Chapter Six

6.7K 151 4
                                    

Chapter Six

  “Aargh!” inis na sabi ni Angelica sabay sipa sa gulong ng sasakyan nya. “Bakit ba ayaw nilang tanggapin 'yung offer ko?!”

  Hinawakan ni Madilyn ang balikat nya. “Kalma lang, Angelica.”

  Isang buntong hininga ang pinakawalan nya. Paano ba sya kakalma eh lahat ng owner ng coffee farm sa bayan nila ay napuntahan na nila para alukin na bibilhin ang coffee farm pero ni isa sa mga ito ay walang gustong pumayag. Maging ang owner ng coffee farm sa karatig bayan nila ay ayaw patulan ang offer nya kahit anong pamimilit nya.

  Maganda naman ang offer nya ah?

  Hangga’t maaari sana ay gusto nya ay sa malapit sa Hacienda lamang ang coffee farm na bibilhin nya dahil gusto nyang siya mismo ang mamahala dun para masiguro ang magiging kalidad ng produktong kape. Kung sa malayo kasi, tiyak na mahihirapan sya dahil kailangan nya pang bumyahe, eh, kailangan niya ding asikasuhin ang Hacienda.

  It would really be difficult for her.

  Ang coffee farm sana ni Marlo ang pinakaperpektong farm para sa kanya. Bukod kasi sa ito ang pinakamalapit na farm sa Hacienda ay ito rin ang pinakamalaki at pinakamagandang farm sa lahat.

  “Eh kung patulan mo nalang kaya 'yung offer ni Marlo?” tanong ni Madilyn sa kanya.

  Tinignan nya ito. Wala syang mahagilap na dapat sabihin.

  Nagpatuloy si Madilyn nang hindi pa sya nagsalita, “I mean, I know na hindi ikaw 'yung tipo ng babae na papatol sa ‘kalokohan’ na iyon. But why don’t you recosinder? Isipin mo nalang na para kay Adrian 'yon, para sa pangako mo. Laruin mo nalang ang ‘trip’ ni Marlo. After that, makukuha mo na ang farm then magagamit mo na iyon para sa café nyo. Pagnagawa mo, bongga! Madadaigan mo na ang ate Danica mo.”

  Napaisip sya sa sinabi ni Madilyn. May punto ito. Pag iisipan nya mamaya ang sinabi nito.

  “Halika na, uuwi na tayo,” iyon nalang ang nasabi nya. Binuksan nya agad ang pinto ng sasakyan niya saka agad na sumakay. Kinabit agad nya ang seatbelt pagkaupo. Sumunod naman si Madilyn sa kanya.

  Nang maayos na ni Madilyn ang seatbelt nito ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan.

  “Yung sinabi ko sayo, Angel, pag isipan mo mabuti,” bilin ni Madilyn sa kanya ng ihinto nya ang sasakyan sa tapat ng bahay nito.

  “Oo, Salamat ah, Mads,” aniya rito saka ngumiti. “Pasensya ka na ah? Naiistorbo na nga kita tapos minsan sayo ko pa naitutuon ang init ng ulo ko, I’m really sorry.”

  “Aysus…” anito na marahan pa syang hinampas sa balikat. “Ano ka ba, Angel! Sanay na ako sayo no. Ikaw pa? Pero ayos lang. Naiintindihan kita. Best friend nga tayo diba? Saka ano bang naiistorbo ang sinasabi mo dyan? Bukod sa nakakagala na ako ng dahil sayo ay nakakalibre pa ako ng kape sa café nyo lagi. Ang laking tipid kaya nun. Ang lakas ko sa kape eh.”

  “Kaya nga nalulugi na kame eh,” biro nya saka nagtawanan silang dalawa. “Kidding aside, thank you talaga. I’m so blessed to have a friend like you.”

  “Ako din naman eh. I’m blessed to have you, too. Osya, pasok na ako sa loob ah,” anito saka bumaba ng sasakyan. “Bye. Ingat ka pauwi,” anito bago isara ang sasakyan nya.

  Nang makapasok na sa loob ng bahay si Madilyn ay agad nyang pinaharurot ang sasakyan pauwi ng Hacienda.

  “OH ANGELICA, andiyan ka na pala. Saan ka galing?” bungad ng kuya Bernard nya sa kanya nang pumasok sya sa mansion nila.

  Naabutan niyang magkatabi ang kuya Bernard nya at ate Ehrie nya sa sala habang may hawak na ballpen at papel.

  “Diyan lang, kuya. May inasikaso lang ako,” sagot nya sa kapatid bago bumaling kay Ehrie. “Hi, ate Ehrie!”

Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )Where stories live. Discover now