FINALE

7.2K 154 4
                                    

FINALE

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Angelica habang nakatingala sa altar at nakaluhod sa luhuran na inilaan talaga para sa mga nagsisimba. Tahimik nyang pinapanalangin na sana ay tama ang gagawin nya ngayong araw. Wala sa sariling napahawak sya sa tiyan.

Ngayon ang ikapitong araw na ibinigay nya kay Marlo. Huling araw na at sasabihin na niyang tinatanggap na nya ito. Sasabihin nyang mahal nya ito at napatawad na nya ito kahit pa matagal na nyang nagawa iyon.

Nitong nagdaan na anim na araw ay nagustuhan at natuwa sya sa mga ginawa nito. He proved that he really loves her, and this time, it was for real.

“Hi Angelica,” anang ng isang pamilyar na tinig mula sa kanyang likuran.

Pumihit sya patalikod para harapin ito. “Bryan,” nakangiti nyang bati dito.

He was wearing white tuxedo with red necktie, and black slacks. On the other hand, she was wearing a white tube dress with red flowers hem. Lagpas iyon ng tuhod nya at tinernuhan nya iyon ng white doll shoes na may red ribbon sa gitna.

Iyon ang suot nila dahil iyon ang dapat suot ng mga abay.

Kasal na kasi ngayon ng kuya Bernard at ate Ehrie nya. Hinihintay nalamang nila ang bride habang ang groom ay halatang kinakabahan kahit pa abala sa mga bisitang bumabati dito.

Umupo sya sa upuan. Tumabi naman agad sa kanya ang binata.

“Kamusta ka na? Nangangayayat ka yata ngayon?” anito. Kababakasan ng pag aalala ang boses nito.

“Don’t worry about that. I think normal lang yan sa kalagayan ko,” nakangiting sagot nya.

“What do you mean? Are you sick?” Nakakunot noo na ito.

Marahan syang umiling, “nope. Actually, I’m pregnant.”

Hindi nakaligtas sa kanya ang panlalaki ng mata nito. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat. “No Kidding?”

She chuckled. “No kidding. Hindi ba nabanggit ni kuya sayo?”

Umiling ito. “We’ve been busy this past days so bihira makapag usap. And usually, about sa wedding ang bukambibig ng kuya mo. Hindi nya nabanggit na magkakaroon na pala sya ng pamangkin. Anyway, who’s the lucky guy?”

“He’s Marlo Paliza. Sya 'yung may ari ngayon ng coffee farm dati ni ate Aivie.”

“Hmm. His name sounds familiar,” tumango tango pa ito. “Do you really love him?”

“Of course,” mabilis at puno ng siguridad nyang sagot.

“I see,” anito saka nakangiting tumingin sa kanya. “It seems wala na talaga akong pag asa sayo.”

Hinampas nya ang balikat nito na sinagot nito ng tawa. “But seriously, Angelica, congratulations to you.”

“Thanks,” nakangiti nyang sagot. “Pero hindi dapat ako ang i-congratulate mo. Sina Kuya Bernard at Ate Ehrie ang ikakasal.”

“I know, but I still want to congratulate you. Soon, you’ll be mommy,” anito saka tumayo. “Well, let’s go. Baka parating na ang bride.”

As if on cue, nilapitan sila ng wedding organizer. Sinabihan sila nitong pumila na sa labas ng simbahan para masimulan na ang kasal. Dumating na daw kasi ang bride.

Agad naman silang tumalima para masimulan na ang seremonyas.

Di nagtagal ay nagsimula na ang kasal. Kumapit sya sa braso ni Bryan habang naglalakad sila. Nang makarating sa harap ay naghiwalay sila at nagtungo sa pwestong inilaan sa kanila. Maya maya pa ay ang maid of honor na si Ally, at ang best man na si Chico ang sumunod. Then after a while, here comes the bride.

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant