Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )

20K 237 6
                                    

Teaser:

Si Angelica Del Carmona ang bunso sa magkakapatid. Nais nyang siya na lang ang mamahala sa mga kompanya at Hacienda nila. Gusto nyang mahigitan ang lahat ng mga nagawa ng nakakatanda nyang kapatid na si Danica.

Pero, para magawa iyon, kinakailangan nyang makuha ang coffee farm na pag aari dati ni Aivie na ngayon ay nasa kamay na ni Marlo Paliza.

Nang alukin nyang bibilhin nya ang farm kay Marlo ay nagulat sya sa ipinatong nitong presyo sa farm. Limangpung milyon! Napakalaki naman niyon. Tiyak na malulugi ang mga kompanya nila kung magbabayad sya ng ganun kalaking halaga.

Pero may isa pang alok si Marlo. At iyon ang mas kinagulat nya...

"Don't worry, Angel. Babawasan ko naman iyan sa isang kondisyon," anito saka ngumisi. "You have to be with me for a hundred days."

Nababaliw na ba ito? Ano ba ang gusto nitong mangyare? Pero dahil desperado na sya ay pumayag na din sya.

Lingid sa kaalaman nya ay matalik na kaibigan ni Marlo si Adrian, ang dati nyang nobyo. At ang tanging motibo lang nito sa pakikipaglapit sa kanya ay paghihiganti para sa pinaniniwalaan nitong kasalanan nya. Nais lamang nitong pag ibigin at saktan sya!

Mahulog nga kaya si Angelica sa patibong ni Marlo? Magawa nga kaya sya nitong mapaibig sa loob ng isang daang araw?

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now