Chapter Three

6.9K 144 3
                                    

This is dedicated to my Unnie ^_____^


Chapter Three

  Napatigil si Angelica sa pagbabalik tanaw nang maramdamang nagba-vibrate ang cellphone nya. Tinignan nya ang caller.

   Ang kuya Bernard nya.

   Agad nyang sinagot iyon.

  "Kuya?" bungad nya.

  "Angelica," anito. "Nasaan ka?"

  "Nagpahangin lang," pagsisinungaling nya. "Bakit?"

  "Sasabihin ko lang na aalis ako. Baka kasi hanapin mo ako pag uwi mo."

  "Saan ka ba pupunta?"

  "Ah, aasikasuhin lang namin ni Ehrie yung ilang kailangan sa kasal."

  Napangiti sya sa narinig. Masaya sya para sa kuya Bernard at Ate Ehrie nya. Akalain mong sa kabila ng bangayan ng mga ito ay magiging ang mga ito pa. Natutuwa sya dahil kahit na matindi ang pinagdaanan ng mga ito ay nalagpasan pa din ng mga ito.

  Alam nyang madami pang pagdadaanan ang mga ito, pero naniniwala syang lahat ay kayang lagpasan ng mga ito dahil mahal nila ang isa't isa.

  Sana ganun din sila ni Adrian...

  Sana ay nanatili silang matatag nun...

  Edi sana ay magkasama pa din sila ngayon at marahil ay ikakasal na din silang dalawa o di kaya ay naikasal na sila ngayon.

  Ipinilig nya ang kanyang ulo. Hindi sya dapat nag iisip ng ganun. Lalo lamang nyang sinasaktan ang kanyang sarili.

  "Ok, kuya. Mag iingat kayo ni ate Ehrie. Pauwi na din ako," aniya rito bag magpaalam at binaba ang cellphone.

  Bumaling muli sya sa puntod ni Adrian, "Ikakasal na si kuya Bernard, Adrian. Akalain mong ikakasal din pala ang isang iyon?"

  Marahan syang tumawa.

  "Kung buhay ka pa kaya, tingin mo ba ay kasal na tayo?"

  Hindi nanaman nya napigilan ang luha na kumawala sa kanyang mga mata. Mahina syang napahagulgol.

  Hanggang ngayon ay masakit pa din sa kanya ang pagkawala ni Adrian sa kanya.

  Bigla ay umihip ang mabining hangin. Pakiramdam nya ay may yumayakap sa kanya ng mga oras na 'yon. Naghatid iyon sa kanya ng kaginhawaan.

  Imbis na matakot ay napangiti pa sya.

  Alam nyang si Adrian ang may kagagawan nun. Naalala pa nya na noon ay sinabi nitong ayaw nitong nakikita syang umiiyak dahil nahihirapan at nasasaktan daw ito kapag nakikita sya nitong ganun. Sinabi pa nga nitong kapag namatay na daw ito at umiiyak sya ay magmumulto ito upang patahanin sya.

  At mukhang tinotoo nga nito ang sinabi.

  Pinunasan nya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Muli ay bumaling sya sa puntod ng dating kasintahan, "Ikaw ha? Tinotoo mo nga ang sinabi mo sa akin noon. Talagang nagparamdam ka sa akin, ah? Pasensya na kung umiyak ako. Alam ko namang ayaw mo na makita ako na ganito. Hindi ko kasi napigilan eh. Pero 'wag kang mag alala. Pangako, mas magiging matatag at malakas ako. Hindi na ako iiyak uli."

  Muli ay naramdaman nya ang pag ihip ng mabining hangin. Pero this time ay hindi na yakap ang naramdaman nya kundi halik na sa kanyang pisngi.

  Lalong lumuwag ang pagkakangiti nya.

  Kapagkuwa'y tumayo na sya at pinagpag ang pang upo nya. Humarap sya sa puntod at tinitigan ito ng ilang sandali bago muling nagsalita, "Salamat sa pag comfort, Adrian. Uuwi na ako. Dadalaw nalang uli ako. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo, madalan na akong makakadalaw. Magiging busy na ako dahil may aasikasuhin akong para sa café. Diba nangako ako sa'yon a papatunayan ko sa kanilang lahat na kaya kong higitan si ate Danica?"

