Chapter Two

7.8K 143 1
                                    

Chapter Two

Agad na bumaba ng light blue niyang Land Cruiser Prado si Angelica matapos niyang i-park ito sa parking lot ng St. Agustin Cemetery. Tinungo niya ang loob ng sementeryo at dumiretso sa may bandang mataas na bahagi niyon. Dun kasi nakaburol ang dadalawin nya.

Nang marating ang punted, ibinaba nya ang isang bouquet ng asul na rosas sa tabi niyon. Saka umupo sya sa lapag katabi ng puntod. Hindi na sya nag abala pang gumamit ng upuan dahil may maliliit at pantay pantay namang damo dun kaya siguradong hindi sya gaanong madudumihan. Tinitigan nya ang nakasulat sa puntod.

R.I.P

Adrian Carlo Bautista

July 13, 1992 - October 1, 2010

Isang buntong hininga ang pinakawalan nya. "Kamusta ka na, Adrian? Alam mo ba, hanggang ngayon miss na miss pa din kita..."

Bigla ay naramdaman nya ang pag iinit ng paligid ng kanyang mga mata niya at kasabay nun ay ang paglabo ng paningin nya buhat ng mga luhang lumalabas sa mga mata nya.

Hindi nya tuloy mapigilang alalahanin muli ang nakaraan kung saan ay kasama pa nya ito...

ABALA si Angelica sa binabasa nyang libro ng maramdaman niya ang kamay ng kung sino na tumakip sa mga mata nya. Kasalukuyan sya noong nasa garden ng Hacienda.

"Adrian," nakangiting usal nya saka hinawakan ang kamay nitong nasa kamay nya.

"Ang galing ng sweetheart ko ah," anito saka tinanggal ang kamay sa mga mata nya.

Agad naman syang tumalikod para makita ito at lalo syang napangiti nang pagharap niya dito ay tatlong asul na rosas ang tumambad sa kanya.

"Three blue roses for my one and only love," nakangiting sabi ni Adrian.

"Aw. Ang sweet talaga ng hon ko," aniya saka tinanggap ang bulaklak.

"Anything for my sweetheart," dagdag pa ni Adrian saka umupo sa tabi nya. "Ano yang binabasa mo?

Nakangiting itinaas niya ang librong binabasa upang masagot ang tanong nito ng nobyo.

"Hmm... Vampire Diaries ah?" usali nito ng makita ang librong binabasa nya. "Huuu! Mas pogi pa ako kay Stefan at Damon dyan, ano?"

Pinigilan nya ang sariling matawa sa sinabi nito. Tinaasan niya ito ng kilay, "weh? Talaga lang ah?"

Napasinghap siya ng bigla ay inilapit ni Adrian ang mukha nito sa mukha niya. Halos gahibla nalang ang distansya nila at ramdam na niya ang mainit na hininga ng nobyo.

"Of course, kaya mo nga ako sinagot diba? Kasi gwapo ako at mahal na mahal mo," bulong nito.

"Boastful and conceited!" nakangiting ganiting bulong nya dito. She look directly into his eyes, "But what you have said is one hundred percent true."

"See..." anito saka ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi. "But remember, I love you more than anything else, Angelica."

"Me too, Adrian. I love you so much," ganti nya dito.

Ngumiti naman ito sa kanya at muli ay sinakop nito ang mga labi nya. He was kissing her gently yet full of passion. In that moment, she knew she was so blessed. And she hopes that she and Adrian will be together forever.

"Sweet," nakangising bulong ni Adrian nang maghiwalay ang mga labi nila.

Nag init naman ang mga pisngi nya.

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt