Chapter One

12.9K 194 12
                                    

Chapter One

Pababa na ng hagdanan si Angelica ng marinig nya ang kuya Bernard nya na may kausap sa telepono. Huminto sya sa ikatlong baiting ng hagdan mula sa baba at pinakinggan muna si Bernard.

"Ate, please naman, bumalik ka na dito. Kailangan ka ng Hacienda at ng mga kompanya," narinig nyang sabi nito.

Agad namang nagdilim ang mukha nya. Nasisiguro na nya kung sino ang kausap ni Bernard.

"Pero ate, k-"

"Stop it kuya Bernard," putol nya sa sasabihin pa sana ni Bernard.

Napatingin naman sa kanya si Bernard at halatang nagulat ito ng makita sya. Sinamantala nya iyon upang lapitan ito at agawin ang telepono mula dito.

"Hi ate," baling nya sa telepono. "Nae-enjoy mo ba ang karma mo?"

Pagak na tumawa si Danica mula sa kabilang linya, "As if you care, Angelica. Eh ang mga kompanya natin, naipabagsak mo na ba?"

Lumalaban pa si Danica ah? Pwes di sya papayag na papatalo dito. "Unfortunately for you, ate, but no. I'm sorry but I'm doing great."

"Oh really?" agad na sabi ni Danica. Nanunuya ang tinig nito. "I've heard from Bernard na until now ay wala pa ding progress ang mga kompanya. Yan ba ang sinasabi mong 'doing great', hmm, Angelica?"

Pinukol nya ng masamang tingin si Bernard. Nag iwas naman ng tingin ang huli.

"You're wrong ate," pagsisinungaling nya. Totoo ang sinasabi nitong wala pang progress ang mga kompanya. Pero hindi sya aamin dito. Hindi sya dapat magpatalo.

"Are you sure that I'm wrong, my dear little sister?" ani pa ni Danica. "Why don't you just accept the fact that I am better than you?"

"Say whatever you want ate Danica. But I'm telling you, hinding hindi kita papantayan," she said with a smile on her face na tila nasisiguro ang mga sinasabi. "Hihigitan kita, ate. I swear. Just wait and see."

"Oh my! I can't wait for it. I'm so excited," sarkastiskong sabi ni Danica saka tumawa. "Why can't you accept the fact that you cannot be like me, Angelica?"

"Of course, I cannot be like you," mabilis nyang sagot. "I will not be like you because I'm better than you. Isa pa, hindi ako naninira ng buhay ng mga taong nakapaligid sa akin, unlike you..."

"Damn you, Angel-" hindi na natapos ni Danica ang sasabihin dahil binaba na niya ang telepono.

Humarap siya kay Bernard, "wag kang tatawag uli kay ate kung tungkol lang naman sa business lang ang sasabihin mo, kuya"

"Hindi mo siya dapat ginaganun, Angelica," sa halip ay sabi nito sa kanya. "Alam kong galit ka sa kanya pero ate pa din natin sya. Utang natin sa kanya ang halos lahat. Sya ang nagtaguyod sa atin at sa mga kompanya. You should be grateful to her."

"Whoa! Grabe, ang swerte ko at ate Danica," she said sarcastically. "Yeah right, Kuya Bernard. Spare me, okay? How the hell can I be thankful sa taong halos sirain na ang buhay ko? Mas gusto ko pa ngang maghirap kesa maranasan iyon. Kundi dahil sa kanya, di mawawala si A-" natigil sya. Sumosobra na yata sya.

Masyado na syang nadadala ng kanyang emosyon.

Mariin syang napapikit saka huminga ng malalim bago tignan muli ang kapatid, "palibhasa kasi hindi ikaw ang nasaktan ni ate Danica kaya nasasabi mo iyan."

Pagkatapos ay nilagpasan nya ito. Sinadya nya pang bangganin ang balikat nito. Naiwan naman na napapailing si Bernard.



