Chapter Four

6.7K 154 3
                                    

Dedicated sa kaagaw ko kay KyleMyLabs. Hahaha. For Ate Hanna to ;)
Sorry ang lame nito (_ _")


Chapter Four 

  Lihim na napangiti si Marlo nang makita ang naging reaksyon ni Angelica pagkakita sa kanya. Looks like tinamaan ito sa charm nya. That’s a good news for him. He can use that charm sa paghihiganti kay Angelica.

  Pinagmasdan nya ang dalagang nasa harap.

  Hindi nakakapagtaka na nainlove ang bestfriend nyang si Adran dito. She’s indeed beautiful. Kaninang sumilip sya sa bintana ay naabutan nyang bumaba ito ng sasakyan. Halos matulala sya dito ng makitang pumikit ito marahil ay upang damahin ang sariwang hangin. She looks like an angel ng pumikit ito habang ang mahabang buhok nito ay malayang tinatangay ng hangin.

  She has lovely brown eyes, a cute pointed nose, a white smooth skin, and a pink lips na para bang ang sarap halikan.

  Sinaway nya ang sarili. Hindi sya dapat nagpapa apekto sa ganda nito. Dapat nyang tandaan ang naging atraso nito sa matalik nyang kaibigan. Oo, maganda ito. Pero alam nyang may kasamaang nagtatago sa likod niyon.

  Nang maalala ang kinahinatnan ng kaibigan ay muling bumangon ang galit nya dito at ang pagnanais nyang makaganti dito.

  Tumaas ang sulok ng labi nya, “Yes ladies? Anong kailangan nyo?”



  NAPALUNOK naman si Angelica ng bahagyang ngumiti ang binatang nasa harap. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

  “Umm… Excuse me?” pukaw muli nito sa kanila.

  Doon na sya natauhan. Lihim nyang sinaway ang sarili. Ipinaalala din nya sa sarili na nandun sya para alukin ang Marlo na iyon na bilhin ang farm at hindi para matulala sa estranghero na ito.

  Tunikhim muna sya bago magsalita, “I’m sorry. Ako nga pala si Ange—“

  “Angelica Del Carmona,” putol nito sa sasabihin nya. “I know you. Sino bang hindi nakakakilala sa inyong magkakapatid na Del Carmona sa lugar naten? You’re popular here, you know.”

  “Ganun ba?” iyon nalang ang nasabi nya sa mga sinabi nito. “Ikaw ba si Marlo Paliza, ang may ari ng coffee farm na ito?”

  “Yes, ako nga? May maipaglilinkod ba ako sa inyo?” anito. “C’mon, pumasok muna tayo sa loob.”

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now