Chapter Ten

7.4K 153 7
                                    

Chapter Ten

    Kanina pa nakatitig si Angelica sa kisame ng kwarto nya habang nakahiga sa kama nya. Hawak naman ng kanang kamay nya ang cellphone nya na maya’t maya ay sinisilip nya.

    Today is their 50th day as a couple. It was already passed five pm pero hanggang ngayon ay hindi pa nagpaparamdam sa kanya ang binata. Ni isang tuldok sa text ay wala. Hindi kaya ayaw na nito sa kanya?

    No, hindi naman siguro ganoon iyon. She’s sure that they both enjoy each other’s company. No dull moment when they’re together so hindi naman siguro ito nagsawa sa kanya.

    Napabalikwas sya ng bangon ng maramamdaman nyang nagba-vibrate ang phone nya. Naramdaman na naman nya ang pagwawala ng kanyang puso ng makitang si Marlo ang tumatawag.

     Huminga muna sya ng malalim bago sinagot ang tawag, “H-hello.”

     “Fine.” Sumimangot sya, “bakit ngayon ka lang nagparamdam?”

     “Busy ako kanina, eh. Bakit? Uyy. Namiss mo ako, no?”

     “N-no,” she lied.

     “Liar. Hahaba ang ilong mo nyan, sige ka,” tudyo pa nito sa kanya saka tumawa. “Namiss mo ako, eh.”

     “Hindi nga sabi eh,” pagtataray nalang nya para pagtakpan ang pagkapahiya. Namumula na rin ang mukha nya. Mabuti nalang at hindi nya kaharap ito ngayon dahil pagnagkataon, siguradong pauulanan nanaman sya nito ng pang aasar.

     “Okay. Fine, sabi mo eh,” he replied sarcastically. “Don’t worry, heart. I’ve missed you too.”

     Lalo namang nagwala ang puso nya. Parang gusto na yata nitong lumabas sa rib cage nya dahil sa sinabi ng binata.

     “Oh, and by the way,” patuloy ni Marlo. “Come here at my cottage at exactly Six thirty pm, now. I’ve prepared something for you. Wag mo na akong paghintayin ng matagal, heart, please? And lastly, dress naman ang isuot mo.”

     Hindi na nito hinintay pa ang sagot nya. Pinutol na nito ang tawag. Saglit muna syang napatulala bago napadako ang tingin nya sa wall clock nya.

     It was already five thirty pm! She only has an hour to prepare herself. Ah, no. Almost an hour nalang pala kasi ta-travel pa sya papunta sa cottage nito. Agad syang tumayo ng kama at tinungo ang banyo ng kwarto.

    ISANG SIMPLENG red tube dress na above the knee ang sinuot nya. Hakab na hakab sa katawan nya ang damit kaya kita ang magandang hubog ng katawan nya.Simple lang ang suot nyang iyon pero nagmukha pa rin syang elegante.

    Nag apply din sya ng light make-up na lalong nagpatingkad sa maamo nyang mukha. Ikinulot din nya ang mahaba nyang buhok. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit ba gusto nyang magpa-impress kay Marlo. She wants to be beautiful for him.

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now