Chapter Seven

7.8K 150 4
                                    

Chapter Seven



  Sinipat muli ni Angelica ang sarili sa harap ng full length mirror nya para masigurong ayos na ang hitsura nya. She’s wearing white spaghetti blouse na pinatungan nya ng black blazer. Tinernuhan nya iyon ng fitted jeans at white sneakers.

  Iyon ang unang araw ng deal nila ni Marlo, ang first day nila as couple. Hindi nya alam kung saan sila pupunta at kung ano ang gagawin nila kaya ganoon na lang ang sinuot nya. Komportable sya sa ganoong kasuotan.

  Hinayaan din nyang nakalugay ang mahaba at itim nyang buhok. Hindi na sya nag abala pa na maglagay man lang kahit konting make up. Nakuntento na sya sa pagpupulbos.

  Nang masigurong ayos na ang hitsura niya ay agad niyang kinuha ang shoulder bag niya saka lumabas ng kwarto. Hindi na nya dinala ang susi ng sasakyan nya. Hindi muna sya gagamit ng sasakyan.

  Pagkababa nya ng hagdan, nabungaran nya ang kuya Bernard nya sa sala na nagkakape at nanonood ng telebisyon.

  “Saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya.

  “Diyan lang, Kuya. May aasikasuhin lang ako,” sagot nya. Hindi nya sasabihin na makikipagdate sya kay Marlo. Tiyak na papaulanan nanaman sya nito ng pang aasar kapag nalaman nito 'yon.

  “Napansin kong nitong mga nakaraang araw, lagi ka nalang may inaasikaso. Hindi kaya nakikipagdate ka lang?” tudyo nito sa kanya. Nakapaskil ang nakakalokong ngiti nito sa labi. Itinaas pa nito ang mga nakayukom na palad na animo’y nanalo.

  Nagulat sya ng sumigaw ito ng: “Yes! Inlove na uli ang bunso namin!”

  Nag init naman ang mga pisngi nya. Nilapitan nya ito at marahang hinampas sa braso. “Heh! Tigilan mo nga ako, kuya. Pwede ba? Wala akong panahon sa mga ganyan. Mas gugustuhin ko pang igugol nalang ang panahon ko sa Hacienda at mga negosyo natin.”

  “Ang sungit mo talaga,” anito. “wag kang ganyan. Baka tumanda kang dalaga.”

  “Kuya naman eh. Ako nanaman ang napagtripan mo,” asik nya rito. “Bahala ka dyan. May gagawin pa ako.”

  Sumeryoso ang anyo ni Bernard. “O sige, Angelica. Pero 'wag mo masyadong nilulugmok ang sarili sa Hacienda at mga negosyo natin. Paminsan minsan ay magliwaliw ka naman.Kahit isa o dalawang beses lang sa isang linggo para na rin makakilala ka ng ibang tao at nang hindi lang si Madilyn ang kaibigan mo.”

  “Aysus!” asik nya rito. “Ayoko ngang matulad sayo.”

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now