  Pagkatapos magpaalam sa dating nobyo ay bumaba na sya sa parting iyon ng sementeryo at agad na tinungo ang parking lot. Lulan ng kanyang light blue land cruiser prado, tinahak na niya ang daan pauwi.

  "TARA NA kasi, Angelica. Kanina pa ako atat na atat na pumunta dun eh," inip na inip na sabi ni Madilyn sa kanya habang pilit syang hinihila nito. Naka pout pa ang labi nito.

  Natawa naman sya sa iginawi ng kaibigan, "Oo na. Sandali nalang 'to, promise. Magbibilin na lang ako kay Mang Tonio."

  Nasa hog farm sila ng hacienda nung mga oras na iyon. May darating kasing mga buyer ng mga baboy nila mamaya. Magbibilin nalang sya kay Mang Tonio dahil hindi nya sigurado kung gaano katagal ang magiging pag uusap nila ng Marlo Paliza na iyon. Hindi nya sigurado kung maaabutan pa nya ang mga buyer nila.

  Tiwala naman sya kay Mang Tonio. Matagal na itong naninilbihan sa kanila kung kaya't alam na niya ang kakayahan nito at naniniwala sya roon.

  Bumaling sya kay Mang Tonio, " Mang Tonio, kayo nap o ang bahala sa mga buyer natin, ah? Galingan nyo po. Pasensya na po kayo kung hindi ko kayo matutulungan."

  Ngumiti si Mang Tonio, "Ala eh, 'tong batang 'to talaga oh. Ayos lang naman iyun, eh. Alam ku na ba ang dapat kung gawin. Ikaw ang dapat ba galingan ang gagawin nang makuha mu yong sinasabi mung kupi farm ba."

  "Sige po, mang Tonio. Mauna na po kame."

  "Alah sige. Mag iingat kau, ineng."

  Napangiti sya sa tawag nito sa kanya.

  'Ineng'

  Hindi sya tinatawag ng mga naninilbihan sa kanila ng 'seniorita' o di kaya naman ay 'madam'. Ayon na din iyon sa kautusan nya. Pamilya na ang turing nya sa mga ito kung kaya't hindi sya pabor sa pagtawag sa kanya ng mga ito ng ganun.

  "Halika na, Angelica. Si Manong Tonio na ang bahala jan," hirit uli ni Madilyn. "Bilis! Excited na akong makita si Marlo!"

  Natawa naman sya sa sinabing iyon ni Madilyn, "halata nga. Osya, tara na nga."

  Agad nilang tinungo ang sasakyan niya. Nang makasakay doon ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan papunta sa coffee farm ni Marlo Paliza.

  SARIWANG HANGIN ang agad na sumalubong kay Angelica nang makababa siya ng sasakyan niya. Narating na nila ang coffee farm.

  Sandaling ipinikit nya ang mga mata at dinama ang sariwang hangin.

  Pagmulat nya ay iginala nya ang paningin sa kabuuan ng farm. Maganda at malawak ang nasabing farm. Halatang maganda at mataba din ang lupang pinagtataniman ng mga kape. Napansin nyang may ilog na malapit dito at marahil ay iyon ang isa sa nakatulong upang maging maganda ang lupa.

  Perpekto.

  Iyon ang masasabi nya sa coffee farm na iyon. Tamang tama ito para sa business nilang café. Sa laki ng farm na iyon ay natitiyak niyang kakayanin nitong mag supply ng kape para sa mga branch ng café nila.

  Lalo tuloy nyang ninais na mabili ang coffee farm na iyon.

  "So, what can you say here?" pukaw ni Madilyn sa kanya.

  "Wonderful," maiksing sagot nya saka naglakad papunta sa cottage na nasa gitna ng farm. Agad namang sumunod sa kanya si Madilyn.

  Nang makarating sya sa pinto ay marahan syang kumatok. Matapos ang ilang sandali ng paghihintay ay bumukas na ang pinto.

  Muntik na syang mapasinghap ng mabungaran ang nagbukas ng pinto.

  Isang lalaki ang bumungad dun.

  "Oh my gosh... Nasa langit na ba ako?" narinig pa nyang mahinang bulong ni Madilyn. Natitiyak nyang katulad nya ay nakatulala na din ito sa binatang nasa harapan nila.

  Ito na ba si Marlo Paliza?


Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now