"HANGA na talaga ako sa iyo, sis," ani ng pinakamatalik na kaibigan ni Angelica na si Madilyn habang ngumunguya pa. Nasa isang café sila na pag aari nila nang mga oras na iyon at naikwento niya dito ang naging usapan nila ng ate Danica nya dito. "Grabe, ibang iba ka na talaga sa dating Angelica."

"Alam ko," sagot nya matapos humigop sa kape. "At pwede ba, Mads, lunukin mo muna yang cake na nasa loob ng bibig mo bago ka magsalita?"

"Oo na. Sorry po," ani naman ni Madilyn matapos lunukin ang nginunguya.

"Good," nakangiting aniya dito.

"Oo nga pala, so ano na ang plano mo para magkaroon naman ng progress yang mga kompanya nyo?" tanong nito.

"Actually, I'm thinking of buying a coffee farm. Naisip kong mas makakatipid kasi kame kung may sariling farm since café naman ang leading business namin. Isa pa, mas maa-assure namen ang quality ng coffee dahil samin naman galing iyon. So, kung makakatipid kame, it means lang na mas malaki ang mase-save sa pera ng kompanya," mahaba nyang paliwanag saka sumubo sa paborito nyang chocolate cake.

"You know I'm not good when it comes to business. Hindi din ako magaling umintindi nyan but your idea sounds great," komento ni Madilyn saka humigop sa coffee jelly nito. "So, saang coffee farm ang balak mo?"

"Iyan na nga ang problema ko ngayon eh. Wala pa akong maisip."

"Ganun ba," ani Madilyn saka nag isip. Maya maya ay nagliwanag ang mukha nito at napapitik pa. "Ah! I know! Remember ate Aivie?"

"Of course, kaibigan sya dati ni ate Danica and asawa sya ngayon ni Kuya Harold," naguguluhan sya pero sumagot pa din sya. "What about her?"

"Diba may coffee farm iyon? I've heard malaki daw iyon and maganda ang lupa kaya maganda ang quality ng coffee beans. And alam mo namang binenta nya iyon diba? And if I'm not mistaken, Marlo Paliza ang name ng nakabili nun."

"So?"

"Anong so? Alukin mo si Marlo a yun na bibilin mo ang farm! It'll be a great help for you."

"I know. Pero hindi ko naman kilala iyang Marlo a iyan. Sino ba yun? At saka, I need to check first yung farm," sagot nya.

"Okay. I'm going with you. I've heard kasi na super duper handsome nyang si Marlo eh. Not to mention he's also rich," kinikilig na sabi ni Madilyn.

Natawa naman sya sa tinuran ng kaibigan. Kahit kailan talaga ay hindi na nagbago ang kaibigan nya.

"Okay then. Tomorrow, let's pay a visit there," aniya saka tumayo. "For the mean time, halika na dahil may pupuntahan pa ako."

"Sige," agad na sagot ni Madilyn. Tumayo na din ito at sumabay sa kanya palabas sa café.




SA LIKOD ng mesa naman ng inokupahan nina Angelica kanina ay napapangiti si Marlo. May kikitain syang kaibigan kaya pumunta sya dun. Sakto namang nakita nya si Angelica kasama ang kaibigan nito kung kaya't dun nya naisipan pumwesto. Nakinig sya sa usapan ng mga ito at narinig nyang balak bilhin ni Angelica ang coffee farm nya.

"Ikaw din pala ang lalapit sa akin, Angelica. Hindi na pala ako mahihirapang mag isip kung paano ka lalapitan," bulong niya sa isip.

Matagal na kasi nyang pinag iisipan ang hakbang na gagawin nya upang mapalapit sa dalaga. Pero ngayon, tila nakikiayon sa kanya ang kapalaran. Tiyak na hindi na sya mahihirapan pa na isagawa ang parusang nararapat kay Angelica dahil ito na mismo ang lalapit sa kanya.

"Humanda ka na, Angelica Del Carmona. Oras na para pagbayaran mo ang kasalanan mo..."

Author's Note:

Please click the external link on side for series 1 :)

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon