahay nito sya matulog.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nito sinasabi sa kanya ang kinaroroonan ni Angelica. Maghihintay nalang sya uli sa harap nito.

Madalas ay nakatayo sya sa paghihintay, pero ngayon, hindi nya mapigilang mapaupo. Sobrang nanghihina na sya. Nararamdaman nya ang pagkulam ng tyan nya dahil tatlong araw na syang walang matinong kain. Bukod pa dun ay nanginginig na sya sa lamig dahil kanina pa sya basa ng ulan.

Kung bakit naman ba kasi umulan pa ngayon?

Maya maya ay napansin nyang parang nanlalabo na ang paligid nya. Kasabay 'nun ay ang pagbigat ng talukap ng mata nya at lalong panghihina nya. Hindi nagtagal, everything went black.

ANG MUKHA ng ate Annalyn nya ang unang nakita ni Marlo nang imulat nya ang mukha. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya habang nakatingin sa kanya.

“Are you alright? How are you feeling? Are you hungry?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Lihim syang napangiti. Kahit kailan talaga ay maalalahanin ang ate nya.

Kahit nahihilo ay pinilit nyang umupo. Bago sumagot ay inilibot muna nya ang tingin sa paligid. Nasa kwarto na pala sya ng cottage nya. Bumaling uli sya sa kapatid saka tumango, “Yeah, I feel better now. I’m just a little hungry. Anyway, pano ako napunta dito?”

“Tinulungan ako ni Aaron na buhatin ka dito. Pumunta kasi ako dito para dalawin at kamustahin kayo ni Angelica. Kaso hindi kita naabutan dito. Tinanong ko si Aaron kung nasaan ka, then sabi nya, na kina Madilyn ka. Hindi ko sya kilala so I asked Aaron to take me kung saan man 'yun. Then, naabutan ka namin dun, unconsciously lying down,” anito. “Now, tell me what happened at kung ano ang ginagawa mo dun?”

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan nya saka nagsimulang magkwento sa ate nya. Sinabi nya rito mula sa pagbabalak nyang paghihiganti kay Angelica hanggang sa mahuli sya nito at ang mga kinuwento ni ate Danica sa kanya, at pati na rin ang ginagawa nya sa tapat ng bahay ni Madilyn. “But believe me, ate. Pinagsisihan ko na iyon. And all I want now is to have them back. I can’t bear another day without them,” malungkot nyang dagdag sa kwento.

Natigilan naman si Annalyn. “W-what do you mean t-them?”

“Angelica’s pregnant. Dinadala nya ang anak naming,” he replied.

“How dare you, Marlo! Inunahan mo pa talaga akong magka-anak, ah!” ani ng ate nya saka sumeryoso. “But seriously, little brother, I admit na I was disappointed to you. Angelica is a nice girl kaya naiinis ako sa ginawa mo sa kanya. Pero naiintindihan ko kung bakit mo yun nagawa. Isa pa, obviously, nagsisisi ka na nga. Hindi mo gagawin 'yang mga ginagawa mo kung hindi. Promise me, you’ll going to find and make up to her. Ayokong lumaking bastardo ang pamangkin ko.”

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz